Chapter 5: Announcement

Bắt đầu từ đầu
                                    

Alam kung maling makinig sa pinag-uusapan ng iba pero hindi ko mapigilan ang sarili kung hindi maging interesado sa naririnig ko.
 
  
  
Sorcerer's game.
 
  
  
Boy1: Ano sasali ba tayo sa sorcerer's game?
  
   
   
Boy2: Oo naman, ang grupo na mananalo doon ay bibigyan ng tag-iisang enchanted ring.
 
  
  
Boy3: Pagkakataon na natin itong maipakita ang tunay nating kapangyarihan sa mga girls.
  
  
  

Boy4: At sigurado akong marami ang magkakagusto sa atin kapag nanalo tayo!
  
  
  
All the boys: THAT'S RIGHT!!
  
  
  
Sabay-sabay nilang itinaas ang kanilang kamao na nagpapakita na pursigido talaga sila sa pagsali sa palaro.
 
  
 
"Hoy! Nastock-up kana dyan, ano nag-maniquene challenge ka?" sabi ni Vina. Sa sobrang pakikinig ko ay hindi ko na napansin na umusad na pala ang pila.
  
  
 
  
Pagharap ko sa counter ang nakasamangot na Ma'am na naka uniform na panlalake ang bumungad sa akin.
  
  
  
"For take out po lahat yan, Ma'am"
 
  
  
"Ilang beses kana ba kumakain dito?"
pagalit na sabi niya sa akin.
  
  
  
"Halos araw-araw na po, bakit po ma'am?"
  
  
  
"Bakit baaa hindii moo matandaan naa, Ser ang itatawag moo saa akiin hindiiii maa'am."
gigil na gigil na sabi ni Sir aaahmm.. hindi ko matandaan yung pangalan niya.
  
  
  
"A-a-a-ay sorry po ma'am. A-a-ay sir, sorry"
  
  
   
Nakasimangot siyang inabot sa akin ang paper bag at sabay sigaw ng...
  
  
   
"NEXT!!"
  
   
  
Nilapitan ko agad si Luchi.
"Luchi, ano bang pangalan noon, hindi ko maalala."
 
  
 
"Hay nako Amy, nakakabisado mo lahat ng mga herbal plants sa subject natin pero lahat ng name ng teacher natin hindi mo matandaan. Ano ba yang utak mo namimili ng tatatandaan? Naku Amy, kapag kami ni Vina nalimutan mo F.O. na tayo."
 
  
  
"Sino si Vina?"
Pabirong sagot ko sa kanya.
"Pero seryoso ano na ba ulit pangalan niya?"
  
  
  

"Ms. Lotila, pero Mr. Lots ang gusto niyang itawag natin sa kanya." sabi ni Luchi.
 
  
  
"Ha? bakit? maganda naman ang Ms. Lolita."
  
   
  
"Wag kang maingay Amy, marinig ka naman niya, masisigawan ka na naman."
 
  
  
"Ee bakit ba kasi ganun?" 
  
   
  
"Alam mo minsan talaga may pagkatanga ka." Sabi ni Vina at tumawa naman din si Lutchi.
  
 
  
"Tara na pumunta na tayo sa field, doon na lang natin yan pag-usapan."
paganyaya ni Lutchi.
  
  
 
Napakunot ang noon ko at pouty lips dahil hindi ko pa din maintindihan kung bakit Mr. Lots un itatawag kay.. aaah? ano na nga ba ulit pangalan niya, nakalimutan ko na naman.
  
    
   
   
   
  
  
Pagkadating namin doon ay agad ko ng kinuha ang pagkain ko sa paper bag. Isang big sandwitch at large na ice tea ang inorder ko. Pakiramdam ko nasa langit na ko sa unang kagat pa lang lasanglasa ko na ang tatlong patong na ham, ang cheese at ang fresh na letus na may thousand miles na dressing samahan mo pa ng napakalamig na ice tea solve ang brunch ko.
  
  
   
Halos maubos ko na ang sandwich ng mahimasmasan ako, pinag-uusapan na pala nila ang tungkol sa sorcerer's game. 
 
  
  
"Every 3yrs lang nagkakaroon ng ganitong laro kaya sigurado na paghahandaan nila ito."
  
  
  
"Pero Lutchi kung every 3 years lang ang game, bakit sila magpapalaro ulit ngayon samantalang 2 years pa lang ang lumipas simula ng matapos ang nakaraang laro?"
 
  

"Iyon nga din ang pinagtataka ko, sa pagkakaalam ko ginawa ang sorcerer's game para mahasa tayo sa paggamit ng salamangka kapag nagkaroon ulit ng digmaan."
 
  
  
"Digmaan? As in war?"
 
  
  
"Oo Amy, nagkaroon ng digmaan laban sa mga Witch at ibang  sorcerer na kumampi kay Phantom  10 years na ang nakakalipas."
  
   
   
"Phantom? Parang narining ko na yang pangalan na yan"
 
  
  

"Saan mo naman yan narinig? Bawal bangitin ang pangalan niya dito sa school."
  
  
   
"Hindi ko alam? Siguro my kapangalan lng siya."
  
  
   
"Paano naman siya naging masama?" tanong ni Vina.
  
  
  
"Dahil naiingit siya sa best friend niya, isipin mo isang mind sorcerer tinalo ang fire sorcerer."
 
  
  
"Ha? teka Lutchi alam kung matalino ka pero paano nangyare iyon."
 
  
 
"Hindi ko din alam, siguro dinaan niya sa talino."
 
  
 
"Ibigsabihin kahit tayong mga healer kaya din natin maging magaling!" ang positibong sanabi ko na may pagtayo at pagtaas pa ng kamay.
 
  
  
"Oo, pwede tayong maging magaling. . . magaling na mangagamot Amy." sagot ni Vina na may pagkadismaya.
 
  
 
"HAHAHAHA!!! Nakakatuwa ka talaga Amy. Pero ang totoong dahilan kung bakit tayo dito kumakain ay tungkol sayo, ano ba yung iniisip mo kanina?"
 
  
 
Iniisip ko? Ano nga ba iyon?
Bigla akong nadismaya, nanghina ng maalala ko.
 
  
  
Umupo ako sa tabi ni Lutchi, at sinabi ang totoo.
 
  
  
"Pinanganak ako ng may super powers."
  
  
  
Biglang tumahimik ang paligid, lumakas ang ihip ng hangin at ang dalawang kaibigan ko ay nakatingin lang sa akin parang hindi nila narinig ang sinabi ko.
 
  
 
"Girls, pinanganak akong my healer powers."
  
  
  
"So?" sagot ni Vina.
  
  
  
"So, it means hindi ako normal na tao."
  
  
  
"Oo nga hindi ka normal na tao kasi kaya mong magpagaling, anong big deal doon?"
 
   
  

"Oo nga, anong big deal doon?"
Second demotion ni Vina.
  
  
  
"Big deal iyon para sa akin dahil ngayon ko lang nalaman na may super powers ako, at alam ni Uncle A.R. ang tungkol doon. Isa pa wala naman sa pamilya namin ang maykapangyarihan, kaya iniisip ko baka ampon lang ako."
  
  
  
"Pamilya mo? Diba nanay lang ang mayroon ka?"
  
  
  
"Oo, at namatay siya noong 5 years old ako kaya si Uncle A.R. ang nag-alaga na sa akin. Ang totoo ay hindi ko naman talaga siya Uncle, tawag ko lang sa kanya iyon dahil kaibigan siya ng mama ko."

 
  

"Ang papa mo? Kilala mo ba? Baka siya ang maykapangyarihan." Pagbusisi ni Vina.
 
  
  
 
"Siguro nga, hindi ko pa siya nakikita, kahit pangalan niya hindi ko alam."
  
  
   
Kung sa kanya ko namana ang pagkakaroon ng healing powers, kailangan makilala ko pa din siya. Kailangan masigurado ko kung totoo ba iyon at hindi hakahaka. Ngayon marami akong katanungan sa buhay pakiram ko hindi ko na kilala ang sarili ko.
  
  
  
ANNOUNCEMENT!

TO ALL THE STUDENT OF WHITE LEOPARD ACADEMY

THE SORCERER'S GAME WILL BE START SOON

SO TO ALL THE STUDENTS WHO ARE WILLING TO JOIN THE GAME

YOU NEED TO REGISTER BY GROUP AND THE REGISTRATION WILL BE START NEXT WEEK.

ONE GROUP IS REQUIRE TO HAVE:

1 FIRE SORCERER
1 WATER SORCERER
1 AIR SORCERER
1 LAND SORCERER
1 MIND SORCERER
1 HEALER
2 PROTECTOR
 
IF YOU HAVE ANY QUESTION AND CONCERN

YOU CAN ASK MR. HERMAN THE GUIDANCE CONCILOR ABOUT IT.
 
SORCERERS GOOD LUCK.
  
   
  
  

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Mar 16, 2017 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

DARK FATENơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ