King Brothers - EPILOGUE ❤

Start from the beginning
                                    

Nakarating kami nila Damon sa venue. Nag park lang muna si Damon at nang magawa niya yun, unang bumaba si Philip sunod si Damon tsaka niya 'ko pinag buksan ng pinto at inalalayang bumaba.

"Napaka ganda mo talaga." My love compliments again. Ilang beses niya kayang sasabihin yan?

"Salamat." I shyly said.

Sinimulan na namin ang maglakad papasok ng magkahawa kamay kami ni Damon. Entrance palang nakita ko na si Mama at Daddy. Naglakad sila papalapit sa'kin ng may ngiti sa mga labi nito, pero si Mama may kasamang pagbabadyang lumuha.

"You look beautiful, sweetheart." Mama said.

"Thank you, Ma." Puro nakang ata compliment sa beauty ko ang mangyayari ngayon ah.

Bumitaw muna ko sa holding hands namin ni Damon at yumakap kay Mama. "Wag ka munang mag aasawa ha." Bulong sa'kin ni Mama. Di ko alam kung matatawa ba 'ko o mahihiya sa sinabi niya. Kaloka!

"Malayo pa yun, Ma." Bulong ko din. Kahit naman nakita ko na yung gusto kong pakasalan ayaw ko pang isipin ang kasal mga five years pa nga. Hihi.

Next ko namang niyakap ay si Daddy. "You are very beautiful, sweetheart."

"Thank you, Dad." Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at hinalikan niya ko sa forehead.

"Hinihintay ka na ng mga bisita mo at ng escort mo, pumasok na kayo dun." Mama said. Tumango lang ako bilang sagot.

Binaling ko lang yung tingin ko kay Damon. "Tara na?"

"Sige." Nag mano muna siya sa parents ko tsaka namin sinimulan ang tuluyang pagpasok ng restaurant kung saan nakita ko na ang lahat ng inimbita kong kaibigan, may ilang katrabaho si Mama, at syempre kamaganak.

Tumingin ako sa direksyon ng friends ko na nasa iisang table lang. Madali ko lang silang nakita kasi kumakaway sila sa'kin.

Tumayo mula dun si Ian Carlo King at nag lakad papalapit sa'min. "Wow! Hindi ako makapaniwala... ang pangit mo pa din." He jokes.

"Para kang si Philip." Inis kong sabi kaya natawa siya.

Inabot niya yung kamay niya sa'kin at tumingin kay Damon. "Kuya, ako ang escort." Pagpapaalala niya.

"Okay, she's yours for just an... hours." Humarap muna sa'kin si Damon para halikan ako sa pisnge. "I love you."

I smiled. "I love you too."

Binigay ni Damon ang kamay ko kay IC at si IC naman ay ini-angkla naman ito sa braso niya. Sinimulan na ni Damon ang mag lakad papunta sa mga kaibigan namin kami naman ni IC papunta sa maliit na stage kung saan nandun yung dalawang para sa'min ng escort ko.

"You're mine for just an... hours." IC said while we're walking. "At least kahit ilang oras lang naging akin ka."

I slapped him on his shoulder. "Wag kang ganyan, mag seselos si Lexi, sige ka."

Bigla siyang sumimangot. "Iwan kaya kita dito!" He warns.

"Subukan mo lang!" I warn back.

"Tss... ang pangit mo talaga."

"Alam mo kahit sabihan mo 'ko ng pangit ako, para sa boyfriend ko maganda ako."

"Uto-uto ka kamo." Sinamaan ko siya ng tingin kaya ang ugok biglang nag lambing. Makakasapak ako ng escort ngayon.

Pagkaupo naming dalawa ni IC. Parang naging hudyat yun sa MC para masimulan ang party.

Sinimulan ang party mula sa pagsayaw sa'kin ng mga kaibigan kong boys and syempre kasama sila Papa at Philip habang binibigyan nila ako ng rose.

Una 'kong isinayaw ay si Papa, na naging emotional pa nga dahil may video noong 3years old ako na isisnasayaw ako ni Papa at ngayon isinayaw niya ulit ako ngayong 18 na 'ko.

Next naman ay si Philip, na wala ng ginawa kundi pagtripan ako tulad ni IC. Magkaugali nga ata talaga sila eh, pagkatapos akong asarin tsaka mag lalambing.

Next is Mario, at ang paguusap namin habang sumasayaw ay ang pangaasar niya din sa'min ni Damon at bilang ganti, si Maj namam ang inaasar ko sa kanya.

Next is Marcus, ang seatmate kong model/singer na puro compliment din sa beauty ko din. Buti pa siya mabait. Haha

Next naman ay si Samuel King, nag bow pa siya habang inaabot ang rose sa'kin. Inilagay niya yung mga kamay ko sa balikat niya at yung mga kamay niya nasa bewang.

"Pwede na.." He speaks as we start to dance.

"Ha?" I asked, confused.

"Pwede ka ng mag asawa."

I chuckled. "Purket 18 na pwede na agad?"

"Yah! Legal na eh."

"Sira! Sinabihan ako ni Mama na wag muna mag asawa."

"Kung ganun, matagal pa palang maghihintay si Kuya."

I giggle. "Ganun na nga."

Unti unting sumeryoso yung mukha niya. "I'm happy for you."

"Thank you." I mouthed. He just kisse my forehead.

Now next is my... Love. Yes! Sa wakas siya na, kanina ko pa 'to hinihintay. Habang nag lalakad siya papalapit sa'kin, nag hihiyawan sa pangangantyaw yung mga kaibigan namin. At yung rose na bitbit niya iba ang kulay. Kung sa iba ay red sa kanya ay white.

Umalis si Sam pagkalapit ni Damon na nakatayo lang sa harap ko. Hinalikan muna niya yung rose bago ito inabot sa'kin ng nakangiti. Kinuha ko din yun at hinalikan kaya yung mga baliw naming kaibigan nag hiyawan na naman.

Kung sa iba ay parang nakikipag sayaw lang talaga ako sa'min ni Damon more hugs na talaga. Nakayakap yung mga kamay niya sa bewang ko habang yung ko nakapulpot sa neck niya at yung mga mata namin nakatitig lang sa mata ng bawat isa. Nag sasayaw kaming dalawa na parang walang tao sa paligid at kaming dalawa lang. Totoo palang nagyayari yung ganito na parang kayo lang ang tao sa mundo pgmagkasama kayo.

"My Love.." He called.

"Hmm?" I just hummed.

"Kung darating yung panahon na pwede ka ng magpakasal, magpapakasal ka naman sa'kin diba?"

I giggle. "Bakit parang yan nalang ang topic ng lahat?"

"Siguro dahil nakikita nilang mahal na mahal kita."

Two words.... Kilig me! Hihi.

Hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge at pinagdikit namin ang forehead namin, kaya di ko maiwasang mapatingin sa labi niya. "Oo! Pag dumating yung panahong yun, papakasalan kita sa kahit na anong simbahan pa."

He smiled, widely. "Sabi mo yan ah! Hihintayin ko yan." Tumango ako at hinalikan ang magkabilang pisnge niya ar dahil medyo dyahe sa lips na halikan siya dahil nandyan ang parents naming dalawa, ang nose nalang muna niya ang hinalikan ko.

"I love you Damon King."

"I love you too, my Love."

--

END

Thank you po sa pagbabasa. 😁

Napapaisip akong gawan ng story si Ian at Lexi... Hmmm...
Pag nakakuha ako ng 200 comments mula sa magkakaibang readers gagawa ako, pag wala edi... wag nalang. Hahaha!

Kung may mag re-request naman ng Book 2 uh........
Pagiisipan ko pa. 😁✌

Anyways, salamat ulit sa pagbabasa. Add me on Facebook babies, Esquierdo Momo. ❤

King BrothersWhere stories live. Discover now