Dear J
Hi J! Alam kong alam mo na gusto kita. Hindi tayo magkaklase pero magkapit kwarto o class room tayo. Kilala mo ba ko? Ang alam ko kasi kilala ko ng mga kaklase mo. Pero, ikaw kilala mo ba ko?
Tanda mo pa ba nung kinasal tayo sa marriage booth na ang section niyo ang may gawa? Ako tandang tanda ko yun J. Hinding hindi ko yun makakalimutan. Kahit na yun ang araw na gusto mo na itigil ko na ang nararamdaman ko para sayo. Pero di ko kaya. Alam mo bang napaiyak mo ko nun. Una pa lang, habang hinahatak ako ng kaklase mo papuntang marriage booth niyo, nakaramdam na ko ng mali. Hindi ko alam kung bakit di ako masaya. Yun pala ay dahil may sasabihin kang hindi maganda. Pero go pa rin ako. Iniyak ko lang tapos laban lang! Hindi kita susukuan. Pero hindi ako magpaparamdam. Hindi na tulad ng lantaran kong pagsinta sayo.
Oo akala mo tumigil na ko. Pero ang di mo alam, nakatanaw ako sa malayo. Alam mo ba J, na para kang isang bituin, ang hirap mo pa lang abutin. Sabi nga sa isang quote, " You're so close yet so far". Abot kamay na kita pero ang layo mo pa rin. Oo masakit pero kaya ko. Kakayanin ko.
Tanda mo pa ba yung araw na, tinawag ako ng kaibigan mo at pinapasok ako sa classroom niyo. Nung una, ayoko kasi wala akong alam sa nangyayari nung panahon na yun. Nasa tapat ako ng room niyo at may tinatawag akong lalaki. Nang biglang tinawag ako ng kaibigan mo at pinapasok ako sa classroom niyo. Itinuro ka niya sa kin at sinabi ang pangalan mo. At sinabi niya rin ang pangalan ko. Nagulat ako dahil halos lahat ng kaklase mo nakatingin sa kin. At nakangiti ka. Di ko makakalimutan ang araw na yun kahit hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun. Kasi nakita ko na naman ang ngiti mo. Kahit nasasaktan ako, isang ngiti mo lang okay na ko.
Foundation day ng school natin noong araw na yun. May marriage booth,blindate booth at jail booth. Isa lang yan sa mga nagustuhan ko na ninanais kong puntahan natin, kahit isa lang. Pero walang natupad sa hinihiling ko. Ika nga nila, "Expect the Unexpected". Yun ang araw na magkaka picture tayo. Ang una nating picture. Kahit na nanghihingi ka ng bente peso na alam kong joke lang. Ang saya ng mga ngiti mo sa mga larawan natin. Kahit na puro epic ang mukha ko roon at napakaganda ng mga ngiti mo ay hindi ko magawang burahin. Pag nakikita ko yun ay napapangiti na lang ako ng kusa. Ang mga ngiti mo kasi doon ay sobrang tunay. Yung walang halong kaplastikan. Hindi tulad sa mga nakaraan kong nagustuhan na puro peke ang ngiti at naka poker face.
Naalala mo pa ba yung nagpresent kayo ng isang awitin sa isang subject na nanonood kami. Nasa gitna ako, kung saan nakaupo ako sa upuan mo. At pinapanood ka. Yun ang unang beses na narinig kitang kumanta. Para kang isang anghel. Alam mo bang sobra akong kinilig nun. Feeling ko isa akong proud girlfriend. Pero hindi naman tayo. At wala na sigurong pag-asa. Damang dama ko habang kumakanta ka na natitense ka. Siguro ay dahil sa kinakabahan ka. Pero di ko maiwasang isipin na dahil sa kin. Dahil sa napapatingin ka sa gawi ko. Pero hindi ako umaasa. Alam kong wala ka namang nadarama para sa kin.
Alam mo ba J na kahit gaano pa kasakit ang maranasan ko dahil sa pagmamahal ko sayo. Okay lang basta masaya ka. Kahit hindi man ako ang dahilan ng pag ngiti mo o pagtawa mo. Kahit nagseselos ako sa mga kasama mong babae ay tinitiis ko. Ano nga bang karapatan ko? Wala naman diba? Hindi ka naman sa kin. Pero ako, iyong iyo ako. Alam mo bang kahit andyan na yung dati kong crush ikaw pa rin. Bigla na lang lalabas sa bibig ko ang mga salitang, " Loyal ako kay J. Magagalit yun." Pero alam ko namang wala kang pake.
Kahit ilang ulit mo kong palayuin sayo hindi ko kaya. Isa ka sa mga dahilan kung bakit ako ngumingiti. Kung bakit ako inspired pumasok. Pero please lang, wag mo kong paasahin sa mga tingin mo at kilos mo. Masakit umasa. Lalo na kung wala kang aasahan.
J, I will always love you.
Love,
R
Rheyn : Hi po! Haha! This is my story. Baka mag sequel to if ever makausap ko si J. Totoo po ito. Nainspired kasi ako sa book ni Kuya Marcelo Santos na 'Mahal mo nga, Mahal ka ba?'. Dahil doon nalinawan ako. Kaya thank you po! Kamsahamnida!
Vote.Comments.Share
YOU ARE READING
Dear J (One Shot)
Teen FictionMahal kita kahit wala kang pake! -R HIGHEST ACHIEVEMENT SO FAR: RANK #2 in herpov (10/2020)
