VT. II Chapter 1

1.7K 18 0
                                    

"Oo na, akin na nga!" Inagaw ko ang bimpo na hawak ni Jeron dahil pilit niya itong nilalagay sa likod ko. Hindi na ko bata! At isa pa, mga bampira kami. Hindi naman kami basta magkakasakit. "I'm okay. Wag ka magalala."

Pumasok kami sa canteen at umupo sa pang dalawahang upuan. Bumili siya ng isang red velvet cupcake para sakin at palabok naman para sa kanya. Unfair! Sinamaan ko siya ng tingin pero wala siyang pakialam.

Ilang minuto na rin kaming naguusap ng biglang bumukas ng malakas ang glass door ng canteen. Lahat ng tao ay mapatingin sa kung sino iyon.

Pumasok ang grupo ng mga mukhang gothic dahil sa suot nila. Pinapangunahan ito ng isang lalaking matangkad, may brown at malalim na mata at mukhang may ibang lahi. Pansin ko ang piercing sa tenga niya.

Hindi ko talaga feel ang mga lalaking may piercing. Ang yabang!

Sa likod niya ay mga alipores niya. May isang babae na halos nakikisabay sa trip ng mga kasama. They look different at mukhang bagong lipat lang sila.

Wala silang pakialam na pinagtitinginan na sila ng mga tao. Umupo sila sa upuan kung saan kasya ang sampu.

"Ang yabang nung leader. Hmp!"

"Inaano ka ba nila?" Tanong ni Jeron habang ngumunguya.

Umirap lang ako sa kawalan. Kagatin ko tong grupo na to e. Buti pa tong si Epal, gwapo pero hindi gothic. Simpleng gwapo lang pero kung tititigan mo ay nakakabaliw.

Hinatid niya ko sa klase ko at iniabot sakin ang bag ko na buhat buhat niya. Instant alalay ang peg niya.

Hinalikan niya muna ang noo at sinabi niya ihahatid niya ako pauwi bago tuluyang umalis.

Grade 10 nako ngayon dito sa school na pinapasukan ko at nasa section f ako. Ang last section. Tamad kasi akong magaral. Siyempre diyos ko naman, forever kaya akong magaaral! Sinong hindi mababaliw at hindi tatamarin?! Kaya heto ako, masaya na sa last section.

Naupo ako sa right side sa medyo dulo.

Narinig ko ang yapak ng paa sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko si Gothic guy. Nagkatinginan kami at ngumisi siya sakin.

"Alam ko miss, gwapo talaga ako."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ha! Asa!"

Narinig ko lang ang pagtawa niya. Malandi. Kagatin kita e!

"Pakipot." Bulong niya. Pero dahil bampira ako, narinig ko yun. Conceited freak! Inirapan ko nalang siya sa ere.

Tumingin nalang ako sa labas ng bintana and pinanood ang ulan. Buwan palang ng agosto pero medyo maulan na naman dito sa edinburgh. I remember the time nung nanirahan kami sa alaska for 3 years. Halos isang 1 buwan mahigit hindi sumikat ang araw doon.

Ang ginagawa ngayon nila mommy ay titira sila dito sa edinburgh for 10 years and aalis and babalik ulit after 100 years. To make sure na ibang generation na ang maaabutan namin dito.

Ilang minuto lang ay pumasok na ang magiging. "Adviser" namin. As if i care.

Nagdaldal ang teacher namin harapan pero hindi ako nakikinig. Wala akong pakialam kung anuman ang sabihin niya. Sa ginagawa kong ito ay alam ko na na ako na naman ang magiging kulelat sa ranking.

Sumilip nalang ako sa bintana. Nakita ko sa di kalayuan si Jeron. What is he doing sa gubat? Malapit lang ang gubat sa school at kitang kita ko siya na nakasabit sa puno. Parang unggoy. He's staring at me at hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating.

I think he's asking me na lumapit sa kanya. Tinuro niya ang kanyang cellphone. Oh he texted me.

Nilabas ko ang cellphone mula sa bag at doon nga ay nakita ko na may message ako galing sa kanya.

Jeron: Ditch your class. Tinawagan ako ni memphis. We've got something important to do.

Patayo na ako sa upuan ko ng biglang nagsalita ang lalaki sa likuran ko. Si gothic guy.

"Cutting class, eh?"

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. "So what?"

He just tsked.

Nagsusulat yung teacher namin sa board kaya madali akong nakalabas. Perks of being a vampire.

"Anong meron?" Bungad ko kay Jeron pagkalapit ko sa kanya.

Hindi niya ko sinagot bagkus ay hinawakan niya lang ang kamay ko at tumakbo kami palayo.

There, i felt something weird. The moment he held my hand, para akong nakuryente. Weird. I must be hungry.

-to be continued-

Vampire's Tale (VTII -HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon