FAITH

1.4K 6 0
                                    

naglalakad sa dagat ng patalim,
Aking naliligaw na damdamin .
Namamanhid na pakiramdam,
mga sikretong ako lang ang nakaka alam.

Nag iisa sa gitna ng dilim,
Galit na aking kinikimkim.
Sakit na nararamdaman,
mga matang hindi mapatahan.

Nanginginig na mga tuhod,
Sa sariling luha'y nalulunod.
Hindi maibukang mga labi,
mga salitang hindi masabi sabi.

Nasanay na sa sakit,
kasiyahan saki'y pinagkait.
Noong nakilala ko siya,
Ako'y nanalig sa Kanya!

At paghihirap ko'y bigla nalang nawala .

Mga Tula ng KalungkutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon