Kabanata 4

236 13 0
                                    

Kabanata 4

TALIM NG GINTONG SAMURAI

MALIIT ang bunganga ng yungib.

     Wala pang sampung talampakan ang taas niyon at ang luwang ay kasya ang limang taon na sabay-sabay papasok. Sumenyas ang mga kawal na ipasok nina Dewas ang kahon sa kweba.

     Muling nagulat ang mga Igorot dahil maliwanag ang yungib. Mayroon nang mga naglalagablab na sulo sa loob. Napansin din nila na kahit hindi kalakihan ang bibig ng kweba, malaki ito sa loob at maraming pasilyo.

     Inatasan sila na ilapag ang mabigat na kahon sa dulo nang may kahabaang kutsilyo. Doon ay nakita nila na may drum na nakasalang sa siga. Sa masangsang na amoy at kulay itim na laman ng bariles, nakilala ni Dewas na alkitran ang laman niyon. Sumenyas ang isang kawal na lumabas sila upang buhatin ang susunod na kahon.

     Kahit malamig ang gabi ay tumatgaktak pa rin ang pawis ng mga Igorot. Nakakailang balik na sila sa pagbubuhat pero hindi sila pinapayagang magpahinga.

     Sa kanilang pagbalik-balik ay napansin ni Dewas na malimit tumingala sa kalawakan ang opisyal. Parang may hinihintay ang Hapon.

     Malapit nang magbukang-liwayway ay mayroon pang natitirang dalawang kahon sa ilalim ng tatlong puno ng molave. Tila lalong nainip ang opisyal.

Upang matapos na ang trabaho, ipinagbuhat nito sa apat na Igorot ang mas malaking kahon. At tulad kanina, binantayan ng dalawang kawal ang grupo na nauna na sa kweba.

     Si Dewas, ang lalaking Kulot at ang matabang Hapon ay Itinakang opisyal na magbuhat sa huling kahon. Kasunod ang lalaking may gintong samurai, binuhat nina Dewas ang huling kahon patungo sa yungib.

     Ngunit hindi pa sila nakakalayo ay naramdaman niyang unti-unting bumibigat ang binubuhat nila. Takang nilingon niya ang matabang Hapon na nakapwesto sa hulihan ng kahon. Nakatuon naman ang buong pansin ng sundalo sa pagbubuhat.

     Binalingan niya ang lalaking Kulot na nasa unahan. Nagtaka pa si Dewas nang palihim na pandilatan siya niyon. Saka lamang niya nakuha nandadaya pala si Kulot sa pagbubuhat. Hindi lang taksil sa bayan ang lalaki, magulang pa pala ang 'Hudas'.

     Inis na napailing si Dewas pero inaasikaso na lamang niya ang pagbubuhat. Hanggang mapansin niya na malapit na sila sa yungib. Isang panahon na lamang at mararating na nila ang kweba.

     Ngunit naganap ang hindi nila inaasahan.

     Dahil hindi mahigpit ang hawak ni Kulot sa kahon, biglang nakabitaw iyon!

     Kahit nasa likurang nakatulak pa rin sina Dewas at ang matabang Hapon, hindi nila nakayanan ang mabigat na kahon. Patalikod na nabuwal ang sundalo at nadaganan ng kaho ang dibdib nito.

     "Aaaahhh!" Napasigaw ang sundalo sa sakit.

     Mabuti na lamang at hindi bumitaw si Dewas sa pagkakahawak kung hindi niya naagapan ang kahon, tiyak na mamamatay ang sundalo.

     Bitawan mo ang kahon! Bayaan mong mamatay yan.Kaaway mo yan. Sigaw ng isipan ni Dewas.

     Nagsimulang lumuwag ang pagkakahawak ni Dewas sa kahon. At kasabay niyon ay mariing napangiwi sa sakit ang hapon.

     Bibitawan na sana niya nang tuluyan ang kahon nang mapansin niya na may larawang nahulog mula sa bulsa sa dibdib ng hapon nang matumba iyon. Nakilala niya ang hapon sa larawan. Katabi nito ang isang Haponesa at dalawang batang babae. Tiyak ni Dewas na iyon ang pamilya ng sundalo.

     Bumaling ang higpit na Hapon kay Dewas. Nagtama ang mga mata nito. Walang mababanaag na galit o takot sa mata ng sundalo. Ngunit may bahid ng pakiusap.

     Naiintindihan ni Dewas ang samo ng lalaki. Marahang tumango si Dewas. Para ito sa anak mo na umaasa sa pag-uwi ng kanilang ama, sagot ng mga mata ni Dewas, sa kawal.

     Bumunot ng malalim ng hininga si Dewas. Lumabas ang mga ugat ng Igorot sa braso nang ibuhos ang lakas upang maiangat ang kahon.

     Mula naman sa harapan ay pabalik na humahagibis sa pagtakbo ang opisyal. At nang makita nito ang nangyari, mabilis na binunot ng Hapon ang gintong samurai.

     Dalawang kamay ay mahigpit na nakahawak sa puluhan ng sandata na inangat iyon ng opisyal. Parang bituin na kumikinang ang talim ng samurai.

     Kasabay ng nakakagulat na sigaw, buong lakas na inihataw ng Hapon ang gintong samurai sa lalaking Kulot.

World War IIWhere stories live. Discover now