Basta't Mahal kita

253 0 0
                                    

-jd

Distansya man sa ating pag-ibig ay malayo
Basta't mahal kita, hindi yun magbabago
kahit ilang kilometro't milya pa ang pagitan
Basta't mahal kita, gagawin ko lahat ng paraan.

Koneksyon man minsan ay problema
Basta't mahal kita, huwag kang mag aalala
Sa araw at sa gabi ikay aking tatawagan
Hahanap ng oras, tayo lamang magkamustahan.

Sa tamang panahon tayo di'y magkikita
Basta't mahal kita, Handa akong maghintay, Sinta
kahit ilang taon pa'y aking kakayanin
Basta't mahal kita, ikaw lang ang mamahalin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Tula ng KalungkutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon