4. SURPRISED

1.8K 40 0
                                    

                       *Vince p.o.v*

Gusto kong matawa sa itsura niya hindi ko mawari kung maaawa ba ako o matutuwa eh.

Pag nga naman sinuswerte? Well, wala naman sana akong balak mang entertain ng kung sino pa man lalo pa at about business matter. I came here for vacation by the way.

Mula ng mag kwento kasi si Aya about sa past niya hindi na nawala pa sa isip ko ang pangalan ng mokong na ito! Look? mukha siyang nalugi o natalo sa sugal. He deserves it.

Naiilang si Aya kaharap ang lalaki but kailangan niyang humarap sa lalaking ito upang ipakita kung ano ang sinayang niya. Sabagay thankful din naman ako sa kanya dahil nakilala ko si aya.

Si aya na talagang espesyal na sa puso ko.

Sige na nga hindi ko na gagantihan ang kompanya nang mokong na to. She's mine now, so wala na akong dapat pang ikabahala.

*DANIEL P.O.V*

"sir -este hubby powder room lang muna ako." paalam nya. Nagkasalubong pa ang mga mata namin pero sya rin naman ang unang umiwas. Naramdaman ko tuloy na nasaktan ang isang bahagi sa puso ko. Tumikhim ang kaharap ko upang maagaw ang atensyon ko. Seryoso itong nakatitig sa akin na ikinailang ko kahit papaano.

Hindi makikitaan nang ano mang emosyon ang lalaking. Umayos ako ng pagkakaupo
ang mahalaga ngayon ay nakita ko na si Aya. Tatapusin ko muna ang meeting na to. I don't care kung maclose man o hindi ang deal  ang mahalaga siya ang naging tulay sa muli naming pagkikita nang babaeng gumulo ng aking daigdig.

Inabot ko sa kanya ang mga proposal. Walang gana lang niya iyong binuklat-buklat. Ang yabang lang ah. Naikuyom ko na ang aking kamao nang hindi niya napapansin. Kanina pa rin kasi masarap manapak, kaninang kanina pa talaga!

Nang biglang may matalisod na waiter sa mismong tapat ko.

For heaven sake!? araw ko ba talaga ngayon!?? nagkabagsakan ang dala niyang pagkain sa floor and the worst is.. sa damit ko pa talaga napili nang sauce dumikit? gross!

Mangiyak-ngiyak sa paghingi ng paumanhin ang waiter kaya naman kahit medyo bad trip ako sa nangyari eh naawa pa ako sa kanya.
Lumuhod pa ito sa harapan ko pa ito. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao kaya naman tinayo ko na lamang siya mula sa pagkakaluhod. Saka humingi ng paumanhin sa aking ka meeting upang pumunta saglit sa wash room.

Tumango lang ito na mukha namang walang pakialam sa mga nangyayari..

Tsk.... ang yabang talaga!

Pailing-iling pa ako habang patungo sa comfort room. Sakto naman pagliko ko malapit na sa men's cr nang may makabungguan naman ako. Nakakainit na nang ulo. Mabuti na lamang naagapan ko siya sa bewang bago pa man ito tuluyang mabuwal sa sahig. Gulat na gulat kami pareho.

Para bang huminto ang ikot ng mundo ko. Nagliwanag ang buong paligid niya at kumikinang-kinang pa siya sa paningin ko. Dinig na dinig ko din ang lakas nang kalabog ng aking puso ko at ang pag gapang ng pananabik sa bawat himaymay ng aking pagkatao.

Hindi ko magawang ialis sa pagkakatitig sa maganda nyang mukha ang aking mga mata.

Pero lahat rin ay naglaho nang malutong na sampal ang nagpabalik sa akin sa  katinuan.  And it's really hurts. Nagtatanong ang mga mata kong humarap muli sa kanya. Pero halos mabingi naman ako sa sunod niyang sampal sa kabila ko namang pisngi. Doble pa ang sakit sa nauna niyang sampal pero di ko iyon ininda. Umiiyak pa siya bigla habang pinaghahampas ako sa dibdib kaya naman kinulong ko ito sa aking mga bisig.

Humihikbi siya.

Hinayaan ko na lang. Buong pananabik ko itong niyakap muli.

"Ssshh! narito na ako huwag ka nang umiyak." pag aalo ko.

ANG BOSS KONG POGIWhere stories live. Discover now