It Could Have Been (One Shot)

741 42 43
                                    

Disclaimer:

This story is a work of fiction. Names, characters, place and incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is purely coincidental.

****

It Could Have Been

The most painful thing to hear from someone you love is it could have been.

****

Ako si Claire Gutierrez. Katulad ng madami sa inyo, na-in love din ako. 'Yon nga lang one-sided love 'yong akin. Tinago ko kasi sa sarili ko 'yong nararamdaman ko at hinayaan ko lang, hindi ako gumawa ng kahit anong move para malaman ng taong mahal ko 'yong nararamdam ko.

Alam niyo kung ano ang masakit? Madaming taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon mahal ko pa din siya.

High school ako nang nakilala ko si Tristan Santos. Friend siya ng ibang friends ko pero hindi kami naging close agad. Tahimik at mahiyain kasi ako, tapos may pagka-loner naman siya.

Isang araw nagkayayan 'yong barkada namin na mag-overnight na isang beach resort. Siyempre with parental guidance 'yon. Masaya ang araw na 'yon. Nag-swimming kami at kumain din ng madami.

Kinagabihan...

Hindi ako makatulog kasi namamahay ako, kaya naisipan kong maglalakad sa dagat. Akala ko ako na lang ang gising no'n, late na kasi at pagod na ang lahat, pero mali pala ako. Nando'n din pala si Tristan. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya do'n kaya in-assume ko na lang na nagsa-star gazing siya. Nakaupo kasi siya sa buhangin at nakatingala.

Gusto kong lapitan siya pero nahiya ako kasi hindi naman kasi close. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla na lang akong nag-tago sa pinaka-malapit na puno ng niyog.

Tiningnan ko ang mukha, mula sa malayuan. Ngayon ko lang napansin na may hitsura pala siya. Gwapo, maputi at matangkad siya, tapos ang peaceful ng mukha niya habang naka-tingin sa mga sa stars. Parang wala siyang problema sa mundo.

"Alam kong nandiyan ka," bigla niyang sabi. Medyo nagulat ako no'n.

Napalingon ako sa paligid ko. Wala namang ibang tao dito kundi ako lang, pero hindi pa din ako sure kung ako 'yong kinakausap niya kaya hindi ako muna ako gumalaw. Malay ko ba, baka makikita si Tristan na hindi ko nakikita.

"Wag ka ng magtago diyan Claire."

Since binanggit niya 'yong pangalan ko, sure na ako na ako 'yong kinakausap niya kaya lumabas na ako sa pinagtataguan ko. "Hi Tristan. Sorry, naistorbo kita. Sige, una na ako, " sabi ko at saka ako nag-umpisang maglakad pabalik sa cottage namin.

"Sandali lang," pagpigil nya sa akin. "Di mo nama kailangan umalis. Kung gusto mo, dito ka muna. Tabihan mo ako," dagdag niya.

Umupo naman ako sa tabi niya.

Lub...Dub...Lub...Dub

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko no'n. Hindi ko ala kung bakit.

Nabalot ng katahimikan 'yong paligid namin. Ang awkward kasi walang nagsalita sa aming dalawa. Hindi naman kasi kami close kaya wala kaming pag-uusapan. Naisip ko tuloy na mas okay kung aalis na lang ako.

Patayo na sana ako, pero biglang nagsalita si Tristan. "Ang ganda nila, 'no?"

"Ng ano?" tanong ko

Tumuro siya sa itaas. "'Yong mga stars."

Tumingala ako. Bumungad sa akin 'yong maganda at maningning na view ng mga bituin sa langit. "Oo nga."

It Could Have Been (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon