tahan na

306 0 0
                                    

tahan na kaibigan ang pagtangis
mo sa kanya.
Sa buhay mo'y hindi kita iiwan tulad ng kanyang ginawa.
kahit alam ko sa sarili'y akoy lubhang nasasaktan din
Pag nakikita kang nagkakaganyan
at di mo ko kayang mahalin.

tahan na Kaibigan , parati lang akong nandito
isasakripisyo ang oras ko para lamang sayo,
Sa lahat ng panahon ay pwede mo akong sandalan.
kaya tumahan ka na, dahil gagawin ko lahat ng paraan.

Para muli kayoy magkaayos na
at nang makita ko muli ang saya sa iyong mga mata.
Kaya Tahan na, hindi ko kaya na nasasaktan ka
dahil ang puso koy unti unti ng nababasag,sinta

tahan na, tahan na...

Mga Tula ng KalungkutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon