Part 9

18 5 0
                                    


Nung araw din na yun naisipan ni papa na pumunta kung saan nangyari ang lahat, 6 palang ng umaga ng umalis kami kasama namin ang mgakaibigan ko dahil sabado at walang pasok pumayag sila dahil narin sa kagustuhanng aking ama na kasama sila sa pag punta sa La Yung Vista Resort.


Tatlongsasakyan ang dala namin dahil siyam kaming magkakaibigan tig-aapat ang sakay ngdalawang kotse at kaming tatlo nila mama at papa papunta kami sa La Yung Vista Resort gusto malaman ni papa kung ano ang nangyayari sa akin.


Nakarating kami ng 8 sa resort pagkapasok namin maraming tao dahil na rin sabado at walang pasok siguro bonding time ng ibang pamilya. Pumunta kami lahat sa cashier building nagtanong si papa kung nasaan ang may-ari ng resort pero sabi nito ay wala ang may-ari.


Pinatawagan ni papa ang may-ari pero ang sabi lang nito ay nasa bakasyon ang kanyang amo at ayaw mag paistorbo, dahil siguro sa inis ni papa ay nagwala ito naiyak nalang ako dahil wala akong magawa para mapatigil si papa, alam ko kasing nagtitimpi lang siya simula kagabi.


Sila mama naman ay pinipigilan si papa "KAYA KONG BILIN ANG RESORT NA TO ALAM MO BA YUN? KAYA KUNG AKO SAYO TAWAGAN MO ANG AMO MO, DAHIL KUNG ANO ANO NA ANG NANGYAYARI SA ANAK KO" kitang-kita ko ang galit sa mga mata ng aking ama, napatingin ako sa taong humawak sa bewang ko upang hindi ako matumba "Spencer" nayakap ko siya agad.


Paalis na dapat kami ng may bigla nalang humawak sa braso ko mula sa likod dahil sapagkagulat ay napaupo ako nang dahil dun tumigil si papa at mama sa paglalakad at napatingin sakin.


"Ezra" - sabay-sabay silang lumapit sakin at inalalayan ako.


"Pasensya kana ineng hindi ko sinasadyang magulat ka" - tumingin siya kay papa " ano po ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?" - walang pagaalinlangan na sinabi ni papa ang nangyari saakin simula nung pumunta ako dito hanggang kagabi, tahimik lang kaming lahat at nakikinig sa kwento.


Pagkatapos ikuwento napatingin ako samatanda dahil umiiyak ito "Anak ko, anak ko"  ibig bang sabihin sya yung sinasabi sakin ng babae na nanay nya.



Every Summer has its Own Story (Short Story)Where stories live. Discover now