Your Forever 2

578 21 10
                                    

Guy's POV


Tinitingnan kita habang naglalakad papunta sa direksiyon ko suot-suot ang isang puting gown na bagay na bagay sa'yo.


Napangiti ako nung nakita kong nakangiti ka habang nakatingin ka sa mga mata ko.


Masaya ako kasi sa aktong 'to.


Kulang nalang sa'yo ay sumuot ka ng belo.


Yun na lang ang kulang para matutupad na ang pangarap ko.


Ang pangarap na maikasal ako sa'yo.


Bawat hakbang mo papunta sa akin, di ko mapigilang mamuo ang mga luha sa aking mata. Hinihiling ko na sana pwede akong bumalik sa pagkakataong noong tayo ay unang nagkita.


Bumabalik ang mga ala-alang ako'y naging masaya. Hindi dahil kapatid mo, kundi dahil ikaw ang aking kasama.


Hinihiling ko na sana bumalik ako sa nakaraan. Noong panahong ikaw ay aking unang natagpuan.


Naglalakad ako papunta sa pinakamalapit na Jollibee. Di ko alam pero may kung ano akong naramdaman na tila nagtutulak sa akin upang pumunta doon.


Nasa malayo pa lang ako ay nakita na kita. Biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko ng makita kong ngumiti ka sa iyong kasama. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Lalo na't nakita ko ang munting ngiti na ibinigay mo sa kasama mo.


Binilisan ko ang paglakad habang nakatingin sa'yo. Inabot ang handle ng pinto at doon nagkabungguan ang kamay nating dalawa.


Napaangat ka ng tingin sa akin at dahil doon ay umiwas ako ng tingin. Tiningnan ko ang kasama mo pero pinagmamasdan kita sa gilid ng aking mga mata. 


Nakita kong ngumiti ka. At doon ay bigla akong sumaya.


Eto pala yung dahilan kung bakit ako pinapunta ng mga paa ko dito. Yun ay para matagpuan ko ang isang katulad mo.


Tinititigan ko ngayon ang babaeng rason kung bakit ako'y nandito.


Tinitingnan kita na nakangiti ng sobrang saya.


Masayang-masaya ako sa puntong ito kahit alam kong hindi ikaw ang aking mapapangasawa.


Masaya ako dahil nakikita ko ang saya sa mga mata mo dahil ikakasal ako sa kapatid mo na kasama mo noong una kitang nakita.


Pumasok ako sa Jollibee at muli kitang nakita. Bigla na namang tumibok ang puso ko at ako ay biglang nabalisa.


Pumila ako at nag-order ng ikaw ang nasa aking isipan. Iniisip kung ano ang idadahilan para ikaw ay aking lapitan.


Your ForeverWhere stories live. Discover now