Kabanata #3

263 12 1
                                    

Kabanata #3

ANG MATIKAS NA HAPON

HUMINTO ang trak

     "Huwag n'yong aalisin ang piring!" sigaw agad ni kulot. "Pumila kayo sa ibaba at ilagay ninyo ang inyong kamay sa balikat ng nasa harapan n'yo."

     Tumalima ang mga bihag. Animo'y tren na naka single file formation ang mga Igorot na nagkataong si Dewas ang nasa unahan. Saglit pa at naramdaman niyang inalis ang kanyang piring.

     Ako ang maggiya sa mga kasama ko, nasaisip ni Dewas dahil siya lamang ang inalisan ng takip sa mata.

     Habang naghahanda ang mga sundalo ay palihim na pinag-aralan ni Dewas ang paligid. Nasa lilib sila na lugar sila. Sa paanan ng burol na tila bolang isiniksik sa ilalim ng alpombrang gawa sa mga punong kahoy.

     Sa tulong ng liwanag ng buwan ay nanakilala niya ang pamilyar na hugis ng mga bundok sa paligid: Gayong hindi niya alam kung saan mismo ang kinaroroonan, batid niyang hindi sila malayo sa sa kanilang village. Kung lalakarin ay makakauwi siya sa loob lamang ng tatlong oras.

     Napalingon si Dewas sa trak nang marinig n'yang bumukas ang pinto sa harapan. May bumabang Hapon. Naglakad iyon patungo sa kanila. Mula sa tindig at lakad pa lamang ay nahulaan agad niyang mataas na opisyal ang papalapit. Iyon din ang nakita niyang lalaki na tuwid na tuwid ang pagkakaupo.

     Kung humanga siya sa tikas ng lalaki ay hindi niya napigilan na maakit sa isang kakaibang sandata na nakasabit sa may baywang ng dayuhan, isang hindi pangkaraniwang espada na kahit sa malamlam na sinag na buwan ay nakuha pa ring kuminang; isang pambihirang sable na pinalamutian ng ginto ag hawakan at kaluban; isang gintong samurai!

     Kahit wala siyang alam sa samurai ay nadama niyang hindi ang mamahaling dekoraasyon ang nagdudulot ng kakaibang aura sa sandatang iyon. Pakuwari n'ya ay pana bang imahen iyon na sapilitang nanghihingi ng paggalang sa sinumang makakita.

     Nasa tabi na niya ang opisyal ay nakatitig pa rin siya sa samurai. Napansin siya ng lalaking kulot. Galit na lumapit ito, umangat ang kanang kamay upang batukan ang Igorot. Magpapasikat ito sa mga dayuhan.

     Ngunit maagap na umungol ang pagtutol ang opisyal. Sapat na iyon para mapigilan ang lalaki. Sapat na rin iyon upang matauhan si Dewas na tila nahipnotismo ng samurai.

     Nag-utos ang opisyal. Nagsindi ng dalawang ilawang de gas ang mga kawal. Nagpasimulang pumanhik ang lalaking Kulot at ang matabang Hapon sa burol. Sinenyasan ng mga sundalo si Dewas na sumunod. Maingat siyang humakbang upang hindi mabigla ang nasa likuran niya.

     Mabagal ang usad ng kakaibang prusisyon ng mga lalaking nakapiring. Mahigit isang oras silang naglakad. Bawat minuto ay tinantiya ni Dewas ang posibilidad na makatakas sila. Hindi sila mahihirapang iligaw sa masukal na lugar na ito ang sinumang hahabol. Ngunit laging naitataboy ang balaking iyon palaging nakatutok ang riple ng mga sundalo na may nakakabit pang mahabang bayoneta sa dulo.

     Hanggang may natanaw si Dewas sa dakong harapan na dalawa pang Hapon sa ilalim ng mayayabong na puno ng molave na magkakatabing sumibol.

     Sa likod ng mga sundalo ay may malalaking kahon na yari sa kahoy. Hanggang baywang ang taas ng mga kahon at may isang dipa ang lapad. Sarado ang mga iyon. Walang anumang marka ang makapagbibigay ng palatandaan kung ano ang nasa loob.

     Yumukod ang dalawang kawal sa lalaking may gintong samurai. At sa unang pagkakataon ay nakitang n'ya na gumanting yukod ang opisyal.

     Aywan ni Dewas subalit pakiramdam niya ay kakaiba, ang pagyukod ng mga Hapon kaysa sa nakita niya sa village. Ngayon ay tila taimtim at maringal ang kilos ng mga ito. Para bang may halong pagdarasal na akmang-akma sa tahimik at madilim na kapaligiran.

     Takang pinanood niya ang nagaganap, kahit hindi niya naiintindihan ang nangyayari. Hinarap ngayon ng opisyal ang mga kawal na kasama nila kanina sa trak. Isa-isa at taimtim na nagyukuan din ang mga sundalo sa opisyal. Muli ay sumagot ng yuko ang matikas na Hapon.

     Matapos maganap ag tila seremonyas ng pagyukuan ay sama-samang umalis ang mga kawal na kasama nila kanina sa trak. Naiwan ang apat na Hapon ang Pilipinong Kulot at ang limang bihag na Igorot.

     "Alisin n'yo ang iyong piring at buhatin n'yo ang mga kahon nain," sabi ng lalaking Kulot na diniinan ang salitang "namin: Tila ba isa nga siya sa mga mananakop.

     Napailing si Dewas. Hindi bababa sa labing-lima ang bilang ng mga kahon. Sinubukan niyang itulak ang isa ngunit ni hindi iyon tuminag.

     Ang bigat! Anong laman nito? Bakal? gulat na wika niya sa sarili. "Manong, saan ba dadalhin ito?" baling niya sa lalaking Kulot.

     "Sumunod ka na lang sa mga sundalo! Matanong ka pa," naiinis na tanong ng lalaki.

     Nagtulong-tulong ang mga Igorot sa pagbubuhat. Ang dalawang kawal at ang matabang Hapon ang kanilang bantay. Naiwan ang opisyal ay ang Pilipino sa ilalim ng mayabong na puno.

     Hirap na hirap ang Igorot sa pagbubuhat.Bukod sa mabigat ang kahon ay mataas at mabato pa ang tinatahak nila. At palibhasa'y madilim, madalas na may natitisod sa mga lalaki.

     May isang daang metro na ang nalalakad ng grupo nang patigilan sila ng mga hapon. Humiwalay ang isang kawal at lumapit iyon sa gilid ng burol. Mabilis na inalis ng Hapon ang ilang putol na sanga ng punong kahoy na nagsilbing pansamantalang panakip.

     Manghang nagkatinginan ang mga Igorot nang unti-unting bumungad ang isang kweba.

World War IIWhere stories live. Discover now