[EDITING]Chapter 36:Maykhali💕

Začať od začiatku
                                    

Tumakbo na kaming dalawa ni Jay para makaiwas sa apoy nito ngunit nanatiling nakatayo si Hailey sa gitna.Ng tatama na ang apoy sa kaniya ay kaniyang iwinasiwas ang kaniyang espada kasabay ang pagkawala ng apoy sa paligid niya at hindi siya nagalusan man lang.....Matapos yun ay lumapit na kami sa kaniya saka sinimulan ang laban.

"Jay dun ka sa kanan asintahin mo ang kaniyang kanang pakpak, ganun din ikaw Kyle dun ka sa isa, Tss....pervert!"sambit niya na agad namang sinunod ni Jay,teka sandali bakit parang naiinis ako ngayon na nais kong pumatay....

Agad na naming ginawa ang mga naatas sa aming gawin.Maliksi ang kilos ng isang to....ang gagaling nga nila...ngunit hindi naman doon natinag si Hailey,magaling siya sa pakikipaglaban at nakatulong nga talaga ang pagiging assassin niya sa mundo ng mga tao....panay ang aming pagtilapon once na ibinubuka nito ang kaniyang pakpak saka ang pagbuga niya ng apoy.Nahihirapan na kami sa isang ito.Makaraan ang ilang sandali ay naputol naman ni Jay ang kanang pakpak nito at naputol ko naman rin ang kaliwang pakpak nito kaya napadaing ito at natumba saka naging anyong tao ulit.

"Magaling kayo"sambit niya saka pinunas ang dugo sa kaniyang mukha nabigla naman kami ng sumugod pa ito kay Hailey ngunit sinangga iyon ni Hailey saka itinulak siya nito at napaupo ulit sa lupa.

"Ayaw namin kayong patayin nais lamang namin ng dagta ng lantar at kami ay lilisan na"malamig na sambit ni Hailey.

Malugod namang ibinigay iyon ng Goddess ng mga Dragon na si Dianna.Matapos nun ay lumisan na siya.Tumalikod naman na si Hailey saka ibinigay sa akin ang dagta ng lantar at natumba, na agad namang nasalo ni Jay.Mukhang pumapapel na siya kay Hailey ah,di ko na gusto ang ginagawa niya.....









Someone's Point of View
Mukhang nagawa nila ang kanilang pangalawang misyon sa Maykhali ah,pero nauubos na ang kanilang panahon oras na para sila ay balaan.

Bumaba na ako sa taas ng punong aking kanina ay kinatatayuan saka sila hinarang sa kanilang dinadaanan. Mag-isa lang ako ngayon dahil hindi ko na pinasama ang aking dalawang kasamahan at dahil sa may kailangan pa silang gawin....

"Sino ka?"tanong ni Kyle habang nakatutok sa akin ang kaniyang espada.Tumingin lamang ako dito saka siya sinipa dahilan para tumilapon ito sa puno ng makausap ko si Hailey.Humanda naman siya gamit ang kaniyang katanna na kasalukuyan niyang itinututok sa akin ang talim ng kaniyang katanna.

"Hindi ako nandito para manakit, nais lamang kitang balaan.Kung ipagpapatuloy mo ito,marami ang mawawala sayo.Hindi mo naman na kailangan na ipagpatuloy pa ito....makinig ka may dalawa ka lang pagpipilian ang mabigo o magtagumpay"sambit ko sa kaniya saka lumisan na.

Nakita ko naman ang pagkunot ng kaniyang noo.Sa tingin ko ay napapaisip na siya tungkol sa kaniyang mga narinig...Nananabik man sa kaniya ay kailangang magpigil dahil sa may tamang panahon para dun....miss na kita Hailey...si.....

Hellaraye,ito.....









~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ayun nabunyag na ang isa sa kanilang secret saver,ngayon alam niyo na ba kung sino pa ang dalawa nilang secret saver?Hahaha,ngayon ay alam niyo nang nakabalik na si Hellaraye hohoo!!! pa siya magparty tayo!choss lang...

Abangan ang mga pasabog na mangyayari sa mga susunod na chapters....

Thank you po sa mga nagvote at nagcomment sana po nabasa niyo ang message ko sa comment ng hindi kayo malito...hehe...

VOTE AND COMMENT PO!!!

The Princesses Of AlmairaWhere stories live. Discover now