Chapter 47 : Dim Ghost Ship

Start from the beginning
                                    

“Alice! Alice!” narinig ko ang tinis ng boses ni Sha kasabay ng kanyang pagkatok sa pinto.

Binukasan ko ang pinto. “Bakit Sha?”

“Halika bilis! Bilis! Si Luke! Naghanda ng pagkain para sa atin.” Si Luke? Imposible! Napagluto nila si Luke? Nakakatakot kayang pakiusapan non.

Sinundan ko si Sha, bumungad sa akin ang isang lamesang puno ng pagkain. “Wow! Ikaw nagluto ng lahat ng ito Luke?”

“Ah… hindi.” Napansin kong may hinagis siya ng isang bagay parang isang telang kulay puti. “Bakit ako magluluto para sa inyo? Nakita ko lang yan sa kusina noh! Nilagay ko lang sa lamesa. Wala akong pakielam sa inyo noh! Basta ako nagugutom.” Umupo siya at kumain.

“Naku~ kun---” napatigil si Sha ng tinitigan siya ng masama ni Luke. “A-ah… gutom na gutom na ko. Kainan na!” 

Kunwari pa itong si Luke na walang pakielam sa amin. Bad boy look… pero deep inside pusong mammon.

Umupo ako sa tabi kung saan kumakain si Sha. Ang layo namin kay Luke nasa dulo siya ng lamesa habang kami ni Sha nasa kabilang dulo din sa side ng lamesa.

Nang matikman ko ang luto niyang may sabaw. “Ang sarap!” kahit hindi ako nakatingin kay Luke napansin kong napalingon siya sa akin at sa pangalawang pagkakataon nakita ko siyang ngumiti.

Kahit papaano may gumuhit sa kanyang mga labi. Lagi kasing nakasimagot itong si Luke. “Isa pa ito Sha! Masarap din.” Sabay tapat ng kutsarita sa mukha niya.

Ilang sandali dumating na ang iba maliban kay Eliot. Kumain kaming lahat na hindi kasalo si Eliot.

Ano kaya ang ginagawa niya? Napansin kong hindi na siya palakibo kumpara ng una naming pagkikita. Hindi narin niya ako kinakausap sa pamimigitan ng kanyang kapangyarihang mind reader.

Pagkatapos namin kumain nagdecide akong maglibot sa paligid ng sinasakyan namin, malakas kong nagawa yon dahil kasama ko si Sha.

Ayoko nga gawin yun magisa. Nakakatakot.

“Sana makita na natin ang prinsesa. Pagkarating natin sa Nation of Spirits.” Out of nowhere na sinabi ni Sha.

“Pagnakita natin ba ang prinsesa? Ano na mangyayari? Maliban sa matutuwa sa atin si Haring Nokama.” tanong ko sa kanya.

“Syempre. Hindi na tayo mangangamba sa kaligtasan natin para sa mga Soul Eater at isa pa malalaman na din natin kung nasaan ang ibang Morbuzakh. Kapag nangyari yon, it’s possible na makita na natin si Head Master Ducan at makakauwi ka na rin sa inyo.”  

Tumungo-tungo lang ako sa mga sinabi ni Sha.

ALICE { o n  g o i n g ...}Where stories live. Discover now