ThirtySeven-Bantayan Island

Start from the beginning
                                    

pagkapalit ko kinuha ko yung slippers ko saka tinali yung buhok ko ng paikot saka nagsuot ng flyshades.

pagbaba ko nagtatawanan sila Zara kasama yung ibang heads na si Erin, Terrie, Jen, Greg, Justin, Paulo, Michael, Kiel, Marcus, Heather, Nicole, Brent, James, Hazel. napangiti nalang ako saka nakisali sa kanila.

***

"Yes, Pa. i know that. hindi naman tayo behind sched. i promise to take it out five months from now." sabi ko kay Papa habang nakasandal sa railing ng terrace.

"okay. you enjoy your vacation there."

"Okay, Bye Pa." pinatay ko na yung tawag saka tumingin sa tanawin.

Bantayan is a breathtaking paradise. ang dagat ay parang bituin na kumikislap sa asul na karagatan. puting buhangin na nakakalat lang sa paligid.

pumikit ako saka dinama yung hangin na humahampas sa mukha ko.

napadilat lang ako dahil sa tilian na nang galing sa baba.

nandun na yung mga heads. nagkakatuwaan. naagaw lang ng pansin ko nung babaeng nakasuot ng puti. nakikita yung isa nyang balikat dahil sa patagilid na swimsuit dress na suot nya. naaaninag yung puting two piece na suot nya at nakatalikod sya sa akin. sobrang puti nya saka nakapaikot yung buhok.

"Alexis, halika na dito!" sigaw ni Zara saka hinila yung babaeng naka puti.

"ALEEEEXIIIIIS!" napasigaw ako saka bumaba agad.

true enough. si Alexis nga yung nakaputi. nakashades kasi kanina kaya hindi ko nakilala.

mabilis kong tinahak yung tent na gagamitin namin. kung saan nakatayo malapit si Alexis.

tinatangay ng hangin yung ilang hiblang buhok na kumakawala sa tali nya.

tinitigan ko sya ng masama.

"what?" she asked.

"Anu ba yang suot mo? gusto mo bang marape?!" asar na sabi ko sa kanya.

"Look around you. what do you see?" she asked.

i did what she said. and looked at her with a frown.

"See? they're wearing the same kind of clothes like the one i'm wearing right now? asan ba tayo sa tingin mo?" masungit na sabi nya.

"and because they're wearing those skimpy piece of cloth. you have to wear them too?!"

"what do you care anyway? hindi naman ikaw ang mararape." malamig na sabi nya saka iniwan akong nakatayo dun at nakisali sa.pag iihaw nun iba. inis na napasabunot ako sa buhok ko saka pabagsak na umupo sa lounge chair.

lalo lang akong nangigigil sa inis sa nangyayari ngayon.

***

"oh tapos?" natatawang tanong ni Zara dun sa isang head.

"naglulupasay sa sahig ng lobby. parang isdang walang tubig." sabi ni Erin saka tumawa.

nagtawanan din yung iba.

"ang sama naman ng ugali mo, Te!" sabi ng baklang si Terrie. terrence kasi.

"Hello?! di naman ako yung nagsabi na ligawan nya ko. yuck kaya." kinikilabutan na sabi ni Erin.

"sumasakit ang tyan ko sayong babae ka!" natatawang sabi numg isang head.

"Tumigil ka nga Jen. hindi ako clown."

tumawa ulit sila. napailing nalang ako saka ngumiti. kanina pa kami nagkakasayahan dito. si Steven naman nandun lang sa malayo at nakaupo dun.

"Tara naman. swimming na!" sabi ni Lester saka binuhat si Laiza at tinapon sa dagat.

The Devil's One and Only Love ★Where stories live. Discover now