Chapter 3

3.4K 64 0
                                    

 Like us on facebook:)

http://www.facebook.com/MarianaLiangSy

Official page ng Kyle and His Pet

thanks..

====================================================================

Sunday kaya walang pasok! Ibigsabihin wala dingKyle!! Buong week niya ba naman akong pinagtripan. Pinabitbit niya ako ng books niya, pinahila ng motor niya, pinatulak ng sasakayan at ako pa pinapalait niya ng gulong ng sasakyan niya!!

Buti na lang ngayon, it’s my free day! Yey!! Dahil tamad ako lunch time na ako nagising. Naligo ako at nagbihis. Pupunta ako sa canteen para kumain. Pagopen ko ng door ko nagulat ako sa nakita ko.

“Bakit ba ang tagal tagal mo!?”

Yung parasite nakatayo sa labas ng pintuan ko!!!

Bigla niyang kinuha yung kamay  ko tapos hinila niya ako palabas ng dorm. May motor na nakapark sa labas. Inabutan niya ako ng helmet tapos sumakay siya  dun sa motor.

“Gutom na ko! dalian mo! Pag ako namatay sa gutom papatayin din kita!!” ->Kyle

“Leche ka!!!” ->Ako

“Ano!?” ->Kyle

“Sabi ko Leche Flan.” ->Ako

“Good girl!” ->Kyle

Sumakay ako sa likod tapos sinuot ko yung helmet.

“Kapit! Dali!” ->Kyle

“What? ayoko!!” ->Ako

“Bahala ka!” ->Kyle

Inistart na niya yung motor. Grabe ang ingay!!! Halatang mamahalin tong motor niya!! Ganda ng parts! Baklasin ko kaya tapos benta ko?? hahha

 Pinaaandar na niya yung motor. Grabe siya super bilis niya magpatakbo!!! Wala na kong choice. Napakapit ako bigla sa kanya. Humawak na ako sa bewang niya!! Naririnig kong tumatawa siya. Buisit talaga!

Nagstop kami sa isang hotel. Oh My!! Bakit siya nagstop dito? Ano bang gagawin namin dito??

Bumaba na ako sa motor at tinaggal ang helmet. Bumaba din siya tapos bigla nang naglakad papasok ng hotel.

“Hoy doggie! Lika na!!!” ->Kyle

“Ayoko!!! Ano bang gagawin natin dito?” ->Ako

“Wala nang tanong. Sumunod ka na lang!!” ->Kyle

“NO!” ->Ako

“Lalagyan kita ng collar o papasok na tayo?” ->Kyle

“Eto na oh. Naglalakad na!” ->Ako

Buisit talaga tong lalakeng to. Pumasok kami sa loob at dumeretso sa 21st floor. Kinuha niya yung susi sa bulsa niya at binuksan ang pinto. Teka, nasa hotel kami.

Mejo nakashorts at shirt lang ako dahil nga biglaan niya kong sinama dito. ano bang gagawin niya??

Pumasok siya sa loob. Nakita niya ata na hindi nanaman ako kumikilos kaya bumalik siya at hinila ako papasok. Walang tao sa loob. Bigla niya akong tinulak tapos napaupo ako sa sofa! Loko to! Umupo siya sa tabi ko. tinitigan niya ako. Tapos bigla na lang niyang nilapit ang ulo niya! Loko to!! Bigla ko siyang tinulak.

“YAH!! Problema mo!? May muta ka pa! tatanggalin ko nga tapos itutulak mo pa ako!!!” ->Kyle

“Puede  mo naman kasing sabihin naa lang!!!!! PSYCHO KA!!!” sigaw ko habang nagpupunas ng mata

Biglang nagopen yung door at pumasok yung mga kasama ni Parasite!

“Nasa hallway pa lang kami naririrning na namin kayo!” ->Mike

“Tama na yan kain na! dali!” ->Nathan

Inayos nila sa mesa yung bitbit nilang food at kumain na kami.

After kumain.

“Hoy pet! Iligpit mo na to!” -> Kyle

“Ano!? Hindi ka talaga matinong tao!!!” -> Reina

“Dog collar!!!” -> Kyle

“Oo na. ayan na o tatayo na!!” -> Reina

Tumayo ako tapos hinugasan ang mga plato. Asar! Nakita kong nakaupo silang lahat sa sofa. Grabe sila! Nanonood lang ng TV. Pero mukhang nawawala si Parasite!

Hay since busy naman sila naisip kong ikutin yung kwartong yun. Hotel ang nakalagay sa baba pero super laki ng room na to. Mukha namang condo!! May isang bedroom lang tapos ang CR grabe! Puro gold. After kong mag-ikot nakiupo na rin ako sa sala. Pinatong ko yung ulo ko sa lamesa at di ko namalayan na tulog na pala ako.

Si Kyle.

Grabe tong babaeng to! Natututlog na dun sa may sala! Madami pa akong iuutos sa kanaya ah! Hay buisit! Kung bakit kasi kailangan niya akong ipahiya sa harap ng madaming tao. Ayoko naman sanang gawin sa kanya to kaso wala. Wala na akong choice.

Umupo  ako sa tabi niya. Para siyang tanga! Nakaupo sa sala tapos yung ulo nakapatong sa table na 2 rulers ang distansya mula sa sofa! Addict talaga. Lumapit pa ako sa mukha niya. Aba tulo ang laway! Hahahaha. Babae kaya talaga to??? Kung kumilos at magdamit parang lalake. Ewan ko!

Si Reina..

Nararamdaman ko na gumagalaw ako. Medyo malakas ang hangin at naririnig ko ang ingay ng mga dahon. Dahan dahan kong dinilat ang mata ko at nakita kong nakaangkas ako sa likod. Sa likod ng isang tao!! Sa likod ni...

“Alam kong gising ka na! pero kung nag-eenjoy ka pa jan sa likod ko sige jan ka lang.” -> Kyle

Nung pababa na sana ako bigla siyang huminto at nagsalita..

“ Andito na tayo.” -> Kyle

Pagtingin ko nasa labas na ako ng dorm.

“Naglakad ka hanggang dito?? asan ang motor mo??” -> Reina

“Pano kita pasasakayin sa motor??? Tulog ka! kanina pa kita ginigising noh!” -> Kyle

“hmph! Edi sana iniwan mo na lang ako dun!” -> Reina

“Dumating yung girlfiend ni Mike! Kaya pinalayas tayo dun.” -> Kyle

“ang layo ng nilakad mo! Tanga ka talaga!!!” -> Reina

“Ikaw na nga tong binuhat aangal ka pa!! bawal kang umangal! Ako ang amo mo!!!” -> Kyle

“ewan ko sayo. Pyscho! Parasite!!!” -> Reina

“Sh*t. humanda ka bukas!” -> Kyle

Bigla na akong tumalikod at naglakad papasok sa may entrance.

Si Kyle

Loko tong  babaeng to! Ginawan ko na nga ng maganda galit parin. Bahala siya! Tinalikuran pa ako! Leche talaga. Hinayaan ko na lang siya tapos tumalikod na ako at paalis na nung bigla niya akong tinawag.

“SANDALI!!!” -> Reina

“Ano nanaman!?!?!” -> Kyle

Humarapa ako sa kanya. Andun na siya sa may entrance.

“ maraming salamat master Kyle!” -> Reina

After niyang sabihin yun bigla nalang siyang tumakbo papasok sa dorm niya. Loko talaga tong taong to. Hindi ko maintindihan. Kanina ang sungit tapos ngayon ang bait. Ewan ko! basta lagot parin siya sa akin. Naglakad na ako papunta sa dorm ko at natulog.

Kyle and His PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon