Deviltale [#26]

13.5K 219 24
                                    

TWENTY SIX


“Ang pagseselos ay sadyang di nalalaos.” Napatingin ako kay Izzard dito sa bus. Amp e.  Bigla nalang nagsasalita nang ermitanyong lengwahe niya. 

“Ito’y  isang walangpusong halimaw na gagambalain ka hanggang pagpanaw.” Babatukan ko na sana ang gagu kaso inunahan niya ko. Amp. Mautak.

“Kala mo a.” Sabi niya nang maangas tapos tumawa siya. Tumawa lang naman ako sa kagaguhan niya.

“Umayos ka nga, sinasaniban ka na naman diyan e.” sabi ko lang tapos tumingin na ulit ako sa harap. 

Kung nagtataka kayo kung bakit nasa bus kami at katabi ko tong gagung to, ngayon na kasi yung pangalawang event namin na camping. Kung yung freshmen at sophomore may Friendship prom, eto naman para sa mga juniors at seniors. Pupunta kami sa isang camptapos tuturuan kami ng mga survival shts. Boring nga e. Ang cool lang naman dito, overnight kami dun dahil ipapaexperience nila samin yung buhay camping.

“Di naman ako sasaniban kung walang nagseselos e.” Naalala ko yung nagsasayaw sila Alexi at Gyptian nung Friendship prom last week. Di naman ako nagseselos nun diba? Nabadtrip lang  talaga ako dahil ang tigas ng mukha ni Gyptian magpakita pagtapos niyang ipacancel yun catering. Kaya di talaga ako nagseselos. Misunderstood lang talaga minsan kaming mga gwapo. Bwahaha.

“Ungas.” Yun lang sabi ko tapos tumingin ako sa may bintana. Nasa harap kasi namin sila Alexi at Gyptian na nagkukulitan kanina pa. Tsk. Nakakabadtrip nga e.  Ang ingay kasi. Di ako makatulog. >=|

“Hey. Gusto niyo?” napatingin ako kay Alexi na nag-aalok nung Pringles sa harap.

“Si Aero daw.” Nakaturo pa si Izzard nang natatawa kaya parang nataranta ako. Amp. Para akong ewan a.

“Thank you.” Sabi ko pagkakuha ko tapos tumingin agad ako sa bintana. Tumawa naman si Izzard pati sila Liel dun sa gilid namin. Amp. Kung ano ano naman iniisip.

“Guys. May I have your attention?” napatingin kami dun kay Mr. X sa  harap ng bus. Siya kasi kasama namin pati si Ms. R na faculty e.

“Alam kong ilang beses mo na kong nabusted. Kaso, wala e. Mahal pa din kita. Kaya, Ms. R. This is for you.” Nag-ayii yung mga tao tapos kumanta siya nung kantang di ko alam yung title. Ayos nga e. Talentado pala yung kupal naming Guidance counsilor sa pagkanta. Bwahaha.

“Kiss.” Sigaw ko pagtapos niyang kumanta. Nakigaya naman yung mga tao kaya no choice si Ms. R para gawin. Bwahaha. Napressure.

“Buti pa si Sir X, di torpe no?” narinig kong sabi ni Liel dun sa tabi ni Zain.

“Oo nga e. Di tulad ng iba diyan no, bhie? Kaya nauunahan e.”tumawa sila pati si Izzard sa tabi ko. Si Gyptian ba pinaparinggan nila? Di ako makarelate e. Bwahaha.

Di ko lang sila pinansin nun dahil di naman ako natamaan. Syempre, ganon talaga pag gwapo, magaling umilag. Bwahaha.

Dahil wala akong magawa non, sinuot ko yung headset ko tapos natulog ako. 

“Aero, gising.” Pagdilat ko ng mata, nagulat ako kasi ang lapit ng mukha ni Alexi sakin. Amp. Pinagsasamantalahan niya ba ko? Bwahaha. Joke lang. Si Gyptian gusto niyang pagsamantalahan.

“Bakit?” tanong ko na kunwari badtrip. Nakakailang kasi dahil kami lang tao dito sa bus.

“May problema tayo.” Pagkasabi niya non, tumayo siya kaya sinundan ko siya sa labas. Malapit na pala kami sa camp site.

“Ano bang meron?” tanong ko kay Alexi dahil may mga sundalong nakaharang dun sa may daan.

“May bomb threat daw sa camp site e.” Weh? Sino namang nagpauso nun. Teka. Tinignan ko si Gyptian nun nang patawa-tawa. Amp. Parang alam ko na kung sino.

“Bakit, pre? Napapadalas pagtingin mo sakin a. Tumutropa ka na ba kay Goldy?” sabi niya nang nang-aasar tapos tumawa ulit siya. Pucha. Parang masarap manapak ng gagu ngayon no?

“Guys, pasok  na sa loob.” Sabi ni Ms. R kaya pumasok kami. Amp. Fail na ba tong event namin? 

Pagbalik namin sa bus, nagdrive na ulit yung driver.

“Uuwi na tayo, Ms. R?” tanong ni Gyptian. Amp. Kunwari pang concern ang gagu. Pucha. Masyado ba talaga siyang threatened sa pagkagwapo ko kaya gusto niya kong makick out sa school? 

Minsan talaga mahirap kapag ikaw pinakagwapo e. Bwahaha.

“Nope. Change of location lang. Tumawag yung camp master niyo and habang di pa cleared yung place, dun muna tayo para maghintay.” Nag-yay yung mga tao. Buti naman. Pero badtrip padin. Muntik na mabawasan ng gwapo yung school e. Bwahaha.

Nanahimik lang ako nun hangang sa makarating kami dun sa bagong location. Camp site ata ng militar. May sundalo e. Diba ganon yun? Ah basta. Yun.

Pagpasok namin, pinapunta kami sa may open field para maghintay sa announcement. Pero dahil pasaway ako at syempre, gwapo, umalis ako. Napatingin nga sakin si Liel pero napansin niya ata na badtrip ako kaya hinayaan nalang niya ko.

Nagpunta ako dun sa may  parang warehouse tapos umupo ako sa may mga kahon. Ano kaya laman neto? Titignan ko na sana kaso bumukas yung pinto.

“Hey. Okay ka lang?” napatingin ako sa nagsalita. Si Alexi pala. Parang umewan na naman tuloy yung pakiramdam ko. Tsk. Lahat ba ng gwapo, nagkakaganito? Ang labo e. 

“Okay lang.” sagot ko nang di tumitingin habang siya naman, naupo sa tabi ko.

“Don’t worry. Di pa fail yung event natin.” Nagsmile siya kaya nagsmile din ako. Amp. Nawawala na naman ako sa sarili. Tsk. Oo na. Di na bagay sa gwapo ganto. Ang labo ko kasi e.

Natahimik lang kami ni Alexi non dahil wala lang. Wala kaming masabi e.

“Aero, galit ka pa rin ba sakin?” sabi niya bigla kaya tinignan ko siya nang nagtataka. Galit? 

“Sorry talaga. Kaya lang naman kita niblackmail kasi may deal kami ng TitaMich mo e. Kapag napatino daw kasi kita, magiging full scholar ako. Kaya ayun, effective naman e.” kaya pala niya ko binlackmail. Tsk. Mautak talaga to e no?

Tinignan ko lang siya nang walang reaction dahil wala lang, ang gwapo ko e. Bwahaha.

“Come on. Ang gwapo gwapo mo, nagtatanim ka ng sama ng loob?” natawa ako sa sinabi niya.

“Sinabi ko bang galit ako?” napasmile siya. Yan. Mas bagay sa kanya nakasmile e.

“Hindi, pero I feel it e. Ang cold mo kaya lately. Tapos..”hinawakan ko yung balikat niya kaya napatingin siya sakin. Nagsmile naman ako.

“Ang ganda ganda mo, paranoid ka? Wala na yon.” tumawa ako tapos tumayo ako agad dahil umewan yung itsura niya at umewan din yung pakiramdam ko.

Nung bubuksan ko na yung pinto para lumabas, napahinto ako.

Put@ngena. May naglock.

Deviltale [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora