Chapter 9 : Never Grow Up

Magsimula sa umpisa
                                    

"Yucks naman Chord! A rocket to the moon lang ba talaga ang alam mong banda? Wala ka bang one direction diyan?" Binalik ko nalang ulit ito sa kanya. Kainis! di ako maka-relate!

"Why do you hate this band?" Tanong niya.

"I dont hate it. I just dont like their songs" I said in all honesty.

Nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad ngunit kapansin-pansin ang pagiging tahimik ni Chord. Hindi naman siya ganito ah? 

"Lalim ng iniisip mo ah? Uyy! Iniisip mo si Hurricane no?" biro ko sa kanya bangga ng siko ko sa likuran niya. Ayieee! Noon nag-aalala ako kasi parang imposible silang magkasundo pero seeing how Hurricane defended me the other day, botong-boto na ako sa kanya para sa bestfriend ko.

"Wag mo nga akong tuksuhin sa Hurricane na yun" Sinamaan niya ako ng tingin.

Hay naku. Nagsusungit na naman -_-

"Hurricane is nice. Medyo pasaway nga lang pero mabait kaya siya!" Napabuntong hininga na lamang ako. "Okay if you dont like her then sino ba ang gusto mong ligawan? Wag kang magpa-dalos dalos baka ma-friendzone ka na naman" Paalala ko sa kanya.

"Bakit? Sinong nagsabing nabasted na ako? Di pa kaya ako nababasted!" Kunot-noo niyang tanong.

"Ulol! Sabi mo may mga niligawan ka noon kaso binasted ka. Diba si Yani niligawan mo rin?" Paalala ko sa kanya.

"Ah yun? oo nga pala. hehehe" May pakamot-kamot pa sa ulo ang loko. Makakalimutin talaga -_-

"O ano na? Kailangan magka-girlfriend ka bago tayo gumraduate! At dahil bespend kita tutulungan kita" I insisted with my head held high. 

"Bakit ba gustong-gusto mo akong magka-girlfriend? O sige edi ikaw nalang girlfriend ko!" Sigaw niya at bigla nalang hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.

"Shunga! Baliw! Ulol! Di kita type no! hahaha!" Hindi ko maiwasang matawa lalong-lalo na nang mawala ang ngiti sa mukha niya at bigla nalang napa-simangot. Bigla niyang binitawan ang kamay ko, nainis ata.

"Chord naman eh! Wag kang ma-offend," Hindi ko parin maiwasan ang sarili ko sa pagtawa."Wag ka kasing magbiro ng ganun. Alam mo namang poreber braders tayo diba?" Sabi ko sabay pogi-pose.

Ini-imagine ko palang na maging girlfriend ni Chord naiilang na ako. hahaha. Dont get me wrong, Gwapo si Chord, Matalino, Mabait... Well minsan lang mabait kasi may pagka-masungit talaga siya. Pero naman eh! Para ko na siyang kapatid ganun din si Dilly. Jusko kahit poging-pogi si Dilly di ko talaga ma-imagine ang sarili kong nakikipag-relasyon sa kanya.

Nang makarating kami malapit sa classroom ni Dilly ay naaninag ko si Yani. Hinihintay ata niya si Dilly. Jusko bakit nabaliktad ang mundo?

"Kawawa naman si Yani" 

Napalingon sa akin si Chord. Di siya nagsasalita pero alam kong curious siya.

"Mahal niya si Dilly natin pero di niya magawang aminin. Ang manhid naman ni Dilly. tsk,tsk" Nang sabihin ko ito ay bigla na lamang akong sinamaan ng tingin ni Chord.

"Bakit?! Anong ginawa ko?" I asked defensively.

"Tsss." He just hissed at bigla na lamang naglakad palayo.

Anyare dun?

END OF CHAPTER 9

- - - - - - - - - -

Sleepy's Note : Maaga akong naka-update! Pahingi ng kapnudels! hahahaha! De jk lang! XD Nga pala si Yani yung nasa multimedia box ng past chapter :)

Thanks for reading!

Vote and Comment ♥

Chasing HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon