Chapter 4: Busted Night

12.3K 182 25
                                    

Chapter 4: Busted Night

ESTILLO PUB - Loud crowd, flashing light, smokes while on Marshmello's background music.

''So anong kwento?.'' said Edge na nakaturo sa kaliwang kilay ni Atom na may dalawang band aid.

''Wag mo ngang mahawak-hawakan. One Margarita please.''utos ni Atom sa bartender.

''Sino bang gumawa n'yan sa'yo, noong isang araw pa mainit ulo mo." said Edge.

''Tss, nagkakaganyan lang yan pag naka-encounter ng gay.'' said Lydon.

''Here's your Margarita, sir.'' ibang bartender ang lumapit kay Atom at inabot yung drinks.

Sexy, tall, long-curled reddish hair na naka-tight leather skirt and tube top at saka nakapointed boots. May henna tattoo sa may left side ng muka, hindi tuloy marecognize yung beautiful features ng mukha.

''Oooohh, new girl here.''iniabot ni Edge yung kamay and kissed the girl's hand.

''Speed of light, huh?'' Wess said na kararating lang.

''Anyway, Call me, Wess. I think I've seen you ..somewhere?'' Wess winked.

Nag-ring yung phone ni Atom.

''Ngayon na? Bakit rush yang photoshoot?" himas ni Atom yung kilay.

''Sana man lang naka-receive ako ng pasabe kahit sa PA ko. Okay, okay, I'm leaving. Sa'n ba venue? Okay, 30 minutes'' Atom hung up.

''Buti na lang hindi ko pinasukan yang modelling.'' said Edge.

''Asa ka pang may ipapakita. Cheers!''Lydon said na nagcheers kay Wess sabay tawa.

''Mauna na nga ako. "Atom left.

''Kararating mo lang ah.''Edge said.

The girl seductively smiled, ''Take care Mr.Atom!''

Atom left annoyed.

''So, are you free after this?'' Wess leaned on the cellar.The seducing bartender reached to hold the nape of Wess and whispered sweetly to his ear.

''Sorry ah, I need to assist the other customers pa eh. Enjoy your drinks! Bye!'' the girl flirty winked to Wess.

NANA's POV

Dammit! Ang kati-kati ng tube top na'to, saka itong wig! So apat lang sila? Atom, Edge, Lydon, Wess, kulang pa ng isang ungas. Nakakatawa ng pagmumuka ng Atom na yun. Seriously? Gays are his weakness.

Sino bang uunahin ko sa tatlong to? Edge, Lydon, Wess?

Wynwyn texted.

[Couz, sunduin mo naman ako sa labas ng bar, hindi mo man lang sinabi na dyan ka magpapart time ha?'']

Part time, naniwala naman. Seriously?

''Cge,cge lalabas na'' I texted her.

[Dito ko sa parking lot]

Ba't parking lot pa, b*tch, pinaglakad pa'ko.

Lumabas na'ko, ang hirap maglakad pag ganito kakati tong tube top saka pointed boots.Sandali, parang may sumusunod sa likod ko, binilisan ko ng lakad. Palipat lipat ako ng paglakad between cars. Nasa'n na ba yung Wynwyn na yun.

Palapit ng palapit yung footsteps ng pang sumusunod saken. Huminto ako ng paglalakad.

''Sino ka? Bakit mo ko sinusundan?'' Nilingon ko yung sumusunod saken. Isang matangkad na lalake about 6 feet high. Tough body, naka-cap, naka-mask, black pants at fatigue jacket. Sino 'to?

May hawak siyang panyo na I think may sleeping perfume yun at ako ang target. Shit, papalapit na sya saken. Hindi siya nagsasalita. Buti na lang naka-boots ako at napantayan ko ng konti yung height niya. We're two meters away from each other. Martial Arts pala gusto mo ah. Pwes, hindi kita uurungan. Kumaripas ako ng takbo sabay sugod!

Very stiff yung mga moves niya, mukang professional, ano bang pakay nito saken? Ang bilis ng binti nyang tumatama sa bawat sangga ko. Hampas, iwas, sangga.

At sa bawat sangga, kalahati nun, pagtilampon niya. Matagal tagal na rin akong hindi nakakapag kick boxing. Umiinat-inat pa ako. Nagkatitigan kami.

Boy, you've gotta wrong pick.

Back in the old days with Ulysses Ford (my goon ex), we used to hang out like mixed martial arts, softgun, fencing, horsebackriding and mostly on extreme sports na panglalake.

It just happened that nakilala ko sila sa school, naging close and na-influenced sa gang nila na composed of 14, all whites; 10 males and 4 females. I missed them badly! I was not literally in love with Ford. Not that I didn't wish to be a girl gangleader. You got all the attention, protection, and the name. Kahit gago yun, I'd used to love him.

Back to reality. Until I finally caught him off guard.

Nakahiga siya sa ground at kumikirot yung likod pagkatapos kong ibalibag, habang yung isang kanang heels ko nakatusok sa leeg nya.

''Maling galaw mo lang, baon to sa leeg mo! Sino ka, anong kailangan mo sa'kin'' sigaw ko.

Tinanggal ko yung mask n'ya.

''Wess?''

Bigla syang nawalan ng malay. Tinakpan ko ng panyo yung ilong nya para maamoy yung perfume atleast siguradong hindi muna siya magigising. I didn't have the idea why Wess attacked me? First encounter palang namin, bakit niya ako pinagtangkaan ng masama dito sa parking lot?

Napasama yata yung braso niya kaya hinimatay. Kailangan sunduin sya dito ng dalawang ungas na yun baka mapaano pa'to. Isinandal ko sya sa pinto ng Lamborghini Gallardo na nakapark dito saka ko kinapa bulsa niya kung nasaan yung cellphone niya.

2 new messages received.

From Edge:

[Kidnapin mo yung chix, yariin natin sa condo.]

From Lydon:

[50K pag wala ng malay yan sa kotse mo at 11:20pm]

What the hell?

Nakaramdam ako ng takot, takot siguro kase nag-iisa na lang ako dito, paano kung may mangyare saken na higit pa sa nagyare ngayon. Di-nial ko yung number ni Edge.

''Yow Wess, ano na?'' Edge said.

''Idiots! Ang tapang din ng sleeping perfume ng tropa niyo ah, bagsak!'' I said wiping off my tears.

''Hello?!! Sino 'to!'' Edge shouted.

"One more tip, sa'kin na lang siya kamo paturo ng kickboxing, pambata lang kasi alam niya.''

"Fvck!! Sino ka ba?! Saan mo dinala si Wess?'' Edge shouted.

''Dadalhin ko nga pala siya sa condo, saka ko dun yayariin. Sayang nga lang hindi ako nakaabot ng 11:20pm wala tuloy akong 50K tip, pinagod niya kase ko eh.'' I said and hung up.

My tears rolled down my face. You'll pay for this, Edge and Lydon. At ikaw Wess, hindi pa tayo tapos. Sumakay nako saking black Ducati, wala na akong pakelam kung short skirt pa suot ko habang dina-drive to pauwe.

HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon