Ang Girlfriend Kong Selosa (one-shot)

1.3K 31 8
                                    

His POV:

"Hoy Mister! Sino po yung kausap mo kanina?" -Jane habang nakapamewang na parang asawa kung magtanong..

"Wala yun Boss. Nagpapatulong lang yun sa akin.."

"Nagpapatulong? Eh kung magbulungan kayo eh parang hindi ko kayo nakikita ah. Close kayo, ganun?" - Jane

Nako naman po. Heto nanaman ang bunganga niyang walang tigil sa kasesermon. Lumalabas na naman ang girlfriend kong selosa -_-. Nagseselos na naman siya. Wala naman talaga yun eh. Nagpapatulong yun para mapansin siya ng gusto niya na tropa ko naman.

"Nagpapatulong yun para mapansin siya ng crush niya na tropa ko. Binulong niya ang pakay sakin, baka daw kasi may makarinig"

Hay nako naman oh. Ang selosa niya talaga. Kahit sinong mapalapit saking babae, pinapaiwas niya sakin. Ako nga pala si Andrew at si Jane naman ang Girlfriend kong selosa. Magkaklase kami since first year high school kami. Dahil dun, palagi kami ang nagkakausap kaya napalapit kami sa isa't isa. Naging magkaibigan at nagkadevelopan kami. Mate three years na nga kami eh. Andito pala kami sa rooftop ng school. Breaktime naman kaya okay lang tumambay dito. Kami lang nga palagi ang nandito eh. At heto siya nagtatampo sakin. Nakaupo siya sa may railings. Niyakap ko siya mula sa likod. Lambing lang naman ang katapat ng tampo niya palagi.

"Okay..sorry na Babes..simula ngayon iiwas na ako sa mga babae..Okay na ba yun?" bulong ko sa kanya.

"Natatakot lang naman ako mawala ka at mapunta sa iba eh.. sorry din " - Jane

"Okay na tayo ahh.." tumango naman siya sabay ngiti. Hinalikan ko siya sa noo. Yan ang nagustuhan ko sa kanya eh....kahit ang selosa niya, marunong pa rin siya magtiwala.

*FAST FORWARD*

(Two Weeks Later)

Two weeks have passed na okay kami ni Jane. Hindi na nga siya sinusumpong ng pagkaselosa. Simula kasi nun, dumidistansiya na ako sa mga babae. Palagi ng kami lumalabas pagkatapos ng klase eh.

Heto ako ngayon sa bahay, nag-open ng facebook ko. Wala kasing magawa eh. May nag-add saking babae. Denise ang pangalan. Tiningnan ko muna background niya. Maganda siya. Mukha namang mabait kaya inaccept ko na ang request.

Denise: 

Thank you po sa pag-accept sakin ^-^

Ako: 

Youre welcome :)

Denise: 

Tagasaan po kayo?

Ako: 

Taga Laguna...sige ahh, out na ako.. :)

Denise: 

Ok bye po. Take care always.. ^^

Nag log-out na ako. Iniiwasan ko na talagang mapalapit sa mga babae. Ayokong simulan nanaman to ng tampuhan namin ni Jane. Mahal ko eh. Susundin ko siya hanggang sa kaya ko. Wala na akong nagawa kaya nahiga na ako sa kama ko at sinalpak ang earphones sa tenga ko..

Her POV:

Andito ako ngayon sa bahay at nagbabasa ng one-shot stories sa wattpad. Natapos ko palang basahin ang 'Crush Mo 'Ko' ni bestfriendloverD2nd (para-paraan..XD). Nakakakilig pala yun. Eh halos sumigaw na ako dito sa kilig eh.

Pagkatapos ko magbasa, binuksan ko muna ang FB ni Boyfriend. Merong nag-mention sa kanya. Denise ang pangalan. Nagpasalamat sa oras daw na binigay ni Andrew. Tss. Matanong nga si Andrew. Itetext ko nalang.

Ako: 

Sino tong si Denise?

Ang tagal naman niyang mag-reply. Ano naman kaya yung ginagawa niya at pinaghihintay ako..hmmm

After 10 minutes...

Andrew <3 : 

Sorry Babes, nakatulog ako eh. Yung Denise ba sa FB? Inadd ako sa FB..

Ako: 

Layuan mo yun ahh..

Andrew <3: 

Hindi naman kami magkaibigan sa personal kaya hindi ko siya makikita..

Tss. Wag na ngang mareplayan. Nakakayamot eh.

Possessive na ba ako? Nakakasakal na ba ako? Ayaw ko lang kasing may umaagaw ng akin lalo na kung mahal ko o mahalaga sa akin ang isang bagay o tao. Ewan ko nga kung bakit ang selosa ko. Basta ang alam ko lang, nagmamahal ako ng totoo.

Andrew <3: 

Oy Babes. Bakit di ka na nagrereply?

Babes mo mukha mo. Bahala ka diyan. Kung ayaw mo siyang iwasan, puwes ako ang iiwas sayo..hmp

(One week later) 

Isang linggo na ang nakalipas. Magkatabi naman kami. Kinakausap niya ako pero hindi naman ako nagreresponse. Ay ewan ko sa kanya. Namimiss ko na rin siyang kausap pero pinapangunahan ako ng inis sa kanya. Para rin naman to sa amin. Kung palagi kaming mag-aaway, baka mapunta sa hiwalayan. Takot ko lang kung mawala siya. Mahal ko siya eh. Bakit kasi maraming babae ang umaaligid dun? I mean gwapo siya pero suplado yun. Ayokong nakikipagkaibigan siya sa ibang babae kasi nga diba, dun din kami nagsimula. Sa pagiging magkaibigan. Ayokong dumating yung araw na hindi na ako yung taong mahal niya.

Andito pala ako sa hallway, naglalakad papuntang classroom. May nagbigay naman sakin ng red rose. Eh? Valentines na ba ngayon? May nagpapabigay daw sakin sabi nung guy sabay alis. Pagdating ko sa pinto ng classroom namin, tatlo na ang nabigay sa akin and I guess tatlo lang talaga.

Pagpasok ko may biglang nagstrum ng gitara at sinimulan nang kumanta. Ang kanta nila? Sorry na by Parokya ni Edgar. May lalaking pumasok sa pintuan at may dalang tatlong hugis pusong lobo. Sino pa ba? Edi si boyfriend. Ang sweet talaga neto.

"Babes, sorry na oh *sabay bigay ng balloons*. Hindi ko naman talaga yun kilala eh. Nakikipagkaibigan lang yun..." - Andrew. Ngumiti naman ako..

"Ako nga ang dapat magsorry eh. Sorry kung ang possessive ko. Sorry kung ang selosa ng Gf mo..Natatakot lang akong mawala ka sa akin" Niyakap niya ako at bumulong

"Alam mo ba, ikaw lang ang taong minahal ko nang sobra..kaya wag kang matatakot na mawala ako sayo dahil hindi yun mangyayari. I will always be by your side. At sa totoo lang masaya akong nagseselos ka..." - Andrew. Loko to ahh

"Ano? So natutuwa ka pa na nagseselos ako" sabay hampas sa kanya..

"Aray ko naman. Patapusin mo muna ako. Pwede?" -Andrew

"Sabi ko nga eh tatahimik na ako eh.." bigla naman siyang naging seryoso..

"Masaya akong nagseselos ka kasi ibig sabihin nun mahal mo ako..na ayaw mong mawala ako sayo at mapunta ako sa iba..diba?" -Andrew

"Yan ang nagustuhan ko sayo eh, naiintindihan mo ako. I love you Andrew, 'my lapitin ng babae Boyfriend' "

"Hindi ahh..pero I love you too Jane, 'ang Girlfriend kong selosa' " - Andrew at hinalikan niya ako sa cheeks..

"AYIEEEEEEEEEEEEHHHHHHHHHH" hiyawan nang mga kaklase namin

Sabi nga nila "JEALOUSY is just a sign that you really love that person"

Kaya kahit anong mangyare, hinding hindi ako magbabago

I will always be "ANG GIRLFRIEND MONG SELOSA" Andrew KO..Oo akin lang siya kaya walang maglalakas loob na agawin siya sa akin kung ayaw niyong malagas lahat ng buhok niyo...JOKE XD

~END~

Ang Girlfriend Kong Selosa (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon