It Could Have Been (One Shot)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pagtiningnan mo sila akala mo ang lapit nila, parang nandiyan lang sila sa tabi. Pero kapag sinubukan mo silang abutin, do'n mo lang malalaman na sobrang layo pala niya at imposible silang mahawakan," sabi niya.

Napangiti ako pagkasabi niya no'n. Ngayon ko lang kasi nalaman na may ganitong side pala si Tristan, na malalim pala 'yong iniisip niya tuwing tahimik siya.

Nawala 'yong awkwardness namin sa isa't-isa pagkatapos no'n. Umpisa kaming magkwentuhan hangang sa abutin na kami ng madaling-araw. Ewan ko ba kung bakit, pero pakiramdam ko sobrang memorable ng moment na 'yon, para bang we bonded over something special.

Naging dahilan ang bakasyon na 'yon para maging close kami ni Tristan. Sa sobrang close nga namin naging best friend ko na siya.

Isang araw...

"Alam niyo, sa sobrang close niyong dalawa hindi na ako magugulat 'pag nagkatuluyan kayo," panunukso ng kaibigan naming si Shane habang nakatambay kami sa mall.

"Ayiee," gumatong pa 'yong iba naming kaibigan.

Dahil pikon ako, nainis agad ako sa kanila. Muntik na nga akong mag-walk out pero hinwakan ni Tristan 'yong wrist ko para pigilan ako.

Lub...Dub...Lub...Dub

Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko no'n. Actually, madaming beses ko ng nararanasan 'yon. Tuwing kasama ko si Tristan, madalas na bumibilis 'yong tibok ng puso ko. Sa tingin ko mahal ko na siya, pero siyempre wala akong pinagsabihan no'n dahil takot akong masire ang friendship namin.

"Tigilan n'yo nga 'yang panunukso sa amin ni Claire," sagot niya. "Parang magkatapid lang kaya kami"

CRAAAAACKKK

Ouch! Ang sakit no'n. Parang nababasag ata 'yong puso ko ng malaman kong parang kapatid lang ang tingin niya sa akin.

"'Di ba Ate?" pabiro pa niyang dagdag. Mas matanda kasi ako ng ilang buwan sa kanya.

Kahit na nasasaktan ako, sinakyan ko na lang 'yong biro niya. "Oo nga Bunso," sabi ko, tapos ginulo-gulo ko 'yong buhok niya. Natawa naman siya kaya nakitawa na lang din ako, kahit na mas gusto kong umiyak no'n.

Parang kapatid lang ako sa kanya. Masakit man pero in-accept ko na 'yong fact na 'yon at ginawa ko 'yong best ko para umaktong kapatid sa kanya.

Tuwing may basketball game siya, napapaos ako kaka-cheer.

Tuwing may hindi siya naiintindihan na lesson sa school, handa akong i-tutor siya.

Tuwing may problema siya nando'n ako para i-comfort siya.

Isang araw...

"Wala ka bang balak mag-boyfriend?" tanong niya sa akin out of the blue.

"Wala."

"E girlfriend?" tanong pa niya. Binatukan ko nga. Napa-aray tuloy siya."Bakit kasi hindi ka nagpapaligaw?" dagdag nila habang nihimas parteng tinamaan ko.

Napa-shrug ako. "Wala naman kasing use 'yon e. Hindi ko makakayang mahalin 'yong taong magkakagusto sa akin," sobrang honest kong sagot.

"Bakit?" gulat niyang sabi.

"May tao kasi na mahal ko, pero hindi naman niya ako mahal. Kung may manliligaw sa akin, unfair naman na sagutin ko siya kahit na hindi ko siya kayang mahalin ng lubos dahil do'n sa taong mahal ko."

"Wow! Ang deep naman no'n," sabo niya sabay pat sa ulo ko. Feeling naging malungkot 'yong mga mata niya dahil sa sinabi ko. "Ang swerte naman ng taong mahal mo. Nagpapaka-martyr ka sa kanya. Sana mahalin ka din niya."

It Could Have Been (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon