Chapter 7

303 41 3
                                    

"You found parts of me I didn't know I existed and in you I found a love I no longer believed was real."

~a-h

-

CHAPTER 7: What the hell...

"Bukas na nga pala ang birthday ni Sean. Ikaw, anong naisip mong ireregalo sa kapatid mo?" Tanong ko kay Swan. Nasa canteen kasi kami right now para mag lunch.

Tumingin siya sakin. "Wala akong maisip eh, 'Tsaka hindi naman siguro kailangan bigyan ng regalo yun! He's not a kid anymore. He can buy the things he want." Aniya.

Pagkatapos niyang sabihin yun sakin. Nakabalik na kaagad ang titig niya sa kanyang cellphone. Para kasing may inaantay siyang mag pop-out sa cellphone na hinahawakan at tinititigan niya.

"Ano kayang pwede'ng iregalo kay Sean, noh?" Tanong ko sakanya. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Ano ba kasing meron sa phone niya? Sino ba yung inaantay niya 'dyan?

Like hello? Andito pa naman kasi ako.

"Huy! Ano ba yang tinitignan mo 'dyan sa phone mo?" Tumayo ako at nilapitan siya para makiusyoso.

Bigla naman niyang naitapon ang phone niya sa sahig. 'Tsaka kinuha niya at ti-norn on. Gumagana pa naman ito dahil hindi naman masyado'ng malakas ang pagkatapos niya. Kaya lang, kaya niya naitapon yung phone niya... Nagulat 'ata? Pero ba't naman siya magugulat eh kanina pa ako nandyan sa harapan niya. Lumipad yata yung kaluluwa niya sa mars. Hay nako!

"Ba't kaba nanggugulat?" Biglaan niyang sabi halos pasigaw na 'yon ah? I'm sure may problema 'tong isang to.

"E' kasi naman, kanina pa kita tinatanong tapos hindi ka naman sumasagot? Anong nangyayari sa'yo, Swan? May problema ba? You know you can trust me..." Ani ko. Pre-occupied talaga siya eh.

Tinignan niya ako, "H-huh? W-wala noh!" She denied.

Why so defensive? Ano ba kasi yan?

Tumawa ako sa naging reaction niya. Para kasi siyang nakakita ng multo sa pagkagulat sakin. At saka yung kanina din. Parang late reaction lang.

"Swan, you better tell it to me.." I said clamly. Para kasing wala siyang utak right now.

Tumikhim siya."Wala nga kasi---" Hindi ko na narinig ang last word niya kasi bigla nalang.....

...umingay. Of course andyan na naman yung tatlong heartthrobs eh.

"We love you Salazar Brothers!" Bigla naman nilang hinila pataas ang banner nila. Ang laman lang naman non ay ang mga candid shots ng tatlo. You can't blame them. Kahit anong anggulo man sila tignan, ang gu-gwapo parin. Hayst, boys will always be boys.

"Ayy!"

"Ba't na naman nila kasama yang babaen'g yan?"

"Nakakainis naman ang Natasha na 'yan dumidikit na naman sa kanila!"

"Hindi ka na nasanay.."

"'La nakong pake diyan sa babae, ang sakin ay hindi niya lang agawin si Gerwin, magkakamatayan kami."

"Hoy bakit? Kayo ba ni Gerwin?"

"Joke lang, hehe."

"Wooo Gerwin ang gwapo mo!"

"Ghad! Shit! Ang hot mo Jeremy!"

"Godwin! Anakan mo na ako!"

Napangiwi ako sa huling sigaw na narinig ko. Like hell? Magpapabuntis ka ba naman sa isang arrogante'ng halimaw na 'yon? Tse!

Forever YoursWhere stories live. Discover now