Ang Katapusan

4.3K 137 31
                                    


ANG KATAPUSAN


---------

MABILIS na lumipas ang mga araw, buwan, at taon. Tuluyan nang naghilam ang mga sugat na idinulot ng malagim na pangyayaring iyon kay Benedict. Panay ang pagbalandra ng matamis niyang ngiti sa harap ng mga kamera. Kasalukuyan nga siyang nasa press conference ng bagong pelikula. Romantic comedy ang tema sa ilalim ng batikang direktor na si Direk Casey Molina.



"Good afternoon. I'm Jacky Lopez of Beauty Chic Magazine. This question is for Ms. Hannah Salvador," ani ng isang journalist.



"Hello. Yes?" nakangiting saad ni Hannah Salvador.



"Anong feeling na you are now considered as one of the primetime queens now that you are paired with Benedict Azcueta?"



Nilingon ni Benedict ang kaniyang katabi. Naabutan niyang sumulyap sa kaniya si Hannah Salvador kaya't nakarinig pa siya ng iilang kinikilig na staff o hindi kaya'y mga miyembro ng press.



"Oh, I am surprised and at the same time flattered to be named as one of the primetime queens. I just started last year kaya sobrang thankful ako nang magkaroon ako ng break sa showbiz. And I want to take this opportunity to thank my supporters at sa mga fans ni Benedict na tinanggap ako as his partner, sa mga fans club, and to my mother network sa pagtitiwala," nangingiting sagot ni Hannah.



Hindi napigilan ni Benedict ang mapangiti sa tinuran ng dalaga. Noon pa man nang una niya itong makilala at ipares sa kaniya'y nakita na niya kung gaano ito kabait at mapagkumbaba. Hindi lang sa pisikal ito maganda kung hindi sa kalooban na rin. Bagay na minsan niyang nakita at patuloy na nakikita sa isang dalaga. Sa isang kilala na kahit kailan ay hindi nawalan ng puwang sa puso niya.



"You are paired with Benedict for two high-rated TV projects and this is your first movie as a loveteam, right?"



"Yes."



"We all know na blockbuster ang mga naging pelikula ni Benedict with Ms. Anya Valdez. Nakakaramdam ka ba ng pressure?"



Natahimik ang halos lahat ng miyembro ng press. Ang iilan ay lantarang napatingin sa gawi ni Benedict. Kahit ang ilang artista na nakaupo kasama nila sa mahabang lamesang iyon ay hindi napigilan ang pagsulyap sa kaniya.



Nagtiim-bagang si Benedict sa biglaang tanong na iyon ng matapang na journalist. Matagal nang patay ang issue patungkol sa biglaang pagkawala sa showbiz ni Anya Valdez. Kay tagal na rin nang pakiusapan niya ang press at huwag na siyang tanungin sa mga bagay na may kinalaman kay Anya.



"Maging blockbuster man o hindi ang movie na 'to, it does not matter. Ang mahalaga sa'kin ay ang mapaligaya ang mga fans. Thank you," tugon ni Hannah.



Mula sa gilid ng mga mata ni Benedict ay ramdam niya ang muling pagsulyap ni Hannah. Alam niyang nag-alinlangan at naging maingat ito sa pagsagot ng tanong na iyon lalo na at nabanggit pa si Anya.



Isang oras pa ang itinagal ng press conference. Kabi-kabila ang pagtatanong ng press ngunit hindi na muling naungkat ang tungkol kay Anya. Sumentro na nga lang ang mga tanong patungkol sa pelikula at supporting casts. Nang matapos iyon ay hindi na niya pinaunlakan pa ang after party na inihanda ng management. Kaagad siyang nagpaalam upang pumunta sa isang lugar na tahimik.

A Demon's Child [A Demon's Touch Book 2 Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon