Fallen

1.7K 48 8
                                    

+++Enjoy Reading++

Mhaye POV.

"Ito pa beh, sabi ni Doktora, mainam daw ito sa buntis. "

inabot nya sa akin ang baso ng gatas at almond seed na paborito ko. 

inabot ko iyon kasabay ng mabining ngite, ng pasa-salamat .

"Nainom mo na ba vitamins mo?"

"Opo ! Tapos na bhe. "

"Good. May.... Sumasakit ba sayo???"

"Tch! Ang OA mo bakla.
                Wala nga!
Sasabihan kita pag meron.

Gusto ko ng saging!"

Ngumuso ako sa saging na nasa tabi nya.
Hindi naman sya nag reklamo at kumuha nalang.
Binalatan nya muna ito bago inabot sa akin.
Punong-puno nga ang refrigerator ko, ng mga gulay at prutas, binilhan nya rin ako ng salmon.

Sagana din sa egg ang kusina ko.
Tapos tinanggal nya mga paborito kong junked foods. Kung bakit kasi nabawal pa sa buntis ang mga Junked foods e!

Ma mi miss ko sila!

Healthy naman daw si baby girl namin. 
                              
                            oh diba? ang galing talaga ni bakla!
7 months na ang tyan ko.
Kaya may kalakihan na!
Feeling ko nga, ang pangit -pangit at ang taba ko na.

Tapos, itong tatay pa ng anak ko, ginawa akong palamuning baboy.


kasalanan ko rin pala kasi palagi akong gutom.
Well,,,,,, ganon siguro talaga,
kasi dalawa kami ni baby ang kumakain.

kahit ang totoo ang takaw ko lang talaga!

Hindi ko tuloy, mapigilan ang sarili ko na mahalin sya.

Oo mahal ko na si bakla!
Hindi ko man sya magawang prinsipe ko,
handa akong maging prinsipe sa prinsesang tulad nya.
                               Charott!! ..

Sino ba naman kasing hindi mahuhulog sa isang baklang kagaya nya?.
                      Masipag,
                      Mabaet,
                      Maalaga,     
                      Mapagmahal,
                      Mabango.
                 ihihi ang landi ko sa part na yun!

Pero seryuso,
kamahal-mahal syang tao sa totoo lang.

Bonus nalang talaga
pagiging matalino,
at angking ka-gwapohan nya.
Hindi ko alam kong kailan pa nag simulang tumibok ang puso ko para sa kanya.
Basta nagising nalang akong, minamahal ko na sya ng palihim.
Alam ko naman kasing hanggang kaibigan lang talaga ang kaya nyang ibigay .
pero atleast kahit papaano,
mahal nya rin ako,
parte parin ako ng buhay nya!

..... Bilang kaibigan nga lang!..

Hindi naman kasi importante kung mahal ka ng mahal mo,
ang mahalaga mahal mo sya.
Gunun naman talaga kasi,
hindi lahat ng pag mamahal nasusuklian.  at lalong hindi mo dapat hilinging suklian nya, kasi para sakin pag mahal mo mahal mo lang, ang swerte mo na kapag mahal kadin. pero, wala ee hindi ko naman pwedeng pilitin ang puso nya na mahalin din ako.

MY GAY BABY MAKER [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon