Wala na akong ibang maisip ang hindi sumigaw.

"Demon gising na hoyyyy!" pero ang bruha nag kamot lang ng ulo sabay sabing..

"Ughhh 5 more minutes "aba matindi nanghingi pa ng 5 mins eh malapit na mag 8. Saka niya tinaklob sa mukha niya ang unan

"Anong 5 mins tumayo ka na jan may training pa tayo hoyyy, pag ikaw hindi tumayo jan bubuhusan ka ni aqua ng malamig na tubig " pananakot ko nito pero wengya wala paring effect.

"Mamaya na inaantok pa ako " ako ba ang ginagalit niya. tss kung si fire ang nadito sa position ko aba kanina pa ito nagagalit. Saka nag change position lang siya para hindi kami magkatapat ng mukha.

Kaya lumayo ako ng kunti sa kanya para makalapit kay Aqua.

"*bulong* Aqua buhusan mo siya ng malamig na tubig bilis"

"Ayaw ko nga baka magalit siya sa akin" ang hina talagang nitong Aqua pagdating kay Demon.

"Ako bahala sayo" pag palakas loob ko dito.

"Talaga"

"Oo nga bilisan mo na, the time is running Aqua"

"Talaga tumatakbo ang oras, bakit hindi ko alam?" Wengya parang kabute namang 'tong Aemie na 'to bigla bigla na lang sumusulpot.

"Wengya mo Aemie wag ka ngang maggugulat" nag peace sign lang siya kaya tinignan ko nalang si Aqua to give her the sign na buhusan na siya. Ng mabuhos na kay Demon ang malamig na tubig.

"AAAAAHHHHHHHHHHHH" sigaw yan ni Demon na parang basang sisiw hahahahahah. Habang sila naman ay tahimik na tumatawa. Hahahahahahah ang epic kasi ng mukha ni Demon. Pero dapat seryoso ako para maniwala naman ito sa acting skills ko.

"Tatayo ka jan at maliligo o ako na ang magliligo sayo " Pero tinignan lang niya ako ng masama.

"Lumayas na nga kayo sa kwarto ko at ikaw Aqua humanda ka sa akin mamaya " ito naman si Aqua parang asong tuta na natakot.

Tumayo na siya at kinuha ang towel niya at pasok sa cr niya.

"Let's go hintayin na lang natin siya sa baba" sabi ni Thad na kanina pa tahinik.

Bumaba na Kami at hinintay siya sa sala.

(End of flashback)

"Sino sa inyo ang unang magtuturo sa akin?" Tanong nitong Demon na 'to na bagong ligo palang at pababa ng hagdanan.

"Mabuti at may plano kang bumaba" ang init talaga ng ulo nitong Fire na 'to.

"Tss"

"Ako muna ang unang magtuturo sayo dahil madali lang naman ang sa akin" naging seryoso na si Aemie sa pag dating na nag usapang kapangyarihan.

"Ok, saan tayo mag tra-training?" Tanong nito sa akin. Kaya tinignan ko si Daize, kasi siya lang naman ang may alam na magandang training area.

"Paradise field" sabay teleport niya doon.

Kaya sumunod na kami sa kanya. Si Demon naman humawak kay Thad dahil hindi niya pa alam ang lugar na iyon.

****°°°PARADISE FIELD°°°****

Aemie P.O.V

Hi mga readers alam ko na alam niyo na ang name ko but I will introduce my self again. I'm Aemie, goddess of air at ang pinaka maganda at cute sa balat ng immortal world.

--»»White Academy««--Where stories live. Discover now