"Ayaw kumain ng anak mo, hihintayin ka na raw niya."

Tumango siya at muling nagpasalamat sa matanda bago tumuloy sa pag-akyat.

Kumatok siya sa silid ni Georgina. Walang sumagot kaya pinihit niya pabukas ang pinto. Iginala ang paningin upang hanapin ang anak.

"Sweetheart?" Walang sumagot. Binuksan niya ang banyo wala rin doon. "Baby where are you?"

Naisip niya na baka naroon ito sa master's bedroom. Lumabas siya at tinungo ang silid.

Hindi nga siya nagkamali. Naroon ang anak. Nasalampak ito sa gitna ng kama, habang abala ang kamay sa pagko-kulay ng drawing.

"Daddy!" Binitawan nito ang crayola. Bumaba ng kama at tumakbo patungo sa kanya.

He spread two arms to welcome his princess.

"You're early!"

"How's my princess, doing?"

Sumiksik si Georgina sa leeg. Pinugpog naman niya ng halik ang pisngi ng anak.

"I'm coloring my drawing book, daddy."

"May I see it?"

"Yes, but I'm not finish, yet."

"Then let's finish it, tutulungan ka ni daddy."

Inilayo ni Georgina ang mukha sa leeg niya. Lumiwanag ang mukha ng anak. Ngali-ngaling bumaba at umakyat ng kama upang ipakita sa ama ang ginagawa.

"BABE, mukhang hindi ako makakapunta sa plaza mamaya. May byahe kami, at nasa central ako buong gabi."

"Okay lang, kasama ko naman sina Nanay at Lucy, mamaya. Hindi rin kami magtatagal sa plaza. Magpapakita lang kami kay Kap, nakakahiya naman kasi kapag hindi kami sumipot. Personal pa namang pumunta kahapon si Aling Guring sa bahay."

Tumango-tango si Omer. Ang mag-aanim na taong kasintahan ni April.
Pagmamaneho ng truck ang trabaho ni Omer. Na nilalagyan ng tubo at dinadala sa central kung saan ginagawang asukal.

Kung tutuusin, mayaman si Omer. Pamilya ng lalaki ang mismong may-ari ng truck na minamaneho. May malawak na sakahan ng tubo at mayroon ding poultry ang pamilya. Ngunit nahilig ito sa pamamaneho ng truck. Ni kursong engineer ay hindi na tinapos pa.

Makailang beses na nga nitong nagyayang magpakasal. Pero tumanggi siya. Nagagalit ito ngunit hindi naman lumalagpas sa isang linggo at kusa ring nakikipag-ayos sa kanya. Pakiramdam kasi niya, hindi pa siya lubusang handa sa buhay may-asawa. May mga bagay pa na nais niyang makamit bago lumagay sa tahimik.

May hinahanap-hanap ang kanyang puso na hindi matukoy kung ano. Gano'n din ang isipan, iyon bang feeling niya hindi siya buo. May kulang sa kanya. At nais niyang tuklasin iyon. Isa sa mga dahilan kung bakit palagi niyang tinanggihan ang kasintahan.

Tiningnan ni April ang orasan. Nasa isang cafeteria sila ni Omer at nananghalian. Lunch break niya kasi. Sinundo siya nito sa jewellery shop na pinagtatrabahuan bilang kahera.

May 30 minutes pa bago ang pasok niya. Samantalang si Omer, dideretso ito sa tubuhan pagkatapos siyang maihatid sa shop mamaya.

"Kilala mo ba ang lalaking 'yon?"

Kumunot ang noo ni Omer sa kanyang tanong.

"Sinong lalaki?"

"Iyong lalaki sa tindahan sa kabilang bayan noong isang linggo."

"Iyong napagkamalan kang asawa niya?"

Umiling ng mabagal si April. Inilapag naman ni Omer ang kubyertos sa pinggan. Kinuha ang baso at uminom ng tubig saka lamang bumaling sa kanya pagkatapos.

The Millionaire's First Love (BOOK2)Where stories live. Discover now