(ix) Be Careful With Your Heart

10.9K 243 38
                                    

"Karylle, nandito ka sa condo ko...You don't remember?"

"Remember what?" tanong ni Karylle na halatang nag pa-panic na rin.

"Yung kagabi?" napatayo na si Vice dahil nalilito na rin sya.

Napaayos bigla ng upo si Karylle at umiling, "I don't remember anything.. I just remember finishing work tapos wala na... Ano ba nangyari?" she gulped.

Vice turned his back on her at napakamot ng ulo, 'What the hell?' he asked himself.

"Vice, tell me what happened!"

"Wala naman." sabi ni Vice na humarap ulit kay Karylle at ngumiti convincingly, "Ang aga pa o, tulog ka ulit."

"Eh bakit ako nandito sa condo mo?" she gulped again dahil kinakabahan na sya sa sasagot ni Vice.

Vice didn't know what to say, kailangan nyang makaisip ng alibi pero walang pumapasok sa utak nya ngayon.

"I don't know."

"Anong hindi mo alam?"

"Ah eh.. Sinabi mo lang ayaw mong umuwi sainyo.. LQ ata kayo ni Billy sabi mo tapos naiinis ka kay Anne... Di ko rin alam Karylle, ba't ako ba tinatanong mo?" Vice lied at napaupo na lang ulit.

"Okay?" sagot na lang ni Karylle na parang di pa rin naniniwala.

"Matulog ka na lang ulit, daming tanong eh!"

"Eh ba't ikaw? Ba't gising ka pa?"

"Wala, wala,  nag t-trabaho ako." sagot ni Vice at lumapit sa may pinto ng kwarto at binuksan ito for Karylle. 

She stood up from the sofa at lumakad pabalik sa room. She smiled at Vice sarcastically at kinurot ang pisngi nito, "Tulog ka na rin incrediVice." sabi ni Karylle na tumawa bago sinarado ang pinto ng kwarto. 

~

Morning came and nung gumising na ulit si Karylle, she didn't ask any further questions about what happened last night dahil nga wala rin naman syang maalala at late na rin sya for work. Tahimik lang si Vice sa buong umagang hinatid nya sa bahay nito si Karylle, hanggang sa pag drop off nya dito sa hospital. Karylle also had some explaining to do when she got home dahil nga nawala sya over night at hindi man lang nakapag paalam. Napag usapan kasi nila ni Vice na sabihin na lang sa pamilya at sa boyfriend nya na sumama sya sa isang friend para gumimik at nalimutan na lang nyang tumawag. Her dad bought the story but Anne definitely didn't since she was eyeing Vice as Karylle was telling the story. Billy bought the story too since may padala pang flowers ito sa office after makausap si Karylle over the phone. 

"Vice, go get some lunch, baka in an hour pa ako matapos eh. Mauna ka na." sabi ni Karylle pagpasok sa office nya na may dalang mga folders. Nag look up si Vice from his relaxed, lying position sa sofa.

"Gusto mong take-out? Sabayan na lang kitang kumain dito."

She snorted, "Hindi na, may meeting pa ako in 10 minutes. I mean it, you go ahead, I'm fine." sabi ni Karylle na palabas na sana ulit.

"Ikaw doc, masyado kang workaholic."

"Nothing bad is gonna happen to me." she winked bago lumabas ng office nya leaving Vice to feel guilty about what she said. 

Kinuha ni Vice ang phone nya from his pocket at umupo ng patuwid sa sofa, he dialled a number.

"Pwede ba tayong mag meet in five minutes? It's about Karylle."

~

Save You | VicerylleWhere stories live. Discover now