Chapter 52

1.9K 31 1
                                    

Si Kyle:

Nasa field sila Kyle, sir Ashton, sir Niko at Trishan.

Kyle: hello?? Maxene?? Asan si Reina???

Maxene: mukhang mahal na mahal mo talaga tong bagong pet mo ha. Sisiguraduhin kong hindi na kayo magkikita!!!

Kyle: ano ba!! Maxene!! Wag na wag mong sasaktan si Reina!!! Lagot  ka sa akin pagnahanap kita!!

Maxene: don’t worry honey. Hindi mo naman kailangan maghanap eh. Sasabihin ko sayo kung asan kami kapag wala ka nang kasama. Make sure na mag-isa ka lang at walang makakaalam. or else..

Narinig ko ang boses ni Reina na sumisigaw!!

Kyle: oo susunod ako! Pero wag na wag mong sasaktan si ...

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko. pinutol na niya ang linya.

Niko: ano daw?? Asan si Reina??

Kyle: wala wala...sige..doon na muna ako sa room ko..

Trishan: wala ka bang balak hanapin si Reina.

Kyle: basta ako na ang bahala!!!

Hindi ko puedeng sabihin sa kanila...ako lang dapat. Problema ko to!! Ako dapat ang umayos nito!!

Dumeretso ako sa kwarto ko at naupo sa may desk ko. pagkaopen ko ng laptop ko tumambad sa akin ang picture ni Reina. Siya ang wallpaper ko.

Kinuha ko yung bracelet niya sa bulsa ko at tinitigan ito.

Ang totoo madami siyang picture sa akin. Hindi niya alam pero madami talaga. Simula nung naging pet ko siya. I always take pictures of her. Hindi ko pa alam kung bakit pero i love seeing her face.

Nung una hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang siya naisipan na gawing pet basta ang alam ko nung una ko pa lang siyang makita isa na siyang anghel.

Akala ko ganun ako dahil kamukha niya si Maxene. Honestly, interested ako sa kanya kasi akala ko talaga siya si Maxene. Natulala ako nung makita ko siyang tumatakbo. Pero nung makita ko siya ng malapitan, narealize ko na ang layo ng itsura niya kay Max. gumawa pa ako ng facebook at twitter para lang makilala ko siya.

Reina Mikaella De Onyate..ang babaeng napaka simple tignan pero napakakomplikadong intindihin. Bakit nga baa ako nahulog sayo ng ganito??

I was never happy, kahit nung kami pa ni Max hindi ako nakaramdam ng ganito. It’s only Reina who have seen the other side of me. Yung ako na makulit, parang bata, takot sa ipis, takot sa kulog at natutuwa sa marshmallow.

She made my whole world go round.

Anak ng tipaklong ang OA ko shit!!!! KABAKLAAN!!!!!!!

REINA ASAN KA NA BA????

Kinalikot ko yung cellphone ko. bakit kasi hindi ko alam ang number ng babaeng yun eh noh???

Nakita kong may incoming call kaya sinagot ko agad..

Kyle: hello, mag-isa na ako. Asan si Reina.

Maxene: masunurin ka talaga sa akin honey. Well then...remember yung factory namin na nalugi?

Kyle: oh?

Maxene: go there! Don’t bring anyone kung gusto mo pang makita ang pet mo!!

She hang up the phone!

Agad akong pumunta sa parking lot at sumakay sa motor ko.

Buisit talaga tong babaeng to!! Panira!!! Maghintay ka lang Reina anjan na ako!!

Kyle and His PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon