1. MY LITTLE CUPID

4.9K 125 7
                                    

*AYA P.O.V*

Kinailangan ko munang tumigil sa aking pag-aaral upang magtrabaho. Ngunit sa aking kamalasan, wala akong mahagilap na mapagkakakitaan. Kahit pa yan magbabasura keri na, o kaya kahit pa tagahugas ng pinggan sa karinderya ay papasukin ko na. Hindi naman kasi ako mapili sa trabaho ang mahalaga sa akin ngayon kumain ng tatlong beses isang araw at ang makahanap ng bagong matutuluyan. Mababaw lang di ba? kumakalam na ang sikmura ko pero wala akong kapera-pera. 

Kagigising ko lang kaninang umaga nang palayasin ako ni Aling Bebang sa  aking tinutuluyang  maliit na apartment. Panglimang buwan ko na din kasi siyang hindi nababayaran. Paano ba ito?
nawawalan na talaga ako ng pag asa! Nang magsabog yata ng swerte ang kalangitan noon ay kasalukuyan akong natutulog! Kaya siguro ganito na lamang kamalas ang buhay ko!

Kaya yun! minsan nakakaasar din. Masipag naman ako at mabait at cute?

Kung sana naging mayaman ako eh! Kaso, yun lang hindi ako mayaman. Hindi ko naman pwedeng sisihin sina mama at papa kung ayaw kong multuhin nila ako di ba? hayy!

Pero masaya siguro kung buhay pa sila. Baka kahit mahirap ang buhay masaya pa rin ako dahil alam kong nariyan lang sila, hindi katulad ngayon. Wala man lang akong malapitan. Wala man lang akong matatawag kong pamilya na maari kong mahingian nang tulong. At higit sa lahat wala man lamang akong pambili ng makakain!

"grrrruuhhh...gruuhhhh.... relax lang Aya, relax lang." bulong ko sa aking sarili.

Minsan parang nanghihina na rin ang loob ko pero ngayon? hindi ko dapat isipin yun! dapat ay mas palakasin ko pa yung loob ko kasi maya-maya lamang ay gabi na. Saan ako matutulog di ba? Kaya siguro mamaya na lang akong magsesenti, pagnakahanap na ako ng trabaho at lugar na pwedeng matuluyan ko pansamantagal.

Kaya mga luha? magsibalik kayo ngayon na!!

Nang biglang.---.

"Ay sorry po ate!" sabi ng poging bata na nakabangga ko.

"ah sige ok lang." sagot ko saka nilagpasan na ito.

Pero hinila nito ang laylayan nang damit ko kaya napaatras muli ako pabalik sa kanya. Ngumiti ito ng parang nahihiya.

"aba-hoy bakit ba?" kunot noong tanong ko.

Hindi naman ako masungit ha, pero kasi masyado lang talaga akong problemado kaya hindi ko mapigilan ang aking sarili na magsungit ng konte.

"ate..? nagugutom na po kasi ako baka may pagkain ka po..?" nahihiyang sabi nito sabay pa-cute.

Natunaw naman ang inis ko at napalitan nang awa. Kaso pagkain ba kamo? ah eh ayos ha.? Eh wala nga ako ni piso? kanina pa nga din nagwawala ang mga anaconda ko sa t'yan dahil sa sobrang gutom! kahapon pa kaya ako hindi kumakain? tapos kanina hindi pa ako nakakape man lang ay binulabog na ako ni Aling Bebang! huhu...

"Naku eh?..ah eh pasensya ka na little boy.. wala rin si ateng pagkain eh...wala nga akong kapera-pera eh."paliwanag ko sa side ko.

Parang kinurot naman ang puso ko ng mapalitan ng kalungkutan ang kanina lang nakangiting bata. Hala? nakakaawa naman tong batang to. Anong gagawin ko? kung mayron lang laman ang bulsa ko kahit piso ibibigay ko kaso talagang wala eh?

"Ahm..sige..sige try kong gumawa ng paraan..ok?" Nagliwanag ang mukha nito sa sinabi kaya naman para akong hibang sa tabi na napangiti na rin dahil sa angking kakyutan ng batang lalaki na parang baby girl din! Naglaho lang ang mga ngiti sa aking labi ng manumbalik ang kaluluwa ko sa aking katawang pang lupa. Kung saan na-realized ko na ang binitiwan kong salita! OMG? saan naman ako pupunta? Anong paraan naman aber? huhu sarili ko nga hindi ko mapalamon eh huhu... Lord help me please...

ANG BOSS KONG POGIWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu