Kabanata 1

268 7 0
                                    




Asar naman 'tong si Sarah e, sinabing 3 pm .. tsk ! 5pm na wala pa.. di na nagbago kinarir na talaga ang pagiging MISS-ALWAYS-LATE.


Naiinis na bulong ko habang lumilinga-linga sa paligid, tapos titingin sa wristwatch na suot ko, then sa cp ko balik ulit sa wristwatch. Ganito rin ba siya pagdating sa work ? Unprofessional kung ganun.


Nasa isang foodcourt ako sa SM North, hinihintay ang Best Friend ko in the whole wide world. Usapan naming magkikita ngayong araw na ito dahil may malaking pabor akong hihingin sa kanya. As in malaking malaking pabor, buhay, future at happiness ko ang nakasalalay. Alam kong di niya ako matatanggihan.


Gusto niyong malaman kung ano yun ? Will .. Gusto kong maglayas ! Mag-total disappearance sa bahay .. sa buhay ng parents ko. Kasi naman nakakasakal na sila sa sobrang pagiging pakialamero at over-protective sakin. Wala akong karapatang magpasya at pumili for my own, and worst pati sa future lovelife ko !


Gosh .. niririto ba naman ako .. mali, ipakakasal pala ako sa isang lalaking hindi ko kilala. Sa isang total stranger na bigla nalang susulpot sa buhay ko. Anong malay ko kung masamang tao pala yun, or worst baka sa isang ehwwww na lalaki. Sure akong may tuktok yun sa ulo, sino ba naman kasi ang may matinong pag-iisip na papayag sa isang fixed marriage ?


Hello ! Okay lang sila ???


Gusto ko na ngang isipin minsan na nagda-drugs sila e. At pinagtritripan lang ako.


Wait ! Baka nga totoo. Kasi naman e, uso pa ba yan ngayon ? Modern na tayo ngayon, right ? At sa pakakaalam ko wala naman kaming lahing chinese. Spanish meron pa. For heavens' sake hindi pa naman kami naghihirap e ! Stable ang business ng parents ko kaya imposible.


' Yum, sorry matraffic. ' napatitig ako sa maputi, sexy and cute na babaeng biglang umupo sa tabi ko.


' As always, ganyan ka naman talaga e. Di mo manlang inisip na galing ako sa biyahe, mula pa sa cebu.. tss.. nakakapagod ang biyahe tapos pinaghintay lang ako.' nakairap na sagot ko.


She grimaced.


' Anyways, dala mo na ba yung pinapadala ko? ' excited na tanong ko.


She rolled her eyes. ' Oh ayan na, di manlang nagtanong kung kumain na ako. '


' Diet ka diba. ' conscious ito pagdating sa figure, kasi model ito .. na siyang kinaiinggitan ko. Nagagawa kasi nito lahat ng gustuhin unlike me.


' Ano ba kasing gagawin mo diyan sa mga credentials ng maid namin ? ' intrigang tanong nito habang tinititigan ang brown envelop sa ibabaw ng mesa.


' Mag-a-apply ako ng trabaho, at yan ang gagamitin ko. ' cool na sagot ko.


Her eyes widenned.


' Whatttt ???! ' bulalas nito.


' Shhh ... ang ingay mo.' nakaagaw kasi siya ng pansin. Napalingon samin lahat ng mga tao sa paligid.


' Teka lang ha. Ano na naman bang kapraningan itong naiisip mo at idinadamay mo pa ako ? Balak mo bang mabulok sa bilangguan at gusto mo pa akong madamay ? Hello ! Identity thief yan ! ' eksaheradang sabi nito.


' Pwede kalma lang. Di mo pa nga naririnig yung reasons ko makareact naman wagas. ' Nakapout na sabi ko.


' Naku siguruhin mo lang na very much valid and acceptable yang alibies mo kung hindi itatakwil talaga kita as my Best friend. ' she raised her brows and cross her arms.


' Sus. Di mo magagawa yan. You love me e. ' nagpuppy-eyes pa na sabi ko.


' Yum, di porke love kita papayag na ako na mapariwara ka. '


' Mapariwara agad. Di mo ba alam na itong gagawin mong tulong ang magsasalba sa buhay ng itinuturing mong Best Best Best Friend sa buong buhay mo. '


' Tss. Drama. Sige nga enlighten me Best Best Best Friend. '


I took a deep breathe.


' Si Daddy kasi -- '


' Oh what about Tito ? ' biglang sabat nito.


' Pwede maya ka na sumingit, let me finish first. ' I titled my head.


' Sorry, okay continue. '


' Gusto na niyang magpakasal ako.'


' Huh ??? Paano e wala ka namang Boyfriend. Tika ibig sabihin naglihim ka sakin ? Akala ko ba walang lihim lihim ? Nakakainis ka naman. ' tampo niya.


' Pwede chillax lang. ' I rolled my eyes. ' Masyadong OA ka, Yum. And FYI wala talaga akong BF alam mo yan. At yan ang problema ko ! Gusto niyang pakasalan ko ang apo ng Best friend ni Grandpa na wa ko talaga knowing na may Best friend pala siya. Isipin mo Yum, kapraningan yun diba ? Diba ? Diba ? ' hestirikal na sabi ko habang pinupompok ang mesa.


' O-oo Yum. '


' See ? Kaya please help me Yum, di ba love mo ko ? Diba ayaw mong masira ang buhay ko ? Diba gusto mo akong maging masa-- '


' Oo na ! Ano bang maitutulong ko ? Tigilan mo lang ako sa pangkukunsenya mo. '


Yes !


' Ihanap mo ko ng work. ' seryosong sabi ko.


' Work ?? Wehhh di nga ? ' She raised her brows, at tumawa ng tumawa. Akala siguro niya nagbibiro lang ako. ' Ikaw magtratrabaho ? E hindi ka nga marunong kahit maghugas manlang ng plato e. '


She has a point, all my life napapaligiran ako ng mga taong aalalay sa akin. Hindi ko naranasang maglaba kahit ng undies ko. I don't know how to cook ang alam ko lang ay kumain. I don't even know how to clean my own room ang alam ko lang din ay magkalat. Prinsesa ako sa bahay, prinsesa sa parents ko.


' Ano ka ba madali lang yan. Kaya kong pag-aralan yan. Calculus nga natutunan ko e yan pa kaya. ' bahala na !


Alam ko iniisip niya di ko talaga kayang magtrabaho, pero desperate na ako. Wala na siyang magagawa. I value my freedom, my happiness and my life.


' Okay sige, sasabihan ko si Kuya Clarence para i-hire ka sa company namin. '


Oh no. Hindi magandang ideya ang magtrabaho sa company nila. Paano ako makakapagtago kung doon ako magtatrabaho ? Nag-iisip ba ito ?

' No. Ayokong malaman nila Daddy kung nasaan ako. Ibang identity ang gagamitin ko, gusto kong magtago kaya nga hiningi ko yang papers na yan e. ' sabay turo sa brown envelop.


' Paano kita mahahanapan ng work e yang hiningi mong credentials e para sa highschool graduate lang ? Wala kang mahahanap na work pang office executive niyan. '


' Yun nga ang maganda dun e. Kasi di ako mahahanap ni Daddy basta basta. Isa pa gusto ko yung magiging work ko e yung hindi naglalalabas para more chances of not being caught. '


' E ... ' tila nag-iisip na sabi nito.


' Please !!!!!! ' pinagsakop ko pa ang dalawang palad ko sa harap niya. ' Help me Yum, kung hindi mababaliw na talaga ako. '


' Mababaliw rin ako sa mga pinagsasasabi mo, isipin mo ha makakaya mo bang maging katulong if ever. Ikaw na halos sa lahat ng bagay may nakaalalay sa buong buhay mo ? Kaya mo bang maging maid ? ' hatalang na-e-stress ito.


' Oo kaya ko. Kahit ano kaya ko basta marangal. ' Sunod sunod akong napatango.


' Tsk. Sige kakausapin ko si Ate Addy. ' casual na sabi niya tapos napailing. ' pahamak ka talaga. '


Si Ate Addy ang pinsan nito na close friend ko rin, pagkakaalam ko may agency ang family nito na naghihire ng mga mag-a-apply na maids. Mayroon din itong security agency katunayan sa kanila kami kumuhuha ng mga guards para sa malls at chains of hotel na pagmamay-ari ng parents ko.


' Talaga ??? Thanks talaga Yum. '


' Tss. Ayusin mo lang! Ayokong magkaproblema kina Tito Francis. ' ang tinutukoy niya ay ang Daddy ko.


' Promise di ka mapapahamak. ' Nakahinga ako ng maluwag.


' Pag-isipan mo munang mabuti, Yum. Baka nabibigla kalang. Baka di mo kayanin at magsisi kalang diyan sa iniisip mong kahibangan na yan. ' worried parin na sabi nito.


' Sure na ako. Sure na sure na sure na. ' hinawakan ko ang kamay niya. ' I have to do this. I need to do this. '


' May magagawa pa ba ako. ' Finally !


Nakita niya atang desidido ako kaya napapayag ko siya.


Ang totoo kinakabahan din ako, pero kailangan kong tibayan ang loob ko. Kahit katulong tatanggapin ko wag lang akong mapakasal sa lalaking di ko gusto. At gusto ko rin malaman ng parents ko na hindi na ako bata at hindi sa lahat ng oras tama ang mga disisyon nila para sakin .. lalong lalo na si Francis Aris Castillo.


Francis Aris Castillo is my very controlling, domineering, business minded, insensitive father.


Pero love ko siya, sila ng mommy ko. Kasi kahit ganun sila they been the best parents in the world. Lahat binigay nila sakin, expensive and pretigious school, they pampered me with good things. Kaya nga buong buhay ko sinusunod ko lahat ng gusto nila.


But not this time ! Dahil ayoko pang mag-asawa, kahit 22 na ako ni minsan di pa pumasok sa isip ko ang salitang pag-aasawa at ang mainlove.


At hindi nila iyon maintindihan.


Lahat gagawin ko for them .. kinalimutan ko kung ano man ang pangarap ko para sa sarili ko. Sinakripisyo ko na nga ang dream kong maging model kahit yun ang gusto ko dahil ayaw nila..


Sabi ni Daddy, Ikaw lang ang nag-so-solo kong anak .. sayo mapupunta lahat ng pinaghirapan namin ng Mommy mo ! Paano mo maaalagaan ang mga negosyo natin kung Walang Kwentang pagpopose lang ang aatupagin mo ! Kaya nga kita pinag-aaral sa magandang paaralan. We have to secure the future of our company. Bakit kasi babae pa ang ibinigay samin, kung naging lalaki kalang sana.


Kaya ayon, Business Administration ang kinuha ko imbes na Fashion Designing. Masakit isipin pero wala talaga silang tiwala sa kin, sa kakayahan ko. Kaya ko naman patakbuhin at pamunuan ang business nila kung tutuusin at alam kung magtatagumpay ako.


Isa pa kasalanan ko ba na naging babae ako ? E sa mahina sila kaya di na ako nasundan. Hmmp !

The Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon