"Matagal-tagal ka na sa industriyang ito, kaya sinusubaybayan na ng mga fans mo ang buhay mo, tanong ng mga nila, is your marriage that stable?" lumalalim na kasi yung introduction kanina, eh.

"Actually, hindi," napa-O yung mga tao, at ngumiti lang siya na parang hindi naman siya naapektuhan. Ganyan naman siguro ang mga artista. May training sa pagtatago ng damdamin. Assuming ka namang naapektuhan siya, Chaniel.

"Why?" ayun, nagseryoso na talaga ang host. Sobra na. Eh, Honesty Talk Show yung pinasukan, alangan magsinungaling. "Follow up question, ikaw ang may problema o yung asawa mo?"

"Siguro, kaming dalawa yung may problema. Honestly, di ko alam kung saan ako nagka-problema, bigla na lang...bumagsak o back to zero ba tawag dun. May issue siyang hindi niya masabi-sabi sa akin hanggang sa hindi ko na siya nakita hanggang ngayon. I can't feel her presence. We're so happy back then, every moment with her seems really special and worth treasuring, but she proves to me that it was not...leaving me behind. Maybe, everything happens for a great reason. Umalis siya, there might me a deep reason behind that. Hindi ko alam yung rason kung bakit ganun, all I can say is...I've moved on."

Nalaglag yung chips na isusubo ko sana...direct to the PAIN talaga! Pwede, hinay-hinay naman.

"So, does it mean, you're ready to take another relationship?"

"Sana..." ngumiti siya. "Sana...planning pa po."

"Planning daw...how I wish I can know who it is?"

"Everyone knows her." AYUN! TALAGA NAMAN!

"Hint..." to the serious talk to a light talk. ANO BA? Seryoso ba sila sa pinag-uusapan nila? Parang wala lang nangyari na great confession. GANYAN, lang...grabeh, natahimik tuloy yung buong studio.

"Secret," he gestured his hand. "I'm just clarifying things about the issues I'm facing now. Wala na po kami ng asawa. To another issue naman, I am not a playboy, and I don't play girls. Kung sino man ang nagkalat ng news na yan. To the other issue, I'm really dating that someone, and its not...cheating or something, dahil matagal na po kaming walang koneksyon ng asawa ko. Well, to answer the last question, I am filling up a divorce papers."

"So, single na ka ba ulit niyan or magiging not single again?" piling-iling siyang nangingiti.

"So, second to the last question, may nararamdaman ka pa ba sa kanya, at may pag-asa ba incase na magkita kayo ulit?"

"Totally, wala na po."

Napapikit ako...ito ba yung sakit na gusto kong maranasan, yung direct to the point na sakit? Yung walang slow motion na nalalaman, parang pinana ni Kupido ng diretsahan talaga.

Ito ba yung sa tingin ko ay bayad sa ginawa ko...yung babatikusin ako ng mga tao patungkol sa interview na yan. Sobrang honest naman ni Eros sa mga sagot niya...pwedeng magsinungaling naman. Yung bang, sa akin lang niya isusumbat yung lahat, hindi naman sa National Tv, ang hirap naman harapin ng ganun.

Is this the pain that I want?

Yes...but its not enough.

I want to feel all the pain.

I want to feel the pain of my daughter.

I want to feel the pain my husband felt.

Gusto ko yung mamatay na ako sa sakit. Yung sakit na wala na akong maramdaman na iba, kundi puro sakit na lang. I want that kind of pain.

I want to repay my sins...and this pain will never be enough.

I want to cry out of pain hanggang sa maubusan ako ng mga luha. Cause the tears I am crying now, is for myself only, for my heart only...yung sakit na gusto kong itulak yung lalaking mahal ko na magmahal ng iba at kalimutan ako...

A Very Special Romance (BOOK 3 COMPLETE)Where stories live. Discover now