Twenty-first Move

Start bij het begin
                                    

Love is weird all right. Sa una akala mo lang talaga physical attraction ang nararamdaman mo... hanggang sa mag-build up siya at hindi mo na namamalayan na minamahal mo na siya. Then you realize that you're starting to like the things he like and that you're consuming time just to think about him.

It's not even hard to fall in love.

What's hard is that we fear that our feelings won't be return at their side. Maghihintay lang tayo. Mapapatanong ka na lang sa sarili mo kung kailan niya ako mamahalin o kaya naman ay mapapansin niya kaya ako.

Walang kasiguraduhan ang lahat.

Kaya siguro nagawa ko iyon. Dahil hindi na ako nakatiis na hindi nabibigyang-pansin ang nararamdaman ko. Kailangan talaga nating gumawa ng kilos para hindi na tayo maagawan. May it be embarrassing or decent, we need to be noticed. Kung mahal mo naman talaga ang isang tao, mangingibabaw pa rin yung pagmamahal mo kesa sa katinuan mo. Katulad ni kuya Jasper, he acted impulsively just to be noticed. And like me too, I asked him things I never should've asked now.

Ang awkward tuloy ng gabing iyon. I hope he's alright at hindi niya iyon iniisip masyado. Yung bibig ko kasi sobra talagang padalos-dalos. Kasi naman, bigla niyang tinanong kung paano kami nagkakilala. Dapat maalala niya! Pero hindi ko siya masisisi dahil simula naman noon hindi niya talaga ako napapansin. Hanggang tingin lang.

Ayoko na ngang isipin iyon. Masyadong masakit balikan. Pero speaking of that, andito kaya siya? Nakita ko kasi sa isang banda ng orphanage center ang mga schoolmates niya pati si Honey. Hindi ko na lang siya pinansin dahil hindi naman kami close tsaka may galit pa yata sakin yun. Pinoproblema ko tuloy kung paano ko ipapaliwanag sa kanya.

"Guys, mamaya na daw tayo mag-paint. Masyado kasing mainit," saad ng isa naming facilitator.

Sakto. Hanapin ko na lang muna siya... kung meron man siya dito. Feeling ko talaga meron. Dahil ang alam ko'y kung nasaan si Honey ay nandun din siya. Mahal niya pa rin kaya si Honey? What if he still does?

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung kusa akong aatras o kung kailangan ko bang humadlang.

"Kuya, maglibot lang ako," paalam ko kay kuya Jasper.

"Sige pero balik ka maya-maya. Baka magsisimula na rin." Tumango ako at tuluyang nang umalis. Medyo malawak 'tong center na to. Baka matagalan ako... hindi rin ako sanay ng mag-isa lang.

Para tuloy akong giraffe na naghahanap sa mga kumpulan. Baka kasi kasama niya ang barkada niya. Hihinto na sana ako sa paghahanap nang bigla ko na lang siyang nakita.

There's my man. Walking alone with his hands on his pocket while staring at the ground. Nang mag-angat siya ng tingin ay napangiti ako sakanya at kumaway. Ang lakas talaga ng gut feeling ko.

"Hi Dale-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nilampasan lang niya ako. Nawala ang ngiti sa aking labi habang tinanaw ko siyang naglalakad palayo.

Nagulat ako sa reaksyon niyang iyon. Anong problema niya? Galit ba siya sakin? It's like he doesn't even know me. Biglang ang lamig na ng pakikitungo niya sakin. Tinitigan ko ang likod niyang papalayo na sakin.

Anong nagawa ko sa kanya? Could it be because of that night? Ito na ba ang ibibigay niya saking sagot?

Hahanapin ko sana siya pero bigla na lang sinabi sa banda namin na magsisimula na ang pagpintura. Wala akong choice kundi bumalik na doon na masama ang loob.

"Guys kuha na kayo ng pintura. Magsisimula na tayo," saad nung isang facilitator. "Oh! And tutulong pala satin ang Luiz High. Medyo malawak kasi ang wall tsaka sampu lang tayo."

OPERATION: Make Ligaw to himWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu