Boarder of thy Heart

Magsimula sa umpisa
                                    


"Maybe we could try asking?"


"Yes of course!" sang-ayon ni Karen. Tumayo na kami at naglakad palabas ng coffee shop. Nag jeep lang kami dahil malapit lang naman ang Lando's papuntang Cembo.


Isang three-storey house na may green na gate ang hinintuan namin ni Karen. She pressed the doorbell while I scanned the whole place. The house was okay. But it looks 'kinda expensive.


The gate opened and I was caught off-guard when a good looking man showed up right in front my very eyes. He was like an angel minus the wings and a halo. And for some reason, hindi ko mahagilap ang boses ko.


"Hi, ladies! Sino po ang kailangan nila?"


Si Karen na ang sumagot para sa kanya. "We are just wondering kung available pa ba 'yan?" Itinuro ni Karen ang signage na nakasabit sa gate.


"Yeah, the room is still vacant. Pero wala pa si lola, eh. Siya kasi ang namamahala pagdating sa mga rooms," sagot ng binata. Yeah, I assumed that he was still single since I didn't saw any ring on his fingers.


"Pwede ba naming hintayin ang lola mo para makausap namin siya?" si Karen ulit.


"Sure, sure. Pasok muna kayo. Alam ko pauwi na rin naman yun si lola galing palengke." Pinapasok kami ng lalaki sa sala ng mga ito. "Upo muna kayo."


While waiting, the guy served us cookies and soda. At habang katapat ko siyang nakaupo sa sofa, nagawa kong muling pagmasdan ang hitsura niya. Gwapo talaga ito. He has really nice eyes framed with thick lashed. His nose was prominent and his lips were as red as an apple.


Hindi pa sana ako titigil sa kakatingin sa lalaking kaharap ko pero dumating na ang lola nito. Tumayo kami ni Karen at nagbigay galang sa matanda.


"Hello po," sabay na bati namin ni Karen.


Ngumiti ang matanda sa amin. And I noticed that she's still pretty despite her age. "Ano ang sadya niyo, mga hija?"


"Ang sabi ng apo niyo, may isang room pa daw po na available dito sa inyo. Itatanong lang po namin kung magkaano po ang upa per month?"


"Three thousand pesos. Kasama na doon ang tubig at kuryente," sagot ng matanda. "Kayong dalawa ba ang mangungupahan?"


Umiling-iling ako. "Ako lang po. Mag o-OJT na po kasi ako."


"Then, pwede kong babaan sa two thousand ang rent since hindi ka naman masyadong maglalagi sa room mo since sabi mo nga ay may OJT ka. I get it na kailangan mo lang ng kwartong mapagpapahingahan, is that right?"


"Tama po," sagot ko.


Love. Sex. Escapade. [One-Shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon