Deviltale [#37]

12.5K 202 47
                                    

THIRTY SEVEN


“Alexi. May pagtatapat ako sayo.” Huminga ako nang malalim dahil kinakabahan talaga ako. PUT@NGENA. 

“Ano yon?” tanong niya dito sa classroom. Gabi na kasi at tapos na yung fair para sa mga bata. Kapagod nga e. Ang kulet kasi nung kambal kanina.

“Naalala mo yung diary mo..” napahinto ako dahil parang naiiyak siya.

“Teka. Anong problema?” pagkatanong ko nun nilabas niya yung cellphone ko na iniwan ko kanina sa bag. Pwede kasi magdala nun dahil di naman school day.

“You faked everything right? Yung pagstep up mo para sakin. Yung charity mo with the kids. Yung carbonara na binili mo. Yung paglaro natin sa ulan. Yung pagsalo mo sakin nung nahulog ako.Heck, even yung pagiyak mo while watching a movie!” Di ako nakapagsalita.  T@ngenang Gyptian. Sinabi na niya?

“Grabe Aero. Ang galing mo. Ang stupid ko para maniwala na ikaw na nga yung soulmate ko.” Umiyak na siya nang tuluyan kaya di parin ako nakapagsalita. Amp e. Ayokong nakikita siyang umiiyak. Ang mas nakakabadtrip pa. Ako yung dahilan ng pag-iyak niya.

"Tell me, Aero. Bakit gusto mong mainlove ako sayo? Para saktan din ako tulad ng ginagawa mo sa mga naging gf mo? ”ramdam ko yung galit niya. T@ngena. Ba’t ba kasi ang gagu ko nun?

“Oo pero-” pinatigil niya ko sa pagsasalita.

“No. You don’t have to explain.  Nice shot, btw.” Nilapag niya yung cp ko sa mesa tapos naglakad na paalis. Nung pipigilan ko na siya, huminto siya tapos humarap sakin.

“And oh yeah, I hope you guys enjoyed breaking my heart. Sayang.  The best woman won.” Pagkasabi niya nun, tinapon niya yung bracelet na bigay ko tapos umalis na. 

Ako naman, parang huminto yung mundo. Sobrang nababadtrip ako kaya lumabas ako ng classroom at nagpunta sa may rooftop. 

PUT@NGENA. Sinuntok ko yung pader nang paulit ulit. Mayamaya, bumukas yung pinto kaya tinignan ko. Si Cynthia pala.

“Aero, okay ka lang?” di ko siya sinagot dahil wala ako sa mood makipagusap.

“I’m sorry. Aalis na lang ako..” parang natakot siya sakin kaya medyo naguilty ako.

“Teka.” Tinignan niya ko nang nagtataka tapos lumapit siya. 

“Inuman?” nagsmile siya kaya pumayag ako. Kailangan ko din makalimot e.

Lumabas kami ng school para magpunta dun sa bar gamit yung kotse ko. Tahimik lang kami hanggang makarating kami dun sa bar na tinuro niya.

Paglabas ko ng kotse, biglang may pumalo ng ulo ako tapos, naging black yung lahat.

“Gising!” narinig kong sabi nung lalaki na sinuntok pa ko. Pagdilat ko, wala akong makita tapos  parang nakatali ako sa upuan.

“Pakawalan niyo ko! Pucha.” Sigaw ko pero tumawa lang sila. Pamilyar nga yung boses nung dalawa kaso di ko maalala kung kanino. Ang sakit pa kasi ng ulo ko e.

“Musta, maangas? Sa wakas, makakaganti na din kami sayo.”May nagtanggal nung takip ko sa mata kaya nakita ko yung matabang may hawak na kutsilyo sa harap ko. Teka. Eto yung nambastos kay Alexi dati a? 

“Namiss mo kami?” sabi niya tapos tumawa sila nung payat niyang kasama dati na may hawak ding kutsilyo. Tumingin ako sa palagid. Nasa taas kami ng building na ginagawa. 

Napansin kong may nakaupo dun sa dulo ko pero  nakatakip din yung mata niya kaya di ko makilala.

Sasabihin ko na sana na pakawalan nila ako kaso tinapat ni payat yung kutsilyo sa leeg ko. Pucha. 

“Manahimik ka, kung ayaw mong laslasan ko yang lalamunan mo.” Sabi niya tapos tumawa siya nung di ako nakapagsalita. T@ngena. Makawala lang ako dito, ikaw lalaslasan ko. 

“Ano Bangs, puputulan na ba natin to?” may narinig akong tumawa na babae sa sinabi ni taba tapos nagpunta siya sa harap ko. Sht. Buhay siya?

“Musta na Aero?” sabi niya. Nakabangs padin nga siya kaya di ko makita itsura niya. Pero parang pamilyar yung boses niya kaso sa sakit ng ulo ko,di ko maalala kung sino.

“Namiss mo ba ko?” nagsmirk siya sakin. Wew. Di na siya pipi. =D

“Sabihin mo nga, Aero. Bakit pinagtatanong mo kung buhay pa ko?” di ako nakapagsalita dahil nagulat akong alam niya yon.


“Oh wait. Lemme guess. Gusto mo sigurong siguraduhin na patay na ko e no? Kung sa bagay, mas makakaligtas ka nga naman kung walang makakaalam na ikaw may kasalanan na pagiging baldado ko.” Tinignan ko siya nang nagtataka.

“Yep. Aero, boy. Di ako namatay non. Strong ako e. Pero alam mo ba kung gano naging impyerno yung buhay ko nun?” kinuha niya yung kutsilyo kay payat tapos sinaksak yung binti ko. Napasigaw nga ako sa sakit kaya tumawa sila.

“Araw-araw, naka upo lang ako. Umaasa sa pamilya ko sa lahat nang gagawin ko. Damn. I never felt so worthless in my whole life. Lahat ng yun, dahil sayo at sa kagaguhan mo.” Pagkasabi niya nun, binunot niya yung kutsilyo kaya napasigaw ulit ako sa sakit.

“Kaya, Aero. No hard feelings a? Gantihan lang. Sabi nga sa Bible. What you do unto others, others will do unto you.” Tumawa siya tapos sinaksak ulit yung binti ko.

Sasabihin ko na sana na nagsisi ako nun pero sinuntok ako ni payat sa mukha. Nakalasa tuloy ako ng dugo.

“Sorry. Gawin mo na lahat ng gusto mo sakin kung yun lang magpapagaan ng loob mo.” Yun lang sinabi ko dahil wala na rin namang kwenta yung buhay ko. Para san pa tong pagiging gwapo ko kung galit naman sakin yung mahal ko?

“Ah. Ganon pala a.” sinuntok ako ni taba sa mukha tapos nagsalit salit sila ni payat. Pucha. 

“Patayin niyo na lang kasi ako.” tumawa pa ko kaya sinuntok ulit nila ako.

“Tama na yan.” Sabi ni Bangs tapos kinuha niya yung kutsilyo ni mataba. Akala ko nga kung anong gagawin niya pero nagulat ako nung hinawakan niya yung bangs niya tapos….









O.O?












O.O?












O.O?



















Alexi? 

















O.O?











O.O?












O.O?











“Cynthia. Stop it. Pinagsisihan na ni Aero yun.” Sabi ni Alexi dun sa may hagdan kaya tinignan ko na yung mukha ni Bangs. Pucha. Si Cynthia nga.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong sa kanya ni Cynthia. 

“Please, Cynthia. Mali to. Alam kong mabaet ka.” Sabi ulit ni Alexi pero tumawa lang si Cynthia.

“Shut up. Ang t@nga mo talaga no? Pinaglaruan ka na nga ng gagung to, nililigtas mo pa? Mga inlove nga naman talaga o.”tumawa si Cynthia tapos tumingin dun sa dalawang kumag na kasama niya.

“Itali niyo din siya.” Kumuha  si taba ng upuan dun sa gilid  habang si Alexi naman, tumakbo papunta dun sa harap.

“Please guys. Don’t do this. Alam niyong kasalanan sa diyos to.”Halatang natatakot siya kasi wala pang pader yung harap nun.

“Wag ka nalang pumalag, b1tch.” Tumawa lang si Cynthia sa sinabi ni payat kay Alexi. Tapos nun, naramdaman kong may nagkalag ng tali ko kaya tumingin ako sa likod. Gyptian?

Nagquiet sign siya tapos kinuha yung kahoy sa baba at pinalo sa ulo yung matabang hirap na hirap paghiwalayin yung dalawang upuan sa gilid. Natumba nga agad yung gagu habang sila Cynthia at payat naman, busy padin kay Alexi.

“Come to me, Ms. Beautiful.” Sabi ni payat nang patawa-tawa hanggang sa paluin siya ni Izzard ng kahoy sa ulo.

“WTF. Pano ka nakatakas?” tanong ni Cynthia kay Izzard. Siya pala yung isang nakatali sa dulo.

Nagtaka lang si Cynthia hanggang sa napansin niya si Gyptian na tinatali si Taba dun sa may upuan.

“OMFG. Sinet up mo to. Fvck you, b1tch!” Tinulak niya si Alexi kaya naout of balance siya pahulog.

Nung nakita ko yun, pinilit kong tumayo kahit sobrang sakit nung binti ko. Buti nga medyo malapit lang sila sakin kaya nakatalon pa ko at naabot ko pa si Alexi.

Pagkaabot ko sa kanya, niyakap ko siya ng mahigpit tapos nun, pinagbaliktad ko yung posisyon namin.

“I love you, Alexi. ” Pagkasabi ko nun, naramdaman kong tumama yung ulo ko sa semento tapos nun,

nabawasan na naman ng isang gwapo sa mundo.

Deviltale [Completed]Where stories live. Discover now