[EDITING]Chapter 35:The Secret Saver💕

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sa tingin mo,nais kaya niyang iligtas din natin sina Jaycob at Airex?"tanong ulit ni Amira.Oo nga 'no,may point siya maaaring ibinigay nila ito sa amin para kami na mismo ang makatulong sa kanila.

"Kung ganun ano pa nga ba ang hinihintay natin?Halika na!"sambit ko saka tumakbo palabas ng palasyo.

Ngunit bago yun ay nahirapan muna kaming makaalis sa pasilyo sapagkat marami ang nagbabantay ang aming ginawa ay may inupakan kaming dalawang sundalo at aming isinuot ang kanilang mga kasuotan saka kami nagpanggap na mga sundalo.

"Sandali"pagtawag sa amin ng isang sundalo ng kami ay napakalapit na sa bukana ng palasyo.

"Patay.....pagbilang ko ng tatlo, Amira tatakbo tayo...Isa..... Dalawa, Tatlo!!!"sigaw ko saka kami tumakbo papalabas ng palasyo at nagtungong kagubatan,,ang masaklap ay di ko alam ang lugar na to,patay!

"Hoy!bumalik kayo rito!nakatakas ang mga prinsesa....."sigawan nila.

Hahaha,habulin niyo kami kung kaya niyo.Mga amazona kami 'no at hindi niyo kami mahuhuli......

"Evelina,sa tingin mo natakasan na ba natin sila?"tanong ni Amira nang makatigil kami sa likod ng puno upang magpahinga.Matagal na kaya kaming tumatakbo matakasan lang ang mga ugok na yun.

"Dito kayo"sambit ng isang boses mula sa aming likuran.

"Hindi dito ligtas"sambit naman nung isa.

"Teka,sino nga ba kayo?"tanong naman ni Amira.

Kanina pa kami nila tinutulongan ngunit hindi pa sila nagpapakilala. Bakit ayaw nilang ipakilala ang tunay nilang pagkatao?

"May tamang panahon para malaman niyo,sa ngayon kailangan niyo munang maging ligtas dahil may mas importante pa kayong dapat gawin."salaysay nung isa.Ang boses niya parang bossy at cold.

Dinala nila kami sa isang liblib na lugar na tanaw ang kaharian ng Lagalore?Anong ginagawa namin dito?

"Ano at naparito tayo?"tanong ni Amira na nakakunot ang noo at nakatingin sa kahariang nabanggit.

"Nandiyan ng mga taong mahahalaga sa inyo at ang mga taong nangangailangan sa inyo.Kayo ang bahala sa kanila."turan nung isa....

"Bakit ang dami niyo namang alam?"bigla kong tanong.Eh,bakit totoo naman eh ang dami naman ata ng kanilang alam.

"Huwag nang madami pang tanong,gawin niyo na ang dapat"turan niya sa isang malamig at nakakatakot na boses.Okey fine sabi niya eh......Napapansin ko lang ha,hindi talaga nagsasalita yung isa simula pa kanina ng iligtas nila kami

Nagtungo na kami sa loob ng Lagalore.At napakaraming vampirels ang nagdudusa dun habang marami ang sapilitang pinapagtrabaho.At nakita namin sina Airex at Jaycob na..............





Someone's Point of View
Alam kong nalalapit na ang panahon ng digmaan sa pagitan ng mga vampirels at mga demonicals.At magsisimula ito pagdumating na ang panahon ng kaniyang pamamaalam. Mahuhuli siya ng dating at alam kong pagsisisihan niya.Sana ay magkamali ako.At hindi ko naman iyon pahihintulutang mangyari kaya akin itong pipigilan sa abot ng aking makakaya.

"Sa tingin mo tama ang ating ginawa?"-siya

"Wala nang ibang makakatulong sa kanila sa mga panahong ito kundi tayo.At....kailangan natin siyang pabalikin bago mahuli ang lahat"-ako

Ayaw ko ding mawala siya.Hindi ko makakayanan.Ngayon na kaya ko nang makatulong gagawa ako ng paraan para siya ay aking mailigtas at matulongan.Hindi ko kayo pababayaan.







~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Another update guys....ano nahulaan niyo na ba kung sino ang kanilang SECRET SAVER?

COMMENT AND VOTE GUYS.....and thanks po sa nagcomment,thank you po...hope magcomment pa kayo ulit.....

The Princesses Of AlmairaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon