Twenty Four

2.3K 35 0
                                    

Sorry for the typos

**

"Your face is red Caelyn. Okay ka lang ba?"

Mas lalo pa akong napahawak sa mukha ko. Kanina pa kasi ako kinakabahan. "Yup. Okay lang ako. Don't mind me. Magdrive ka na lang."

Hindi na siya sumagot at itinuon na lamang ang atensyon sa pagdridrive.

Paano nga kasi kung hindi ako magustuhan ng magulang niya? Dahil isa akong witch. Iyon ang kinakabahala ko. No. Think positive. Walang mangyayari kung puro negative vibes ang nasasagap mo.

"We're here.." Nagbalik ako sa ulirat nang marinig ko ang boses niya. Natanaw ko sa bintana ang kanilang bahay. 2nd time ko ng makapunta dito. Naalala ko pa yung unang beses na pumunta ako. Ang mansion ng mga Heraldy.

Lumabas siya sa driver's seat at mabilis na pumunta sa may pintuan ko upang buksan ang pintuan. Naks. Nagpapakagentleman. Binuksan niya ang pintuan pero parang nagiba ang mukha niya. "Hey..Bakit parang ang pale ng kulay mo? Kanina pa yan. Okay ka lang ba talaga?" Hinawakan niya pa ang noo ko para icheck ang temperature ko.

"Wala talaga akong sakit. Kinakabahan lang ako.."

Napasigh siya ng malakas. "Ohh. i thought kung ano na yan. Don't worry. Mababait sila......sana.."

Pinanlisikan ko siya ng mata. Loko talaga. Tumawa lang siya. "Ang epal mo.." Kinurot ko siya sa kanyang tagiliran.

"Aray. Joke lang. Ito naman. Hindi na talaga mabiro." Wow ha? Kinakabahan na ko, siyempre wala na kong time makipagbiruan. Tss.

"Let's go?" Inoffer niya ang kamay niya. Hmp. Ayoko. Hindi parin ako mapalagay. Imagine, i'll be in a house kung saan puro bampira ang laman. Walang tao. Ako lang.

Narinig ko ulit ang pagtawa niya ng bahagya. "Tawa ka ng tawa diyan. Psh. Mauna ka, susundan na lang kita."

Sinunod na lamang niya ako at pinagbuksan ako ng pinto. Bakit parang nagbago ata ang bahay nila? O nahihibang na naman ako?

Naramdaman ko ang pagslip ng kamay niya sa kamay ko. Intertwined fingers. My fingers are really meant to be intertwined with his. He's my worse half. Yeah not better half.

Despite of the problems kasi, mas nagsstand out ang love namin para sa isa't isa. Love is really something talaga. Never belittle the word love kasi it can even conquer the big word 'Fear'

"I love you.." Ano ba yan? Out of nowhere na lang siya laging nagsasalita niyan. Mamaya makasanayan na niya. "You're blushing." Natatawa niyang sabi.

Wakapels na bampira 'to. Humanda ka sa akin mamaya.

"Stop! Tsss."

Magsasalita pa sana siya ngunit-

"Hi.." Bumungad sa harapan ko ang isang babaeng mukhang nasa early 40s na niya. Mama niya ata.

"Hello po.." Nagbow ako.

"You must be my son's girlfriend? Ang ganda mo ija.." Binaling niya ang tingin sa anak niya at pinat ang balikat niya. "Aba anak. Hanep din pala ang style mo."

"Tch.."

Haha. Ang cool ni future mom. Hoooh! Okay lang yan Caelyn. Okay lang kabahan. Normal lang yan. Isipin mo na lang tao sila.

"Huwag kang mahihiya ah? So, Caelyn ang pangalan mo magandang ija?"

Chos. Magandang ija talaga? "Ah opo. Maisha Caelyn Hermosa po ang buong pangalan ko."

Lumabas ang isang lalaking nakatuxedo. Kasunod niya ang mga kapatid ni Memphis na nakagown ngayon? Anong trip ito?

Yung mga itsura nila the best. Haha. Lalo na si papa niya siguro iyon. As usual, ang gaganda na naman nila. Formal na formal ang suot ni Elizabeth. Trendy naman si Ciera sa kanyang Jewel neckline kasama si Jeron na naturally gwapo.

Vampire's Tale (VTII -HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon