ThirtySeven-Bantayan Island

Start from the beginning
                                    

"Lesteeeeer!" patiling sabi ni Lai bago sya tumama sa tubig. natawa lang si Lester saka lumusong din sa dagat. sumunod na rin yung ibang heads.

"Lika na?" aya ni Zara sakin.

ngumiti lang ako saka tinanggal yung puting pampatong ko.

"Shit! ang sexy mo!" patiling sabi ni Zara.

ngumisi ako ng malaki. "naman!"

"ALEEEEXISS!" Mariing sigaw ni Steven sa likod ko.

"Nakoo patay. alis na ko." nagmamadaling umalis si Zara sa harap ko. pumihit naman ako saka hinarap si Steven.

"What?" i asked.

"Bat mo tinanggal?!" nangigigil na sabi nya.

"Oh? anung problema mo dun?" i asked.

"Ibalik mo nga!" galit na sabi nya.

"What the hell is your problem Steven? will you stop it? kanina ka pa ha? and you're starting to piss me off." seryosong sabi ko. nagsukatan kaming dalawa ng tingin. una syang nag iwas ng tingin.

"What?! arghhh! grrrr!" yun lang ang narinig ko sa kanya bago sya naglakad palayo.

"weirdo." i whispered. sumunod na rin ako sa mga heads at lumusong sa dagat.

***

"Kung maka gwardiya ka naman sa pinsan ko parang nanakawin!" napalingon ako bigla sa nagsalita sa likod ko.

"Adam!" i said in suprise and gave him a brotherly tap. "what are you doing here?"

"binabantayan si Alexis. wala akong tiwala sayo. baka gahasain mo." natatawang sabi nya.

"Malapit na nga eh." i whispered softly.

"Gago ka ba? bigwasan kaya kita?" tanong nya.

"Tignan mo yung itsura. pag ako nainis. pupunuin ko ng lovebites yang katawan nya." seryosong sabi ko.

tumawa lang sya saka sumandal sa puno ng niyog. "balot na balot pala yung pinsan ko kaya ka nangigigil."

"Dont start, Adam."

"Allright. Hey, kalma lang. pabayaan mo kayang mag enjoy si Alex. tumigil ka jan."

"Nakukulta utak ko sa kanya. bwisit!"

"Pasalamat ka nga hindi nakahubad eh." natatawang sabi nya. sinamaan ko sya ng tingin.

"Lintek katigas ng ulo ng pinsan mo. nakuha nya yan kakadikit sayo." asar na sabi ko. "Layo-layuan mo nga sya. utang na loob lang. makakalbo ako ng maaga sa kunsimisyon."

"Ako pa sinisi mo. ungas! kasalanan mo yan. malambing naman yang pinsan ko eh. tarantado ka lang kasi. kasalanan mo yan." sabi nya saka umismid

"Tigilan mo nga ako. alam ko yung nagawa ko. pero alam mo rin yung dahilan ko. mamili ka. saktan ko pinsan mo o mamatay sya?" seryosong sabi ko. natahimik sya sa sinabi ko.

"see?"

"buti nalang di sya nagbago. magpasalamat ka nalang. kasi kung nagbago sya dahil sa ginawa mo? malamang mapatay kita." nakangiting sabi nya.

"Dude may sapak ka ba sa ulo? anung hindi nagbago? marahas yung pinsan mo. lagi akong sinasaktan ngayon. kung sungitan ako. akala mo nagmemeno pause. kung bwisitin ako. parang habit lang. anung hindi nagbago pinagsasabi mo?" nagtatakang sabi ko saka umismid saka tinignan si Alexis na nakikipag appear kila Marcus.

"Sayo lang yun. bat naman sakin malambing yun? parang hindi nga sya umalis eh." nagtatakang sabi nya.

"Seryoso ka?" i said skeptically.

The Devil's One and Only Love ★Where stories live. Discover now