(viii) Beneath

10.4K 211 13
                                    

It was around 10 at night ng makarating si Vice sa condo unit nya. Buong drive papunta sa place nya ay walang imik galing kay Karylle. When he parked the car and undid his seatbelt, he placed a hand on Karylle's shoulder to get her attention. She turned her head to him and gave him a reassuring smile to say na okay lang sya. She got out of the car first and Vice followed. He led the way into the condo until they reached his unit up in the 7th floor.

Pagdating nila sa unit ni Vice ay nahihiya pa nung una si Karylle which napansin naman ni Vice kaya kinuha nya ang bag nito at binato sa sofa.

"Take a seat, kuha lang ako ng drinks," sabi ni Vice at tinuro yung sofa, "I'll get drinks, ano gusto mo?" he said as he was walking towards the kitchen.

"Water will do." sabi ni Karylle bago umupo sa sofa.

While Vice was gone in the kitchen, she observed his unit, it was a well spaced unit, the space was tidy which she found impressive, there were three doors apart from the main door; one to the kitchen, one to the bathroom, and one to the bedroom she assumed.

When Vice came back, he handed her the glass of water before slumping next to her on the sofa.

"Vice, thank you for letting me stay." sabi nya after taking a sip of her drink.

"Wala ka bang gustong tawagan?"

"You should go to sleep. Okay na ako dito." sabi ni Karylle ignoring his question.

"Hindi princess, dun ka sa kwarto matulog, ako sa sofa."

"I appreciate all you did tonight Vice, pero okay naman ako dito eh."

"As if naman hayaan kitang matulog sa sofa, ako ang lalaki diba?"

Karylle didn't reply.

"And I own this place, ako ang masusunod."

"Are you sure?"

"Oo naman." sabi ni Vice na tumayo at naglakad papunta sa kwarto nya. He opened the door to show it to Karylle.

~

Once Vice made sure na okay na si Karylle sa tutulugan nito ay kumuha na lang sya ng damit pang tulog sa kwarto at iniwan na si Karylle dun para makapag pahinga. Pagkatapos nyang mag palit ng pantulog sa bathroom ay lumabas sya para matulog na sana sa sofa. Ilang posisyon na rin ang sinubukan nya pero hindi sya makatulog, dahilan na rin siguro na mas mahaba sya sa sofa, pero may ibang gumugulo sa utak nya.

Umupo na lang sya sa sofa at napatingin sa baba na parang may iniisip na malalim. Kinuha nya yung laptop nya na nakapatong sa isang table na kalapit lang nya at nag search sa internet.

"Please, not again!" sabi ni Karylle at tinulak pa rin si Ted.

"Again?" sabi ni Ted na lumayo kay Karylle at tinawanan ito.

"Not again..." sabi ni Karylle na mas pabulong at umiyak lalo.

'Bakit again?' tanong ni Vice sa sarili nya habang tinatype ang words na "Ana Karylle Tatlonghari" and "harrassed" sa search bar. Once he pressed enter, walang lumabas na entried kaya naman iniba nya, from harrassed, he typed in "rape". Hindi nya muna pinress ang enter at tumingin muna dun sa pinto kung saan natutulog ngayon si Karylle.

"I don't want anyone to know about this."

"Hindi ko na alam kung sinong dapat kong pagkatiwalaan."

Nung pinindot na ni Vice ang enter ay nag taka sya dahil wala pa ring lumabas na entry na related sa gusto nyang mahanap sana. He closed the browser and put the laptop away. Nag lean back sya sa sofa at sinarado ang mga mata nya para subukang matulog sa posisyon na ganon. Wala pa mang limang minutong nakasara ang mga mata nya ay may narinig sya ingay sa loob ng kwarto kung saan nandun si Karylle. Tumayo agad si Vice sa kinauupuan at kumatok sa kwarto para tingnan kung ano yung ingay sa loob ng kwarto.

Save You | VicerylleWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu