6. Check-Up

1.7K 34 0
                                    

*Aya p.o.v*

Di ko alam kung bakit nasaktan ako ng nakita ko na masaya sila.
Eh hindii ko naman sila namumukhaan? Hindi ko naman sila kilala. Anu ba yan!?

Naalimpungatan ako at laking pasasalamat dahil nagising na din ako mula sa panaginip na iyon. Bakit kaya ganun no?
Minsan pag nanaginip ka naiiyak ka na lang ng parang shunga?haha...

Nagtataka kong pinahid ang mga gumilid na luha sa aking mga mata. Tsk..anu ba yan? wala namang nakakaiyak sa panaginip na iyon ah?
Ni hindi ko nga alam kung ano iyon! o kung sino ang mga iyon.?
Hay..bakit ko pa ba pinag aaksayahan pa ng oras ang wala namang konek sa buhay ko.?

*Third person p.o.v*
Pinatuloy ni Nathalie ang dating asawa sa kanyang bagong biling condo unit. Kauuwi pa lamang nya galing France ilang araw pa lamang ang nakalilipas. Naging awkward ang sitwasyon ng dalawa. Walang nag simulang magbukas ng topic about sa nakaraan nila. Kapwa naiilang at naninimbang sa kanilang mga nararamdaman. Inasikaso ni Nathalie ang asawa tulad ng pag aasikaso n'ya dito ng nagsasama pa sila. Tahimik lang na nakaupo sa sofa at nagmamasid si Daniel.
Samantalang walang kaalam alam si aya na katabing unit lang nila ang babaeng labis nyang iniidolo nuon at ang babaeng magiging karibal nya sa puso ng mag ama ngayon.

Lumabas ng unit si Aya upang bumili ng ice cream dahil naubos na nya ang stock na ice cream sa ref. Wala syang kaalam alam na abot kamay lang nya ang dalawa. Pakanta kanta pa ito habang pasakay na ng elevator.
Magsasara na sana ito ng bigla muling bumukas at iniluwa si Daniel. Gulat na gulat si Aya while Daniel ay seryoso lang na nakatingin sa kanya. Pumasok ito sa loob kasunod ang isang babae. Halos malaglag ang panga ni Aya ng makilala kung sino ang babae. Samantalang patay malisya lamang ang babae sa presensya at tumabi pa kay Daniel.

Nakadama s'ya ng kirot sa isang bahagi ng kanyang puso. Di sya makakilos pakiwari nya ay mauupos na sya katulad ng isang kandila. Pumwesto ang dalawa sa bandang likuran nya.
Ramdam nya ang pag titig sa kanya ng isang pares ng mga mata. Pinagpapawisan na din sya sa nadaramang kaba. Sa kabilang banda'y, gusto nang yakapin ng mahigpit ni Daniel si Aya ngunit di nya magawa. Di na nya tuloy alam kung ano ang kanyang gagawin. Nalilito sya ngayon sa kanyang damdamin. Inamin na din Nathalie ang dahilan ng kanyang pagbabalik ng bansa. Dahil yun sa kanila ni Deib.

Ngunit paano na si Aya at ang inosenteng anghel sa sinapupunan nito?

Napahilot na lamang si Daniel sa kanyang sintido sa problemang bumulaga sa kanya. Namalayan na lang nya ang sarili na hawak hawak ang kamay ni Nathalie palabas ng elevator.

Wala na si aya.

Di nya maintindihan kung ano ba ang kanyang nararamdaman?
Para syang nasasaktan ng di naman nya kayang ipaliwanag ang dahilan. Nagising si Vince sa mahinang paghikbi sa kanyang tabi. Pupungas pungas pa ito ng lingunin ang babaeng nakatalukbong ng kumot. Tumayo ito at lumapit sa babae.

*Aya p.o.v*
Di ko na nagawa pang bumili ng ice cream dahil sa nangyari. Nagmamadali na lang akong bumalik ng unit at doon na umiyak ng umiyak. Ang sakit sakit lang kasi eh.

Eh bakit ba ako masasaktan?

Wala naman akong dapat ikasama ng loob sa kanila eh.!
Mag asawa sila at ako? Haha sino nga ba ako sa mga buhay nila? Di ko alam kung saan ako lulugar sa buhay nya. Hindi naman sa makapal ang mukha ko. Pero sobrang tanga ko lang kasi para mangarap.! Ang pinangarap ko pa ay ubod ng perpektong lalaki.

Ang tanga tanga ko diba?

Oy wag kana mahiya!

Sige na isigaw mo na na sobrang tanga ko! kanina pa ako iyak ng iyak siguro may isang baldeng luha na din kung inipon ko lahat.
Natigilan lang ako saglit sa pagmumuni muni sa aking katangahan ng may naramdaman akong tumatapik sa braso ko. Dahan dahan kong binaba ang kumot na nakatakip sa mukha ko. Kunot ang noo at salubong ang kilay nya na nakatitig sa akin. Pinahid ko muna saglit ang mga luha ko.
Nakakahiya naman kasi sa asawa ko..

ANG BOSS KONG POGIWhere stories live. Discover now