PROLOGUE

13 0 0
                                    


 
"SSSHH.. Wag ka nga maingay."
 
 
 

"Nakakatakot naman dito, umalis na kaya tayo." takot na takot na nakakapit sa braso ng kanyang boyfriend.
 
 
 
 

"Wag kang matakot Bebe nandito naman ako."

 
 
 
 
"Hoy! tigilan niyo nga yang ka-cornihan niyo, porket madilim naglalandian na kayo." sabi ng kabarkada nilang lalake na bitter kasi walang lovelife.
 

 
 
"Landian agad? Bitter ka kasi."
 
 
 

"SSSSHH... Wag na kayo maingay, nandito na tayo." sabi ng leader nila.
 

 
 
"Ito na ba iyon?" sabi ng girlfriend
 
 
 
 

"Ang hunted school ng Twin Zone Village."
 

 
 
 
"Ang White Leopard Academy."
 
 
 
 

"Ayon sa usap- usapan ang White Leopard Academy,  ay hindi ordinaryong school. May mga multo daw dito kasi dati itong simenteryo." sabi ng lalakeng bitter.
 
 
 

"At hindi lang nagpapakita ang mga multo dito, nag gagala pa daw sila sa buong Twin Zone Village kasi dinadalaw pa daw ng mga kaluluwa ang mga natitira pa nilang kamag-anak." sabi ng boyfriend.
 

 
 
"Oo nga Bebe, totoo yun kasi sabi ni lola nagpapakita pa daw kay Aleng Tekya yung lolo niya na 50 years ng patay." sabat ng girlfriend na todo yakap parin sa braso ng boyfriend niya.
 
 
 

"Paano mo naman nasabi na totoo, nakita ba ng Lola mo yung Lolo niya.?" pagsusungit ng lalakeng bitter na hindi naniniwala sa mga pinagsasasabi ng mga kaibigan niya dahil hindi siya naniniwala sa multo.
 
 
 

"Teka, Teka mga friendship papasok ba talaga tayo dito.?" umaawat na sabi ng kasama nilang Gay.
 

 
 
" Oo pumasok na tayo, nandito na tayo ngayon pa ba tayo aatras." sabi ng lalakeng bitter
 

 
 
Nagtinginan muna ang mga magkakaibigan, nag-isip ng mabuti habang tinitingnan ang sinasabing hunted school.
 

 
 
Nababalot na sila ng takot at lumalamig ang ihip ng hangin, sa sobrang tahimik mga nagliliparang paniki at ingay ng nagsasayawang sanga ng puno lang ang maririnig mo.

 
 
 
Maya-maya may biglang kumaluslos sa likuran nila, na parang may nagmamasid sa kanila.

 
 
 
"Uy, narinig niyo ba yun? Parang may nakatingin sa atin." pasilip-silip sa likuran nila na sobrang takot na takot na sabi ng Gay friend nila.
 
 
 

"Baka guni-guni mo lang yun, tayo lang kaya ang nandito." sabi ng leader nila.

 
 
 
"Ano sabihin niyo na kung itutuloy pa ba natin ito o uuwi na lang." sabi ng boyfriend habang nakaalalay sa girlfriend niyang natatakot.

 
 
 
"Sige, pumasok na tayo, alam niyo na ang gagawin pagdating sa loob." sabi ng leader nila.
 

 
 
Sumang-ayon ang lahat.
 

 
 
Dahan-dahang binuksan ng lalaking bitter ang gate at dahil hindi ito naka-lock madali lang sila nakapasok.

 
 
 
Nagmasidmasid ang lahat at ang dalawang lovers ay may nakakitang bukas na bintana.

 
 
 
Dahan-dahang pumasok sa loob ang girlfriend niya dahil siya lang naman ang payat sa kanilang lima.

 
 
 
Nakapasok siya sa isang classroom, tipikal na classroom, na may 30 chairs, dalawang malaking white board at isang lamesa't upuan sa harapan para sa teacher.

DARK FATEWhere stories live. Discover now