Kabanata 3

127 6 1
                                    

Warning : Subject for editing.
          Un-reviewed

Maraming Typo-Error, wrong grammar and mis-spelled words. So kung masyado kayong perfectionist huwag na kayong magbasa.

Hehehe. 😅
Enjoy reading !

------- 
 
FVCK ! I can't sleep. Ito na nga yata ang tinatawag nilang namamahay, never pa kasi akong nakaranas ng ganito yung mahirapang makatulog. Masisira ang beauty regimen ko nito!
 
  
Or is it because of my bed, talagang hindi lang ako comfortable sa higaan ko? Pwede bang bumili nalang ako ng sarili kong bed with comforter? Tapos magpapalagay ako ng aircon dito. Sosyal ko namang maid no?
 
  
But honestly speaking, ilang oras palang ako dito sa mansion na ito parang isang taon na ang pakiramdam ko. Namimiss ko na yung kwarto ko, pati si Pochie alaga kong Siberian Husky. Hindi kasi yun makatulog pag hindi sa kwarto ko. Palagi kasing naka-highcool ang ac ko.

Hayyyy.. I miss my pillow, my room, our house! I miss everything.
 
 
Pabaling baling ako ng higa, kahit may electric fan ng makatutok sakin sobrang init parin, yung mga kasama ko sa kwarto ayon ang himbing himbing ng tulog nila humihilik pa. Nainis ako lalo.
  
 
Nakilala ko na pala yung dalawang kasama ko dito sa quarter, si Manang Saling kasi nasa ibang kwarto siya. Mababait naman itong si Girly and Salva mukhang makakasundo ko rin. Mayron nga palang labandera dito sa mansion kaya thankful kami kasi hindi kami maglalaba, kaya lang twice na week lang siya pumupunta dito para maglaba. Meron din hardenero at personal driver ni Sir Theo, syempre sa ibang kwarto silang dalawa. So hindi magiging boring ang buhay ko dito sa Mansion.
 
 
Bumangon ako at nag-inat ng likod. Fvck ! Parang nabalian yata ako ng backbone at binugbog ng sampung tao. Ang sakit ng likod ko promise !

Oo na, sanay ako sa lamig ng aircon at mabangong kwarto. Hindi ako makatulog pag may ibang kasama sa loob ng kwarto. Sisihin pa ang manipis na foam ng hinihigaan ko, nararamdaman ko ang matigas na kahoy sa ilalim. Naalala ko tuloy yung bedtime stories namin ni Mommy nung bata pa ko, yung Princess and the Pea ata yun. I miss my Mom too. Hayyyy.
  
 
I checked my phone, nagchange ako ng number syempre. Wala naman akong message, ang boring lang ! Manghingi kaya ako ng textmate next time para naman magamit ko yung load ko sayang yung post paid ko e. Gora !
  
 
Hindi ko mapigilang mapamura, 1am palang. Seriously ? Ilang oras palang akong nakahiga, ang sakit na agad ng likod ko. Siguradong kakailanganin ko ng extreme body massage nito bukas. Ano ba yan !
 
 
God, makakatagal ba ako sa ganito ? Namimiss ko na agad magpasalon at magshopping. Pwede pang magback-out.. pero ayoko ! Ayokong umuwi sa bahay.. lumayas layas ako tapos uuwi rin pala ako, anong klase. Harapin ang consequences ng katigasan ng ulo ko. Amen.
 
 
Tch. Ang init talaga ! Di na ko makatiis.
 
 
Tumayo ako at lumabas ng servants' quarter. Kailangan ko ng malamig na malamig na tubig. Kahit sobrang dilim ng paligid di na ako nag-abalang magbukas ng ilaw, wala naman na sigurong gising ngayon. Sure na sure akong tulog na yung mga amo namin.
  
 
Isa pa anong malay ko, baka pinagbabawalan nilang magbukas ng ilaw ang mga kasambahay nila, including me. Baka nagtitipid sila sa kuryente.
 
 
Pwede bang makiinom ng fresh milk? Sarap batukan ng sarili ko. Makabili nga ng sarili kong stock bukas. Joke lang syempre!
 
 
' Who are you ? ' muntikan ko nang mabitawan ang basong hawak ko dahil sa sobrang gulat. Boses lalaki iyon galing sa likuran ko.
 
  
' A-ahm .. B-bagong maid po, Senyorito. ' alam kong hindi ito si Sir Theo dahil iba ang boses nito. Mas lalaking-lalaki ang boses ni Sir Theo samantalang ito parang pa-cute pakinggan.
 
 
' I see. Ako nga pala si Drew. ' kahit medyo madilim nakikita kong nakangiti siya. ' What' s yours ? '
 
  
' F-faith po, Senyorito. ' ewan ko ba pero di ko maiwasan mag-statter.
 
  
First time kong may kasamang lalaki sa isang may kadilimang lugar tapos dalawa lang kami. Baka siya yung binabanggit ni Ate Addy na palikerong Mr. Fuentabella.
 
 
' Pwede ba, huwag mo kong tatawagin niyan nakaka-panindig balahibo e. Masyadong old fashioned. Just call me Sir Drew. ' nangingiting sabi nito.
 
 
Hmmm. Tama nga si Manang Saling mukhang mabait ito. Pero wag munang makampante. Baka nagpapanggap lang itong mabait. Friendly friendly sa umpisa tapos may masamang ugali pala.
 
  
' O-okay .. Sir. ' Malay ko ba na pang medieval period pa yung Señorito thing na yun, e sa bahay Senyorita tawag sakin. Ginagaya ko lang yung mga maids namin.
 
 
' Ilang taon kana ba ? Parang ang bata mo pa para magtrabaho. ' komento niya,
 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon