Chapter 47 : Dim Ghost Ship

Magsimula sa umpisa
                                    

Hay naku! Eto na naman sila. Nagbabangayan sa isa’t isa.

BLAG!

Rinig na rinig namin ang pagkasubsob nilang dalawa sa lupa dahil sa spell na binaggit ni Prince Azera. Hindi pa pala nakakalimutan ng prinsepe ang pinagusapan nila.

“Nasa Sanctuary Grave tayo. Hindi na kayo nahiya.” Prince Azera said sternly.

“Kung okay na ang lahat at ayos na para sainyo ito. Kailangan na nating umalis.”

Naglakad na si Eliot para makasakay na ng Dim Ghost Ship. Sumunod naman sina Prince Azera at ang dalawang nagbabangayan habang si Sha kapit na kapit sa leeg ni Montblanc.

Palakad na sana si Clyde pero hinila ko yung damit niya. “Bakit?” pagtataka niyang tanong.

“Clyde… sasakay talaga tayo diyan?”

Napatingin ako sa creepy ship. Err! Tumaas ang balahibo ko sa buong katawan ko. Natatakot akong sumakay. Hindi pa nga ako nakakasakay mamamatay na ako sa kaba.

“Syempre. Para makarating na tayo sa dapat puntahan.” Hinawakan niya ang pawisin at malamig kong kamay. Ang warm ng kamay niya dahil sa ginawa niya medyo napahupa ang kaba ko at feeling ko protektado niya ako anong mang-oras.

“Don’t be afraid.” Hinila niya ako para sumakay sa Dim Ghost Ship pero bago kami pumasok “It’s just a ghost.” Sa sinabi niya I stiffed. Loko talaga itong si Clyde. Yun nga eh! Takot nga ako sa Ghost.

“They can’t harm you.” Ngumiti siya at nagpatuloy maglakad habang hila hila niya ako.

======

Maganda at malaki ang Ship halatang luma ang disenyo nito dahil may pagka-old Spanish style.

Makukumpara ito sa luxury ship sa mortal world sa ganda at laki. Yun nga lang… pagpasok mo talaga hindi mo maiiwasang kilabutan.

Nagdesisyon kami na magpahinga dahil mahaba haba pa ang aming lalakbayin.

Masyadong malaki ang ship para sa aming pito kaya kanya-kanya kaming pumili ng kwarto at kahit si Sha may sariling kwarto.

Pinili ko ang kwarto sa pangalawang palapag at malapit sa hagdan. Alam niyo kung bakit? Para kapag may mumu makakababa agad ako deretso agad sa kwarto ni Clyde.

Magkatapat lang kasi kami ng kwarto, yun nga lang nasa first floor ang kwarto niya.

Hindi rin naman yun ang dahilan. Gusto ko kasi may malaking bintana sa kwarto para makita ko ang kagandahan sa labas.

Tulad ngayon nakadungaw ako sa bintana, nakalabas na kami sa lugar ng Sanctuary Grave o sinasabi nilang sa dimension ng underworld. Kitang kita ko ang magandang paglubog ng araw para ngang ang lapit- lapit ng ship namin sa araw. Lumulutang kasi ang ship namin sa kalangitan.

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon