Kahit saglit lang

27.5K 173 63
                                    

Heartstrings

 © Copyright 2013 All Rights Reserved

Daniel’s POV:

Nakita ko siyang naglalakad sa may hallway napahinto siya nung makita ako.

Nilapitan ko siya agad.


“…Daniel…” hinawakan ko siya agad sa kamay at hinila papalayo sa madaming tao

. “…saan tayo pupunta?...” tanong niya sakin habang naglalakad kaming dalawa.


“…mag-uusap tayo…” sagot ko.

Nakatingin samin ang mga tao ngayon nagtataka siguro kung anong nagyayare at kung bakit ko kasama si Julia.

Binitawan ko na siya nung alam kong wala na saming makakarinig at makakakita na magkasama.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula at kung pano ko sisimulan.


“…galita ka pa ba sakin?...” tanong niya pero.


Naktalikod ako sa kanya sa mga oras na to.


“…Daniel… I’m really so- “ hindi ko na siya pinatapos.


“…kung ikaw ang nasa kalagayan ko. Sa tingin mo anong mararamdaman mo?...”tanong ko sa kanya.

Hindi siya nakakibo sa sinabi ko.


“…alam mo bang simula nung iniwan mo ako… pilit kitang kinakalimutan… pero hindi ko magawa e…” sa pagkakataon na yon hinarap ko siya.

Nakatingin lang siya sakin habang sinasabi ko sa kanya yung mga gusto kong sabihin.


”…pero alam mo ba kung anong ang mas mahirap sa lahat, ha?Hindi ko kayang magalit sayo…” sabi ko sa kanya.


“…hindi ko naman ginusto na iwanan ka… kung may choice lang ako noon, Daniel… hindi ko naman hahayaan na mangyare yon…” sabi niya sakin.


“…hindi na mababalik kung ano na ang nangyare…” sabi ko.

Nakita kong pinipigilan na niyang tumulo yung luha sa mga mata niya.


“…pero sana maintindihan mo naman ako hindi lang ikaw ang nahihirapan dito!...” sigaw niya sakin.


“…kaya wag mo saking isisi ang lahat…” umiyak na siya ng umiyak.

Hindi ko mapigilang ma-guilty sa mga nasabi ko kanina.

Heartstrings:The Deal [Completed]Where stories live. Discover now