"What?!! Why?!!" Gulat at inis niyang tanong.

Bakit nga ba niya hinihingi? Wala naman siyang sinabing dahilan kung bakit niya hinihingi.

I just shake my head means, i don't know.

"No! Wag mong ibigay!" Pagtataas niya ng boses.

"Okaay, sige, wag ka magalit." Jeez! Kailangan talagang pagtaasan ng boses? Kaya ko nga sinabi sa kanya na hinihingi ni Ian number ko para alam ko kung papayag ba siya o hindi. Kung hindi naman bakit kailangan pa niyang magtaas ng boses? Haay! Mapapaltukan ko 'to eh.

"Narinig mo ba 'yung sagot ng asawa ko?" Tanong ko kay Maj.

"Yah! Grabe! Warla si asawa mo ah."

"Oo nga eh. Pakisabi nalang hindi pwede."

"Okay, ako na ang bahala. Bye, 'yun lang tinawag ko."

"Okay, bye." I ended the call. Nilapag ko lang sa lamiseta 'yung cellphone at 'yung novel book kong binabasa tsaka tumingin sa asawa ko habang naka cross arms.

"He's still into you!" He said glaring, lightly.

I rolled my eyes. "Heto na naman tayo, pag aawayan na naman si Ian. Ilang beses ko bang sasabihin na kaibigan nalang siya?"

"Pero halata naman sa gagong 'yun na gusto ka pa niya, hinihingi pa nga number mo eh!"

"Hindi ko naman binigay diba?"

"Pero hindi parin ibig sabihin nun na hindi ka na niya gusto!"

"Haay! Ewan!" Tumayo nalang ako mula sa pagkakaupo ko sa couch at naglakad nalang papasok ng kwarto namin. Wala kaming mapaguusapang matino dahil sarado na naman utak niya sa pagseselos.

Humiga nalang ako ng kama at tumalikod kung saan siya pumupwesto sa paghiga. Nakakainis na matutulog nalang kami lahat-lahat mag aaway pa kami.

Narinig kong nag bukas ang pinto sa kwarto kaya pinikit ko nalang 'yung mga mata ko. Hanggang sa maramdaman ko ang pag higa niya sa kama ilang sandali lang naramdaman ko na din ang pagyakap niya sa'kin at paghalik nito sa likod ng ulo ko.

"Sorry." He whispered. "Hindi tayo natutulog ng magkagalit diba? Kaya sorry na." Paglalambing niya.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin na 'tong inis ko. Tama nga naman kasi siya, hindi kami natutulog ng magkagalit.

Humarap na 'ko sa kanya, kinuha ko 'yung braso niya para gawin 'tong unan tsaka ko iniyakap ang braso sa kanya.

"Hindi ka na galit?" Tanong niya.

"Ikaw hindi na ba galit?" I asked back.

"Galit pa din."

"Mmm." I just hummed. Wala na din kasi akong maisip na sasabihin eh. Baka pag i-ni-open ko pa 'yung topic about kay Ian baka mag away na naman kami.

"I'm sorry baby, i'm really trying na i-lessen ang pagseselos ko kaya lang ang hirap." He apologized again.

"I understand. Hindi na ba natin pag aawayan si Ian?"

"I can't promise you that." Ibig lang sabihin niyan, mag aaway pa din kami tungkol kay Ian. Haay!

"Sige, matulog na tayo."

"Ayaw mo na ba 'kong ka-kwentuhan kaya gusto mo na matulog?"

I chuckled. "Sira! Bakit may iku-kwento ka ba?"

"Mmm... once upon a time, there was a beautiful girl standing in front of a very handsome man. She's watching him sleeping," I giggled as i heard his bed time story again. Kwento ng love story naming dalawa ang gusto na naman niyang i-kwento sa'kin. At lagi niyang sinisimulan sa first encounter namin sa rooftop, noon daw kasi nakikita na niya 'ko kaso daw mukha akong mataray kaya di niya 'ko nilalapitan o ki-na-kaibigan.

Nag simula ang pa-bed time story niya noong nag sabi ako sa kanya na magkwento siya ng kahit na ano lang kasi pareho kaming hindi pa inaantok kaso ang loko ang ikwineto ay 'yung story namin.

"Hindi niya 'yun pinapanuod matulog, she's just... uh... checking him." I defense myself from his story.

"Ang guilty talaga ng bidang babae sa story ko." Natatawa nitong sabi.

"Ewan ko sa'yo!" I said slapping his chest. "Itigil mo na 'yang bed time story mo, narinig ko na 'yan eh. Laging lahat pabor dun sa guy kahit di naman."

"Bakit totoo namang patay na patay 'yung bidang girl sa bidang boy ah?"

"Oo na po! Patay na patay na si bidang girl kay bidang boy."

He just laughed and kissed my forehead. "Gusto mo bang ituloy ko pa 'yung story?"

"Wag na baby, ikwento mo nalang 'yan dun sa magiging baby natin soon."

"Okay." Hinawakan niya 'ko sa chin para patinginin sa kanya atsaka ako hinalikan sa labi, hanggang sa lumalim 'yung halik niya. Akala ko matutulog na kami kaso mukhang hindi pa ayon sa halik niya. Naramdaman ko din 'yung kamay niya na humaplos papasok sa T-shirt ko, paakyat sa bewang ko tsaka siya dahan dahan na pumwesto sa ibabaw ko.

Ibig sabihin nito, make out muna bago tulog. Hmm. I love it.

--

Keep voting.

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang