Saka nman may hangos na lumabas mula sa gate. 

May yaya! Confirmed! Yayamanin nga si bagets!

"Mei-mei! Whats happen!" taranta at 'octave' notes agad ang taas ng boses sa panic na sigaw ng isang babae. May kapayatan ito at maliit. Abnormal ang taas ng energy level parang nakalaklak ng mga sampung redbull lang nman.May kamukha itong lumalabas sa gag show ...ah naalala nya na... si 'KaladKaren'! Lamang lang ng mga isa't kalahating ligo yung nasa show.(*noted!)

"Oh my gas! There is wrong, I can smell it!" OA to the max ang reaction nito. "Why are you outside ? We are inside and you are outside?! What is this?" Walang kaubusan sa english na banat ng babae. 

Ayy,yun lang ang malaking pagkakaiba nito sa 'KaladKaren',di mapigilang pinpoint ni Kim.Wagas ang pag-murder nito sa english language parang naghahanap ng away/gulo laban sa Amerika at sa buong mundo na gumagamit ng lenggwahe! Parang gustong maglaslas ng mapurol na blade ni dude Webster at dudette Merriam.  Mahihiya ang auto correct dito!

Gusto tuloy mahilo ni Kim. Sya kase ang hirap na hirap sa pagka- trying hard nito.Anong problema kung magtagalog!?

"Ikaw ba ang taga-alaga nya? Muntik na syang masagasaan buti naiiwas ko."

"Yes! The one and only!" atribidang sagot nito na hindi pinansin ang sinabi ni Kim.Bumaling agad sa alaga na parang di naintindihan ang naging sitwasyon . Nameywang pa. "Mei-Mei , I told you many more times not to go outside alone. See? What if you are kidnap or lost around the corner? Who will blame ,me?!" pinagagalitan nito ang bata na hindi man lang napansin na takot at di pa nakakabawi.

And for goodness sake, tama bang kagalitan nito ang tantya nya mga apat mahigit na taong gulang na bata lang kung di sasablay ang hula nya?

"Habol ko kse yung ball ko!" mahinang sagot ng batang tinawag na 'Mei-Mei'. Nasa boses na mahiyain ito sa kabila ng takot. Yung klaseng tahimik na bata.

"Eh susme marunong nman pala magtagalog yung alaga mo eh! Ako ang nahihirapan sa'yo" di napigilang sabihin ni Kim sa 'yaya kontrabida'.

"Ahm excuse me? Who you?"

Gustong umikot ng mata ni Kim. Una masakit sa tenga ang pagka-englishera nito. Pangalawa, wala syang tyaga sa Jejemon.Pangatlo, kung anak nya ang bata at ganun itrato nito eh baka ngayon palang pinagbabalot nya na ito paalis. Bruha!

Buti na lang to the rescue si Bebeth na lumabas sa gate ng mga 'Licauco'.

Na-save ang Ilong nya na malamang na baka  dumugo sa kausap kung di ito dumating!

"Ay naku Mei-Mei, okay ka ba? Ate Kim ano pong nangyari ?" Nag-aalalang tanong nito.

"May hinabol yata itong bata palabas. Buti na lang naiiwas ko muntikang mahagip ng tricycle." hindi pa din bumibitiw sa kanya ang bata sa pagkakayakap.

"Come on Mei-Mei, let's go inside. Outside is not safe!" utos ng malditang yaya.

"Mei halika na sa loob hinahanap kana  ni Raine. Maglalaro na daw kayo..." alo naman ni Bebeth. 

'Mabuti pa ito at marunong mangdiplomasya ng bata samantalang itong isa, che!' sa isip-isip ni Kim. 'Sarap pektusan sa lalamunan!' bargas na naisaloob nya.

Pero mukhang walang balak na bumitiw kay Kim ang bata kahit anong sabihin ni Bebeth.

"Ayoko. Takot ako!" umiyak na ang bata na parang nauwi na sa tantrum.

RETURN TO FOREVER (KimXi FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon