Chapter 27

5.2K 139 8
                                    

"I Will Protect You"

Rianna's P.O.V

Nang makabalik si Drake sa clinic sabi nya umuwi na daw ako sya na daw bahala kay Jen may something talaga sa dalawang yon paglihiman daw ba ko.. tss bahala sya mag sesecret din ako sa kanya hihihi

So eto ko ngayon naglalakad pauwi ayoko gumamit ng sasakyan or mag sakay tss sayang pera pwede naman lakarin nalang malapit naman

Lakad

Lakad

Lakad

"Ikaw na bwisit na lalaki ka dahilan bakit nakipagbreak Girlfriend ko sakin e!!" narinig ko sigaw ay taray nanisi daw ba! Napakunot naman noo ko at pinuntahan kung saan nanggaling yung sigaw
Nanlaki naman mata ko sa nakita ko si Xander!!! may dugo sya sa noo pero ang cool pa din ng itsura nya hayys loko talaga lalo nya lang ginagalit yung lalaking mukang cookies ang chocolate chips hahahaha

"ha! Ano kala ko ba matapang ka lumaban ka!! Ano hinang hina ka na ba!?" saad nung isa mukhang pusit hayyss ang pangit nila yun dahilan bakit sila iniwan mukha kasi silang adik

bumuntong hininga ko at napapikit nalang bahala ka jan gulo mo yan !

Xander's P.O.V

Hayss nanlalambot na ko sakit na ng katawan ko andaya naman kasi apat sila isa ko bwisit!!!

Ako ba daw sisihin

"Dapat lang sayo yan!!! Dahil sayo iniwan ako Shelly!" sigaw nya

"Bakit ako sinisisi mo kasalanan ko bang pangit ka at gwapo ako! Tss Shelly? Pangalan pa lang hindi ko na type!! Muka sigurong tulya yon" saad ko

"may lakas ka pa talaga mag yabang ah!!" saad nya tapos sinuntok nya ko sa mukha ubos na kasi lakas ko hawak ako ng dalawang aso " hala sige pre kayo na bahala jan!" saad pa nya tapos dinapot nung isa yung tubo tapos hinapas ako sa tahiliran

"Argh!!"

"ano masakit!? Hindi pa ko tapos!!" saad nya huminga ako ng malalim at pumikit alam ko hahampasin pa nila ko hinintay ko nalang yon

"Ano ba!!! Bitawan mo tong tubo! At wag ka makialam kung ayaw mong madamay ka dito!!!!" saad nung lalaki

Huh? Sino naman to? Minulat ko mata ko at nakita ko paa nya babae? Hmpf lakas ng loob makialam babae pa naman sya

"Ahmpf anong klasing kalokohan to! Apat laban sa isa mahina pa!" cool na sabi ng babae parang kilala ko sya hindi imposible sya? Dahan dahan ko inangat ulo ko fairness ang kinis ng legs nya

[Author: Tarantado mo talaga Xander bugbog ka na namboboso ka pa!!]

Hihihi sorry na po author di ko mapigilan eh ang sexy witwiw!

"Oh anong tinitingin tingin mo jan ah!!! Bastos!" sabi nya inangat ko pa ulit ulo ko whow!!!!

"Jin" mahina kong sabi

Rianna's P.O.V

"Jin" mahina nyang pagkakasabi pero narinig ko naman hinarap ko ulit yung mga lalaki
Hahampasin na kasi sana si Xander ng tubo pero sinalag ko yon ng kamay ko
Humithit ng sigarilyo yung isang lalake "ano! Babae lang yan! Sige bugbugin nyo!!" saad nya

Nag init ang punong tenga ko tss walang respeto sa babae pero bago nyo ko mabugbog kayo uunahin ko
Inangat ko yung tubo at bumwelo ako ng pag ikot tapos inangat ko mga paa ko then...

Blaggg...

Tumama yung paa ko sa mukha ng may hawak sa kabila ng tubo tinignan ko lang sya ng poker face dumugo labi nya

"Aba't!!! Gago ka ah!!!" saad nung isa at sumugod sakin sinuntok nya ko pero naiwasan ko yun

Hinawakan ko braso nya at inihataw sa tuhod ko dahilan para mabalian sya sabay sipa sa two eggs nya you know! Tapos hinigit ko sya at tinulak don sa kasama nya dinampot ko yung tubo at inihampas sa mukha nung isa one more left! Tumayo ako ng deretso at tinignan sya ng masama

"Magaling kang babae ka! Humanda ka sakin!!" saad nya

"Puro satsat! Sugod na" cool kong sabi sa kanya sumugod naman sya hmpf Uto uto!

Sinipa ko sya sa tyan nya at hinampas ko sya sa batok nya dahilan para mawalan sya ng malay

"Gago na uto uto pa!!" saad ko tapos lumapit ako kay Xander tss puro dugo sya sa mukha nya hayss papasok pasok sa gulo di naman kaya

"Jin sa....salamat" sabi nya halatang nanghihina sya

"Halika na!" Dinampot ko yung bag ko at kinuha ko braso nya inakbay ko sa akin para maalalayan sya sa paglalakad

Dinala ko sya sa bahay ngayon

"Mama andito na po ako!!" sabi ko

"Nak umakyat ka na! Magpalit ka na ng damit at kumain ka na dito" sabi ni mama

"Mama pwedeng dalhan nyo po ako sa kwarto ng yelo extrang damit pang lalaki at medicine kit po" saad ko

"Bakit nak?" sabi nya

"Mama wag na magtanong dalhin nyo nalang po pakibilis po mama" saad ko at dinala ko sya sa kwarto ko hiniga ko sya sa kama ko at hinubad ko sapatos nya grabe yung pasa nya

Tok.. tok..

"Nak eto na yung mga hinihingi mo!"

Binuksan ko yung pinto at kinuha ko yung mga gamit

"Ano bang meron jan nak ah?" usisa ni mama

"Malalaman nyo din mama" saad ko at sinara na yung pinto umupo ako sa kama ko at ginamot ko yung mga sugat nya at pasa nakatulog na sya sobrang bugbog kasi ng katawan nya eh nung nalinis ko na sugat nya nilagyan ko yun ng band aid isa sa noo sugat sa may ilong nya pasa sa may gilid ng labi sugat sa mismong labi nya at pasa sa gilid ng mata

Habang nilalagyan ko ng band aid yung sa may ilong nya napatitig ako sa kanya

"Gwapo ka naman pala talaga eh loko loko ka lang talaga" saad ko at di ko maiwasang mapangiti para syang anghel kapag natutulog ang sarap tignan huminga ng malalim tapos pinunasan ko sya sa braso nya naisip ko ng palitan sya ng damit kaya lang nakakapang dalawang isip hayss wala naman malisya

Huhubaran ko na sana sya ng t-shirt nya napansin ko agad yung mala monay nya abs Juice ko Lord!!!
Ayoko tukso ang sama mo whooooo!!!

"mama!!!" Sigaw ko

"Nak bakit!!?" sabi ni mama hayss tarantang taranta na pumasok sa kwarto " nak ano nangyari!? May problema ba!!?"

"Wala po ma!" sabi ko

"Jusme! Nak bakit may lalaki dito sa kwarto mo!?" saad ni mama

"Mama relax kaibigan ko yan napaaway tinulungan ko lang po kayo na bahala ah mama" sabi tapos ngumiti ako "yan dahilan bakit kailangan ko ng damit, medicine kit at yelo palitan nyo sya ng damit ah" sabi ko pa tapos kinindatan ko sya

"Hayss kaw talagang bata ka oh!" sabi ni mama tapos lumabas na ko ng kwarto ko..

Papasok sa gulo di naman pala kaya hayss dont worry itry  my best to Protect you... kahit na babae ako hihihi ^-^

..End Of Chapter 27..

authors Note:
Sorry Guys Late na Late na Yung Update Broken si Ate Nyong Author NagHahagilap pa ng Inspirasyon Hihihi 😂✌

I'm Stupidly Inlove With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon