Twelve

2.7K 43 5
                                    

Sorry for the typos.

**

Spells and Potions

**

Nakatingin lang ako kay lola na nagsasalita ng mga salitang hindi ko maintindihan. Tss. Di ko maimagine ang sarili ko na ginagawa yan.

"Aplis varas.." Sigaw niya.

Jusmiyo. Napatalon ako sa kinatatayuan ko dahil parang may sumiklab sa lupa. Kulay itim na apoy. Meron pala non.

Binuklat ko ang librong hawak hawak. Shemaks ang kapal kaya nito. Don't tell me kailangan ko tong maaral lahat? Tss malamang caelyn. Wag ka ng maingay diyan.

"Lumapit ka apo."

Dahan dahan akong pumasok sa Malaking bilog na nagaapoy. Bakit ganun? hindi ako nasusunog? Fireproof na ba ako ngayon?

"Dito sa circle of power mo unang matututunan ang mga basics spells. Mapadark spells man yan o kahit ano."

Nagnod lang ako kay lola. Masyadong seryoso ang mood, Ayoko namang sirain.

"lidināties burvestību" Nanlaki ang mata ko dahil napaangat ni lola ang isang upuan.

"Apo. Tayong mga witch ay para ring sorcerer. We use magic spells to perform magic. PERO! Mas makapangyarihan tayo sa kanila. Kaya nating gumawa ng potions whereas sila ay hindi nila kayang gawin."

Tumango lang ako. Muntanga na ako dito sa totoo lang. Kaya ko ba 'to?

"Empty your mind Caelyn. Yan ang first step para makapagcast ka ng spell."

Sinunod ko naman si lola. Pumikit ako at unti unting nagconcentrate. Empty your mind Caelyn. Put all the bad thoughts away muna.

"Now. Say this spell after me. "lidināties burvestību"

"lidinaties burvestibu?"

Dumilat ako at tumingin sa paligid. Wala namang nangyari!!!

Napailing si lola. "Nakalimutan mo ang first step. Empty your mind"

Ay. Sorry. Pumikit ulit ako. This time super concentrate na ko. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "lidināties burvestību"

May naramdaman akong kakaiba pero hindi pa rin ako dumidilat.

"Magaling. Now. Isipin mo ang gusto mong ilevitate na bagay" Sabi ni lola.

Bagay? Mmmm. 'Baseball bat' sabi ko sa isip ko.

"Yan. Tama yang ginagawa mo."

Napadilat tuloy ako sa sobrang pagkaexcite pero--

"Wag ka munang!" *boogsh* ".....Didilat.."

Huli na. Natama na sa mukha ko yung bat. Napailing naman si lola. "Nadagdagan tuloy yang sakit sa katawan mo.." -Lola.

Oo nga pala. May pilay pa ako. Masakit pa rin pero bearable naman siya.

"Lola naman. Sana sinabi niyo kanina na wag muna akong didilat." pagtatampo ko kay lola sabay pout.

"Nagtanong ka ba?.."

Psh. "E sige na garud. Next na."

Shunga ko talaga. Tss.

"Ang susunod mong pagaaralan ay ang mga Harmful spells."

Medyo naeexcite na ata ako ah? "sāpes pareizrakstības" rinig kong bulong ni lola.

Bigla nalang akong naramdaman ng parang kunuryente ang buong katawan ko. Masakit. Sumigaw ako ng napalakas at nakaluhod na ako sa sahig.

Vampire's Tale (VTII -HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon