Bahala na sabi ko sa isipan ko habang walang prenong naglakad ang mga paa ko papunta sa'yo. 


"Hi." sabi ko sa'yo.


Nakita kong umayos ka ng upo at tiningnan ako.


"H-hello." nahihiyang sagot mo. At doon ay bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko.


"Pwede bang maki-upo?" tanong ko sa'yo. Ito na lang ang natatanging rason para makasama ka sa puntong ito. Nakita kong namula ang pisngi mo at natuwa ako kasi may epekto pala ako sa'yo.


Gusto ko sanang marinig ulit ang boses mo ngunit tanging sagot mo lang noong ay isang tango. Nakikita kong pasulyap-sulyap ka sa direksiyon ko. At aaminin kong kinikilig ako kasi tinitingnan ako ng babaeng gusto ko.


Dumating ang kapatid mo at binati ko siya ng nakangiti. Nakangiti ako kasi nasa harapan kita. 


Araw-araw akong bumabalik sa Jollibee at nagbabakasakaling ikaw ay maabutan. Araw-araw akong bumabalik para masilayan ka kahit saglit man lang.


Di nga ako nabigo, muli tayong nagtagpo. Ngunit parati mong kasama ang kapatid mo. Di ako nagkakaroon ng pagkakataong ikaw ay masolo.


Palagi mo akong ipinapares sa kapatid mo. Nasasaktan ako kasi wala akong ibang gusto kundi ang ipares mo ako sa'yo.


Itinutulak mo ako papunta sa kanya at muli akong bumabalik sa'yo kasi yung nasa puso ko ay ikaw lang at wala ng iba.


Biglang lumitaw ang pangalan mo sa cellphone ko.  Napalaki na naman ang mata ko kasi makakausap ko na naman ang taong gusto ko.


Ang babaeng gustong-gusto. Inayos ko ang sarili ko para hindi mo mahalatang masyado akong excited na makausap ka.


"May sikreto akong sasabihin sa'yo." sabi mo mula sa kabilang linya. Bigla akong kinabahan sa sasabihin mo.


Aaminin mo bang gusto mo ko? 




"Gusto ko ng kapatid ko. Yieeee. Manliligaw na siya." Sabi mo. Biglang nawalaang excitement ng marinig ko ang sinabi mo. Wala akong pakialam kung gusto ako ng kapatid mo. Ang gusto ko lang ay ang magustuhan mo rin ako.


"Alam mo magiging masaya ako kung liligawan mo siya, bestfriend." mungkahi mo na dahilan para gumuho ang mundo ko. Bestfriend lang pala ang papel ko sa buhay mo.


Sa puntong iyon ay natakot ako. Na baka pagsinabi kong gusto kita ay layuan mo ako.


Nilapitan ko ang kapatid mo para makasama din kita. 


"Will you be my girlfriend?" Sinabi ko sa kapatid mo ngunit nakatingin ako sa'yo.

Your ForeverWhere stories live. Discover now