"O' ba't ako napasali d'yan?" Singit ni Godwin.

"Talaga lang ha? Si Natasha parin ang kinakampihan mo kahit alam nating sinadya niyo 'yon? Ibang klase ka talaga." Ani Swan habang umiirap sa kawalan.

"Swan naman 'eh! She's sorry about what happen." Giit nito.

"Godwin Jairus Salazar!"

Napalingon kami sa kung sino man ang sumigaw. Speaking of Natasha. 'Yon andito na siya.

"Speaking of the witch!" Pabulong na sigaw ni Swan.

Habang papalapit siya tinignan ko ang magiging reaction ni Godwin. Bakit parang naiirita ito? Parang hindi niya gustong narito si Natasha papalapit sakanya. I understand him, though. Sino bang may gustong makasama ang bruhang yan? Pabebe masyado eh!

"Oh. Hi Faithy and Swan also...  sorry for what happen kahapon na tapilok lang talaga ako and hindi ko sinasadya iyon. " Halatang hindi siya sincere sa sinabi niya. Diko feel.

"Halika na nga Faye, naiirita na naman ako. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at may mapatay pa akong aswang!" Naiinis na sabi ni Swan. See? She's a warfreak, kahit nagso-sorry na 'yong tao, naghahanap pa rin nang gulo. But, I'd like to support her kung si Natasha lang naman ang kakatayin niya.

Whatta nice joke. Is it?

"May aswang dito?" Gulat na saad ni Natasha at saka kumapit kay Godwin na ngayon ay nakatitig parin sakin. "Oh my gosh, Godwin ipagtanggol mo ako baka kainin ako ng aswang!!" Pag o-oa nito.

Ano ba yan, Godwin! Nako-conscious tuloy ako sa sarili ko. Titig kasi siya nang titig. Nakakairita.

Tinaboy niya ang kamay ni Natasha na nasa braso niya, ghad! Braso niya ang hard! I mean no.

"Psh, walang aswang, they don't exist so don't be scared-" Swan cuts him off


"Meron nga kasing aswang, ang close niyo nga sa isa't isa eh, naku kung ako sayo Godwin? Lalayuan ko ang mga aswang nakakatakot sila kesyo di niya ako matatakot. Duh!" Sabi ni Swan. Yeah I know she's referring to Natasha, kasi wala namang aswang na nage-exist like Godwin said.

"H-huh? What are you tryin' to say? Na isang aswang ako? How can you say that? I don't even bite!" She accused. Gaya ng una naming pagkikita, ang buhok niya ay nakaponytail.

"I didn't mention a name. Nasayo na yan if natamaan ka! Haleer? Hali ka na nga Faye!" Dahil ayaw ko sa away ay nagpahila na lang ako sakanya.

Before kaming makalayo ay tinignan ko muna sila. Seryosong nakabaling si Godwin sakin habang si Jeremy at Natasha ay nakatulala lamang..

"Ugh! Nakakabanas na yang Natasha Perez na yan ha! Kung hindi ko lang naging kaibigan yung kapatid niya! Kakatayin ko talaga 'yon!" Pagkatapos niyang sabihin yon ay napatakip siya sa bibig niya.

"May kapatid si Natasha?"

"H-ha? Wala! Wala siyang kapatid.. Si Jeremy yong tinutukoy ko." Pagaalinlangang sabi niya. Yung parang may na bunyag siyang dapat hindi? Yung ganon?

"N-nga pala sabi ni Sean, pumunta ka daw mamaya sa birthday party niya. Sa TBB(The Best Bar). 'Tsaka aasahan niya daw ang regalo mo." Sabi ni Swan.

Oo nga pala ano? Ba't hindi ko namalayan na birthday niya ngayon? Hindi pa nga ako nakapag greet sakanya ng happy birthday. Ano ba yan! Napakabad kong bestfriend hahayst! Ang dami kasing nakakalokang nangyari dahil dun hindi ko na namalayan na birthday na pala niya...

Forever YoursNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ